T.I.P. Manila team, grand prize winner sa 2022 EULAT Architectural Workshop

by KC Cordero
Jan 7, 2023
The TIP Manila team and their design
Bukod sa konsepto na open spaces, inspirasyon din ng T.I.P. Manila team sa kanilang winning entry ang disenyo sinaunang arkitektura ng mga simbahan sa loob ng Intramuros.

Nagwagi ang pitong junior architecture students mula sa Technological Institute of the Philippines sa ginanap na 2022 EULAT Manila Architectural Workshop nitong November 2022.

Ang architectural competition ay inorganisa ng Instituto Cervantes de Manila at ng Spanish Embassy, sa pakikipagtulungan ng Intramuros Administration.

Ayon sa mga miyembro ng T.I.P. Manila team—na kinabibilangan nina Aubrey Denisse Santos, Missey Andrea Liwanag, Joriz Mendoza, David Joshua Falame, Aron Frank Gosim, Jeron Escandor, at John Joseph Aberte—lumahok sila sa kumpetisyon para lamang mag-gain ng experience sa napiling career.

The TIP Manila team

Hindi nila inakalang sila ang mag-uuwi ng grand prize.

Nanguna ang kanilang design proposal na “Hinto: A Glimpse of the Forgotten” sa iba pang 95 entries.

Paliwanag ni Aubrey sa kanilang winning architectural design, “We wanted to give people a space for them to find whatever answers they are looking for, to remind them of those things that they have somehow forgotten subconsciously.”

Tampok sa kanilang proposal ang open-planned structure sa kalagitnaan ng abalang kalye ng Magallanes sa Makati City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Open space concept

May mga arko ito na nakatayo sa concrete pillars and latticework.

Naging inspirasyon ng team sa disensyo ang traditional architectures ng mga simbahan na itinayo sa loob ng Intramuros.

Dagdag ni Missey, idinisenyo nila ito sa ganoong paraan para ma-maximize at makontrol ang pagpasok ng liwanag ng araw sa gusali.

Open space concept

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas maayos din ang daloy ng hangin o bentilasyon.

Aniya, “Because we want to achieve as much as possible the openness of spaces.”

Ang 2022 EULAT Manila Architectural Workshop contest ay inisyatiba ng European Union National Institutes for Culture bilang bahagi ng EULAT 4 Culture project nito.

Kaakibat nito ang layuning mas palakasin pa ang ugnayang pangkultura sa pagitan ng Europe, Latin America at ng Pilipinas.

Pinili ng five-man jury ang winning entries batay sa “capacity to integrate intangible characteristics in Fil-Hispanic architecture in a modern and innovative design, which invites reflection and debate.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa konsepto na open spaces, inspirasyon din ng T.I.P. Manila team sa kanilang winning entry ang disenyo sinaunang arkitektura ng mga simbahan sa loob ng Intramuros.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results