Watch Now

Miss Philippines-Earth 2020 candidate Lyka Lagasca now a soldier

by Bernie V. Franco
Jan 24, 2023
lyka lagasca beauty queen soldier
Lyka Chamberlaigneh Lagasca now as a ranked officer of the Armed Forces of the Philippines and before as one of the candidates of an annual national pageant.
PHOTO/S: Facebook (Lyka Lagasca)

Mula sa pageant training, nauwi sa military training si Lyka Chamberlaigneh Lagasca ng Lal-lo Cagayan.

Si Lyka, 23, ay hinirang na 2nd lieutenant ng Philippine Army matapos pumasa sa Officer Candidate Course o OCC nitong January 2023.

Si Lyka ay isa noon sa official candidates ng Miss Philippines Earth 2020 pageant at nakakuha ng special award na Eco-Angel Award.

Ni sa hinagap, hindi raw pinangarap ni Lyka na pumasok sa military dahil alam niyang masyadong pisikal ang training para rito.

Sabi ng dalaga sa ulat ng GMA News,“Sinubukan ko lang po talaga i-try kasi bibihira lang din po ang mga babae sa military."

Si Lyka ay nagtapos ng Travel Management sa University of Santo Tomas noong 2019.

Kuwento niya, tila mga pagkakataon na rin ang nagbigay-daan para tahakin ang pagsusundalo.

Aniya sa panayam ng Mornings With GMA Regional TV, January 17, 2023, “To be honest po, never in my wildest dreams for me to become part of the Armed Forces of the Philippines [AFP] or to become a military personnel alone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero ako, I am a woman of activities po. I love engaging to the youth and to the community. I love doing community services.

“Siguro yun po. It had played a big role for me to be where I am now, to become part of the AFP.

“Through those activities po, I met a lot of people.

“I get to experience and learn a lot from them and at some point, may mga na-meet ako sa Philippine Army 501st Infantry Brigade, saka sa CM [Civil Military] Manila.

“Nagtuluy-tuloy hanggang sa sabi ko sa sarili ko, ‘Bakit di ko i-try? Life is all about taking chances and taking risks, after all.’”

Lyka Lagasca beauty queen soldier

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lyka Lagasca is now a 2nd Lt. of the Armed Forces of the Philippines. (Inset) Lyka as candidate of the Miss Philippines-Earth 2020 pageant.

LYKE ENTERS MILITARY DURING PANDEMIC

Si Lyka ay dating youth leader ng Youth Leadership Seminar na inisyatibo ng military officers.

Malaki raw ang kinalaman ng pandemya sa pagpasok ni Lyka sa military school.

“Everything happened during pandemic. Miss Philippines Earth 2020, kasagsagan iyan ng pandemic.”

Virtual nang ganapin ang edition ng annual national pageant na ito noong 2020.

Ito rin ang mga panahong naging aktibo si Lyka bilang youth leader.

“So everything happened during pandemic.

“It is when everyone was having a hard time and let alone for you to become hope.

“Tapos kailangan mo rin tumulong sa kapwa mo.”

Pagbabalik-tanaw ni Lyka, sobrang challenging ng Miss Philippines Earth activities noong pandemya dahil “kailangan naming mag-conduct ng ibat-ibang activities, tapos pupunta kami sa ibat-ibang lugar.

“So the experience alone from there. I became open to the realities of life na ang hirap talaga ng buhay, lalo na sa low-income individuals natin, saka sa mga IPs or indigent people.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko there will come a time na ako naman ang tutulong sa kanila, for them to feel the life that I am enjoying, and hopefully that time is right now.”

lyka lagasca beauty queen soldier

Naniniwala raw si Lyka na innate sa kanya ang tumulong sa kapwa.

Aniya, “Kasi nasisiyahan ako, natutuwa ako kapag ini-invite ako na, ‘Miss Lyka, available ka ba sa ganitong event…’ para magkaroon ng tree-planting activities or do some things.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I like doing those activities. Yun yung you must love the things that you are doing.

“At the same time you are inspired, so hindi mo mapi-feel yung pagod.

“And servitude. I want to live a life full of service.

“Ang saya kasi wala kang masasabing reason kung bakit tatanggihan mo yung service para sa bayan, tatanggihan mo yung service sa tao kasi makakatulong ka.

“Mapapagod ka, pero yung pagod na iyon pag nakita mo yun, at the end of [the] day, madaming natuwa, madaming natulungan, walang-wala ang pagod.”

Bukas pa rin daw si Lyka sa posibilidad na sumali sa mga beauty pageants.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lyka Chamberlaigneh Lagasca now as a ranked officer of the Armed Forces of the Philippines and before as one of the candidates of an annual national pageant.
PHOTO/S: Facebook (Lyka Lagasca)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results