Umani ng paghanga ang mga Japanese kamakailan sa FIFA World Cup 2022 na ginaganap ngayon sa Qatar.
Puwede kasi silang bigyan ng special award about good manners and right conduct.
Nanalo ang koponan ng Japan laban sa Germany sa World Cup opener, sa score na 2-1, sa Khalifa International Stadium sa Qatar noong November 23, 2022.
Pero ipinamalas ng mga Hapon na hindi nagtatapos sa football field ang kanilang husay.
Matapos magsialisan ang mga manonood sa stadium, nagpaiwan ang Japanese fans at pinulot ang mga naiwang kalat—tulad ng food trays, plastic bottles, at food wrappers.
Ang ilang videos na nai-post sa social media sa pagpulot ng mga basura ng mga Hapon ay umabot na ng milyun-milyong views.
Pero hindi ito ang unang beses na nagpulot ng kalat ang mga Hapon.
Apat na taon ang nakalilipas, ganito rin ang ginawa nila sa FIFA World Cup 2022 sa Russia, matapos nilang matalo sa Team Belgium.
Inulit nila ito nang maglaban ang Qatar at Ecuador sa 2022 World Cup, kahit na hindi naman lumaban ang Team Japan.
KALINISAN, IMPORTANTENG KULTURA SA MGA HAPON
Hindi naman kataka-taka kung maging sa labas ng kanilang bansa ay dala-dala ng mga Japanese ang pagiging malinis.
May simpleng paliwanag ang Japanese blogger na si Mari.k K.
Ayon sa kanya, may kinalaman ito sa kanilang relihiyon at history.
“First, it might be related to religions. It is said that the Shinto gods hate filth or dirty.
“In the Shinto shrine, we need to wash our hands before praying. Also, Buddhism teaches importance of cleanliness for having a peaceful mind.
Dahil dito, nakaugalian na ng Japanese na bitbitin ang kanilang kalat hanggang sa bahay.
Pangalawa umano ang history (published as is): “Japan has had a past history of epidemic diseases, various kinds of infections, food poisonings and so on.
“We Japanese was aware of the need to keep our environment clean.
Sabi pa niya, “More than thirty years ago, there were many trashes in the streets.
“We could not afford to make clean at that time.
“Along with Japan’s economic growth, we become wealthy enough to make our environment clean, physically and mentally.”