Watch Now

Topnotcher Jen Kambeitz shares college memory: 'Naghahanap ng bubunutan ng ngipin sa eskinita'

by KC Cordero
Jan 25, 2023
Jen Kambeitz with her dad, and wearing her dentistry uniform
Ang unang dentist ng pamilya, Jen Kambeitz, kasama ang kanyang proud daddy.

May dental braces si Jennifer Cristy B. Kambeitz, mas kilala bilang Jen, 23, ng Angeles City, Pampanga noong high school siya.

Na-inspire siya sa kanyang mabait na dentist noon, at nangarap siyang maging tulad nito.

Hindi naman nabigo ang dalaga dahil nagtapos siya ng Doctor of Dental Medicine sa Centro Escolar University-Makati noong July 2022.

Graduation photo of Jen Kambeitz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakatsikahan si Jen ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last January 21, 2023 via Facebook Messenger.

Kuwento niya, madami siyang pinagdaanan bago naka-graduate.

“As early as 16 years old, I had to live alone in a city I wasn’t familiar with.”

Nahirapan siyang mamuhay nang mag-isa dahil nakamulatan niyang kasama ang pamilya simula pagkapanganak.

Dito niya naranasan ang hirap ng pagiging independent na bukod sa pag-aaral ay siya rin ang mag-aasikaso sa mga gawaing bahay.

“Kasi nga po ako lang mag-isa noon. Napakahirap po.”

Kahit noong nawalay ulit siya sa pamilya dahil sa board exam, nangulila ulit siya.

“Para makapag-solo at maka-review for board exam. Although, choice ko po iyon. Seven months of sacrifice away from family members."

COLLEGE ANECDOTE: PAGHAHANAP NG MAGPAPABUNOT NG NGIPIN

May isang insidenteng hindi makakalimutan si Jen noong college.

“May deadline kami sa oral surgery class namin na need makakuha ng patient na bubunutan ng at least five teeth.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“To cut the long story short, last minute ay nag-back out yung pasyente ko!”

Kinailangan niyang maglakad nang mag-isa sa mga kalye ng Pasay City at Makati City.

“Nagtatanung-tanong ako kung sino ang willing magpabunot or else babagsak ako sa subject kong iyon.”

Wala siyang makita.

“Umabot sa point na umiiyak na ako habang umuulan. Wala pa rin akong nahahanap na patient.

“Pagod na pagod na ako sa buong araw na kakalakad.”

Sumuko na si Jen sa paghahanap. Huminto siya sa isang tindahan saka umupo at umiyak dahil sa frustration.

Ang hindi niya akalain, “Yung katabi ko sa tindahan, siya lang pala ang makakasagot sa panalangin ko noon.”

Pumayag ito na bunutan niya ng ngipin.

At ang mas masaya, “Hindi lang lima kundi 10 ngipin ang na-credit na ngipin sa pasyente kong iyon.”

Napakadami pa ani Jen na challenges, at isa lang ito sa mga iyon.

“Witness po ang mga eskinita ng Pasay at Makati sa hirap na pinagdaanan ko sa paghahanap ng mga pasyente noon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero kahit pa maraming pagsubok, ramdam ni Jen na binuhat siya ni Lord sa entire college life niya.

“Anytime, puwede akong ma-kidnap, manakawan o maholdap sa mga eskinita na pinasok ko dahil sa sobrang desperada ko makahanap lang ng mga pasyente.

“Pero ni isang beses, hindi ako napahamak kasi naniniwala ako na ang Diyos ang nag-protect sa akin sa mga panahong iyon.

“Kahit sobrang delikado at makipot na eskinita, pinasok ko po iyon noon.”

COLLEGE GOAL: MAGING TOPNOTCHER

Gaya ng ibang kumuha ng professional licensure exam, nahirapan si Jen sa mismong araw ng pagsusulit.

“Kasi sa lahat nang inaral ko, halos wala pong lumabas sa mga yun.

“Halos basic questions ang natanong sa board exam, yung mga hindi ko pa inaral.”

Pagbabahagi ni Jen, personal goal naman niya na maging topnotcher.

“Sa totoo po, noong una pa lang na pumasok ako ng college, meron na po akong desire na mag-excel sa course na kinuha ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko sa sarili ko, gusto kong ma-try yung best ng capabilities ko kasi noong high school, hindi ko nagawa iyon.”

Kaya nang malapit na umano siyang mag-graduate, “Sinulat ko sa notebook ko na someday magta-top ako ng boards.”

“I KNOW HOW TO MAKE MY DAD CRY”

Bandang alas dos ng madaling-araw nalaman ni Jen ang resulta ng December 2022 Dentists Licensure Examination.

“Patulog na po ako noon. Biglang nag-vibrate na yung phone ko. Tapos pagkabukas ko, nag-congratulate na yung mga ka-batch ko.”

Sa isip-isip niya, “Bakit ako iko-congratulate kung nag-take din naman sila ng board exam?”

Tanong niya sa mga ito, “Ano’ng meron?”

Ipinadala ng mga ito sa kanya ang resulta.

Top 10 siya, at may rating na 81.90 percent.

Art card congratulating Jen Kambeitz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi din po ako makapaniwala! Agad akong bumangon at ibinalita ko sa father ko na nag-top ako.

“Umiyak kaming dalawa. I wish my grandfather witnessed this before he passed away.”

Sa kanyang buong pamilya inialay ni Jen ang kanyang tagumpay.

“Especially sa mga magulang ko. Sa daddy kong sobrang hard worker para lang matapos ko ang seven years ng dentistry.”

Siya rin ang unang dentista sa kanilang pamilya.

January 13, matapos manumpa bilang licensed dentist ay nag-post si Jen sa kanyang Facebook account ng video at mga larawan mula sa okasyon.

Ang kanyang caption: “I know how to make my dad cry.”

What’s next para sa mapagpursigeng dentist?

“Ang future plan ko ay makapagtayo ng sariling clinic na may sariling dental laboratory na rin dito sa aking hometown.

“Gusto ko ring makapag-take ng master’s degree, and hopefully, makapagtayo rin ng dental materials store.”

Ang payo niya sa mga nais maging dentist ay huwag na huwag bibitaw o susuko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“If it’s not good yet, God’s not done yet.

“Maraming challenges sa dentistry. Maraming iyak, sleepless nights, at heartbreaking na situations pero don’t give up.

“Gawin mo yung best mo at isipin mo na kung gustung-gusto mong ma-achieve ang pangarap mo, abot-kamay mo iyon. Work hard, have faith and soon it will pay off.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang unang dentist ng pamilya, Jen Kambeitz, kasama ang kanyang proud daddy.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results