Sa halip na ma-depress o ma-frustrate, iba ang naging approach ni Nestor Panlileo nang hindi siya makapasa sa Certified Public Accountant (CPA) Licensure Examination.
Hinanap niya kung saan nararapat ang kanyang husay.
Tubong Binmaley, Pangasinan si Nestor.
Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Accountancy sa Lyceum-Northwestern University noong April 2016.
Ibinahagi niya noong October 11, 2022 sa Facebook group na Civil Service Exam Reviewer 2023 ang kanyang naging journey sa pagkuha ng board exams.
Ani Nestor, “Two times akong bumagsak sa CPA board exam.”
Nakapasa naman siya sa August 2022 Career Service Examination-Pen and Paper Test Professional Level.
May general rating siya na 83.12 percent.

Pagbabahagi pa ni Nestor, “Ito yung biggest test ko sa sarili ko, dahil kaya ako nag-take ng civil service ay para ma-boost ang confidence ko na kaya kong maipasa ang exam na gaya nito.
“At ito na nga, mabait talaga ang Diyos. Dahil dito, tumaas ulit ang confidence ko. Ang ganda ng 2022 na taon for me.
“Natutuwa ako sa result ng aking CSE rating. Masasabi ko talagang ito yung tamang timing ng lahat.”
Aminado siyang noong una ay wala sana siyang balak mag-take talaga ng CSE.
“Pero dahil dalawang beses akong kumakalawit ng average sa [CPA] board exam na aking kinuha, nawalan na ako ng gana. At itong CSE ang nagpataas ulit ng confidence ko na kaya ko.”
Twice siyang hindi pumasa sa CPA board, pero sa CSE naman ay, "First take, pasok sa banga!”
Matapos bumagsak sa CPA board exam ay nagtrabaho muna si Nestor.
Inisip din niya ang next best move para sa kanyang career, at ito ay ang mag-aral muli.
Sambit niya sa kanyang post, “Last March ay nag-graduate ako ng Master in Business Administration.
“Ngayong October ay civil service passer.”
Aniya, ang kailangan ng isang taong hindi agad makuha ang mga pangarap, “Dasal, pananalig at samahan ng gawa para si Lord ay matuwa!”
Para sa mga hindi pa makapasa sa anumang board exam, binanggit niya ang sinabi ni Celine Dion sa isang fan na nagtanong kung ano ang maipapayo sa mga singers, aspring man o veteran: "Don’t hold on to your dreams, hold on to yourself.
“You can have many dreams, but if your dream doesn’t come true, what does that mean? It’s going to be the end of something?
“No. It’s going to be the beginning of something else, so hold on to yourself.”
Ganito rin exactly kasi ang kanyang ginawa.
Nagpasalamat naman si Nestor sa Diyos, “for redirecting me to this path.”
Ang pagpasa niya sa CSE at pagtatapos ng master’s studies ay nagbukas din sa kanya ngayon ng mas maraming oportunidad.