Renato Manabat, 60, pasado sa tatlong board exams; apat na anak, board passers din

by Bernie V. Franco
Sep 28, 2022
renato manabat board passer
Ngayong 2022, pasado si Renato Manabat, 60 anyos, sa electrical engineering board exam at master electrician board exam. Noong 2017 ay pumasa naman siya sa master plumber licensure exam. Lima na ang anak ni Renato at ang apat ay mga lisensyado rin habang ang bunso ay nag-aaral.
PHOTO/S: Daren Anne Manabat-Mocorro

Pumasa si Renato Manabat, 60, sa electrical engineering licensure exam ngayong September 2022.

Pangatlong board exam na ito na kanyang naipasa. Pasado rin siya sa master plumber licensure exam ngayong taon.

Noong 2017 naman, pumasa siya sa master electrician board exam. Hindi pa siya college graduate noon, pero qualified siya sa board dahil sa kanyang apprenticeship experience.

Lolo na ngayon si Renato, pero hindi naging hadlang ang edad niya para tapusin ang kanyang pag-aaral noong 2020.

renato manabat

Kung tutuusin, hindi na niya kailangang mag-aral dahil may sarili na silang construction business, may hotel at apartments, pati na rin farm.

Ang apat sa kanyang limang anak ay graduates at mga lisensiyado na: si Daren Anne ay electronics engineer at pasado sa electronics technician board; si Dorina ay Biology graduate at licensed doctor; si Diane ay licensed certified public accountant; at si Renz ay licensed architect.

Ang bunsong si Rich Enerson ay kasalukuyang nag-aaral ng mechanical engineering sa De La Salle Dasmariñas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero mataas ang pagpapahalaga ni Renato sa edukasyon kaya kahit may edad na siya ay itinuloy niya ang pag-aaral.

Read:

HARD LIFE

Sabi ng panganay ni Renato na si Daren Anne Manabat-Mocorro sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), buo ang paniniwala nilang kakayanin ng kanilang ama ang makapagtapos ng pag-aaral.

Si Daren pa lang ang may asawa sa kanilang magkakapatid, at mag-iisang taon ang kanyang anak.

Ani Daren sa isang Facebook post noong September 24, bata pa lang ang ama niya ay nagsasaka na ito noon sa Laguna.

Pagka-graduate sa high school, sinimulan ni Renato ang pagkokolehiyo, pero naunsiyami ito dahil sa kahirapan.

Renato manabat

High school graduation ni Renato. Mababasa ring ang ambition niya noon ay "To be a successful Engineer."

Nagtrabaho si Renato bilang factory worker. Naging breadwinner siya at nagpaaral ng kapatid.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sinubukan niyang isabay ang pag-aaral via distance learning, pero naging mahirap ito.

Bilang factory worker, siya ay “naging tagawalis, tagabuhat ng paleta, tagalinis at iba pa,” ani Daren.

Nang makapag-asawa, pumasok sila ng misis sa iba’t ibang negosyo, gaya ng pagtahi ng mga basahan at pagtitinda ng binalot.

Kalaunan, sinimulan nila ang business na paggawa ng mga bintana.

Nabigyan sila ng oportunidad nang makakuha ng malaking kontrata at doon na nagtuluy-tuloy hanggang itayo ang kanilang construction business noong 1994.

Bukod sa construction ay nagpatayo sila ng apartment na paupahan.

Sabi ni Daren, “Mahalaga ang pag-invest at hindi paglalagay ng lahat sa iisang basket lamang.

“Kaya kahit nung panahon na mahina ang construction, ay meron silang nasandalan lalo na at lima kaming nag-aaral na mga anak.”

renato manabat

Si Renato noong 1996.

RENATO GOES BACK TO SCHOOL

Noong 2019, dahil napagtapos na sa college ang apat sa limang anak, nagbalik sa pag-aaral si Renato.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob ng isang taon, nag-graduate si Renato sa electrical engineering course mula sa Manuel S. Enverga University Foundation sa Lucena noong 2020.

Paliwanag ni Daren sa PEP.ph, na-accredit kasi ang knowledge and skills ng ama via government program na Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation (ETEEA).

At ngayong 2020 nga ay pasado si Renato sa dalawang board exams kaya isa nang registered eletrical engineer at registered master electrician.

Sabi ni Daren ukol sa ama, “Very proud and supportive po kami dahil alam namin na yun ang pangarap ni Tatay: ang makapagtapos po at magkalisensiya.

“Napakasipag pa po niya mag-aral at talagang masaya siyang matuto.

“Kahit na po marami nang bago ngayon na dapat aralin tulad nalang sa calculator techniques na wala noon ay nasabayan niya po ang mga ganung pagbabago.”

Sa success story ng kanyang ama, mensahe ni Daren: “Hindi hadlang ang panahon at edad.

“Hindi dahilan ang mga pagsubok para tumigil. Ipagpatuloy ang pag-abot ng pangarap.

“Walang imposible. Keep the faith.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong 2022, pasado si Renato Manabat, 60 anyos, sa electrical engineering board exam at master electrician board exam. Noong 2017 ay pumasa naman siya sa master plumber licensure exam. Lima na ang anak ni Renato at ang apat ay mga lisensyado rin habang ang bunso ay nag-aaral.
PHOTO/S: Daren Anne Manabat-Mocorro
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results