Precious Mamaril hindi makapaniwalang Top 7 sa nursing board exam

by KC Cordero
Jan 12, 2023
Photo of Precious Mamaril in evening dress, and an art card congratulating her
Susi sa pagiging topnotcher ni Precious Mamaril ang pagiging organized during the review at pagiging focused during the board exam.

Isang nurse ang nanay ni Precious A. Mamaril kaya hindi nakapagtatakang sumunod siya sa mga yapak nito.

Pagbabahagi niya nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, January 11, 2023, “Siya ang naging inspirasyon ko upang kunin ang kurso na ito.

“Nakita ko sa kanya ang walang kapagurang pagganap ng kanyang duties, at mapangalagaan ang kalusugan ng kanyang mga pasyente.”

Bunso sa tatlong magkakapatid, si Precious ay 22 years old at tubong Tarlac City, Tarlac.

Kuwento pa niya, “Parehong nagtrabaho sa gobyerno ang aking parents.”

Precious Mamaril and her family

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Nursing noong May 2022 sa Saint Louis University (SLU).

Matapos ang anim na buwan, nag-Top 7 siya sa November 2022 Philippine Nurse Licensure Examination, kung saan siya nakakuha ng rating na 88.80 percent.

A PEEK INTO HER COLLEGE LIFE

Habang dinadama ang tamis ng kanyang tagumpay, nagbalik-tanaw si Precious sa kanyang journey tungo sa katuparan ng kanyang pangarap.

“Mahirap ang mag-aral nang malayo sa aking pamilya, lalo na at ito ang una kong pagkakataon na wala ang pamilya ko sa aking tabi.

“Mabuti na lang at mabait ang aming landlady na tumayong pangalawang ina sa akin upang magsikap na matapos ang kurso ko.”

Bilang mag-aaral, responsable at matiyaga si Precious.

“Masipag ako sa pagtupad ng mga scheduled activities.

“Nagkaroon din ako ng backlogs dahil minsan nahihirapan akong umpisahan ang mga ito, ngunit inisa-isa ko rin itong tapusin at humingi rin ako ng tulong sa mga kaibigan ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Young Precious Mamaril

At para mabawasan ang kanyang stress, “Nanonood ako ng K-dramas o sine, kumakain sa labas, at nag-go-grocery para mabaling ang aking isipan sa masasayang bagay.”

REVIEW METHOD

Relatively ay smooth ang pagre-review ng dalaga para sa board exam.

“Nag-enroll ako sa Toprank Review Center. Ang pinili ko ay online review dahil nagkasakit din ang aking ina, at para na rin kasama ko sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahirap mag-review kasi ilang oras kang nakatutok sa laptop, pero worth it naman dahil hawak ko rin ang mga oras ko.”

May mga pagkakataong nakakatulog siya habang may online class, kaya binabalikan niya ang mga recordings.

“Malaki ang tulong ng review center ngunit kailangan mo ring magsikap o mag-self-directed learning na ine-encourage din ng SLU noong student nurse pa kami.

“Mag-research pa dapat sa mga bagay na hindi pa alam.”

Dahil kapos rin siya sa oras para basahin ang mga libro from cover to cover, nag-practice tests siya.

“Para matutunan ko ang ibang mga topics na kailangan ko pang aralin sa ibang parte ng exam, dahil sa hindi naman lahat ng topics ay napag-aralan ko.

Pagbabahagi pa niya, mula high school hanggang board exam ay may katagalan talaga siyang sumagot sa mga tanong.

“Lalo na kung hindi ako sure sa mga sagot ko. Halos inuubos ko ang two hours para sa isang exam kahit ang mga katabi ko ay nagsisipasa na ng mga papers nila at ako na lang ang natirang di nagpapasa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya pinag-aralan din niya ang mga strategies para matapos ang exam on time.

“Nakatulong ang aking panonood ng Test Taking Strategies, na aking ini-apply para matapos ko ang exam sa takdang oras.”

Ani Precious, sa review center nila, lahat sila ay mino-motivate na mangarap maging topnotcher.

“Dahil online mode kami, ang itsina-chat namin ay ‘TTBE’ o ‘To Top the Board Exam.’”

Pero ang mas ipinagdarasal umano niya ay ang makapasa silang lahat na galing SLU.

“Kaya hindi ako nag-expect na mag-top.

“Pero para sa akin, ang mahalaga ay ginawa ko ang makakaya ko at pinaghirapan ko para wala akong pagsisihan sa huli.

“Masasabi kong I did my best. Sa aking pamilya, ang mahalaga ay pumasa ako, kaya malaking blessing na isa ako sa topnotchers.”

PLANONG MAGTRABAHO SA HOSPITAL

Ayon pa kay Precious ay matiyaga silang naghintay ng kanyang mga ka-batch ng results ng board exam.

“Marami rin kaming nag-take ng exam, at walang kasiguraduhan kung anong exact date ito ilalabas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alas sais ng umaga nang lumabas ang resulta kaya tulog pa siya.

“Nagising ako dahil sa tawag ng aking kuya. Siya ang unang nagsabi na pumasa ako at nasa Top 7 ako.”

Dahil kagigising pa lang niya, hindi agad siya naniwala.

The Top 7 list

“Matapos kong makita sa Professional Regulation Commission website na talagang pumasa ako ay ginising ko na rin ang aking magulang para sabihin ang magandang balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nagpasalamat din po ako kay Lord.”

Inialay ni Precious ang pagiging topnotcher kina Lord Jesus Christ at Mama Mary, "at para po sa pamilya ko na walang sawang sumuporta sa akin. Pati sa mga kamag-anak ko at mga kaibigan.”

Pagkatapos ng kanyang oath-taking ceremony, ano ang balak gawin ni Precious?

“I plan to work in the hospital.”

At ang payo niya sa mga future nursing students, “Give your very best so that you can inspire your patients and peers.

“You must carry on even though there will be times that you will feel drained while studying.

“Always seek guidance from God, your family, and friends to help you achieve your goals and overcome your fears and doubts.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Susi sa pagiging topnotcher ni Precious Mamaril ang pagiging organized during the review at pagiging focused during the board exam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results