VIRAL: Netizens, hinahanap ang nanay na nakahulog ng PHP120 para sa 6 na anak

by Bernie V. Franco
Feb 5, 2023
money and letter
Netizen Ghie Tabinas-Consuela is determined to find the mom who lost PHP120 with a letter: "Yung feeling being nanay lang po ang ugat ng lahat. Naiisip ko po baka pambaon pa yun ng mga anak niya, aksidente pa pong nahulog."
PHOTO/S: Ghie Tabinas Consuel

Marami ang naaantig ngayon sa viral post ng isang female netizen na nais mahanap ang may-ari ng napulot niyang pera na may kalakip na liham.

Ang nilalaman ng maiksing liham ang kumukurot sa puso ng netizens.

Hindi kalakihan ang napulot na halaga ng pera, subalit ang nakasulat sa kapirasong papel ay testamento ng walang kapantay na halagang pagtingin ng isang ina sa kanyang mga anak.

Mismong ang nakapulot ng pera na si Ghie Tabinas-Consuela, naantig sa nabasa niya sa liham ng kapwa niya ina.

Naghintay ng ilang sandali si Ghie na baka bumalik ang may-ari, pero walang kumuha.

Ipinost ni Ghie ang larawan ng pera at mababasa rito ang nilalaman ng sulat: “Love mga anak ko, paghati-hatiin ninyo to 120, Love Mama”

"YUNG MESSAGE NG MOTHER," bungad ni Ghie sa kanyang FB post nitong February 2, 2023 na nilakipan niya ng emojis na na-touch siya sa nabasa.

Pagpapatuloy ni Ghie (published as is): “Napulot ko po along service road ng Quezon Avenue.”

Nagbabakasakali si Ghie na mababasa ng nakalaglag ng pera ang kanyang post.

“Nakabalot yang 120 sa papel, nakatupi ng maliit. Baka sakaling andito yung nanay na nakahulog.”

Idinetalye ni Ghie ang nilalaman ng liham. Lumalabas na ang PHP120 ay paghahatian ng anim na magkakapatid.

Pagdedetalye ni Ghie: “Para yan sa mga anak niya with names pa po and amount list on each name.

“Wala pa pong mga dumadaan nung mapulot ko po yan along the area kahit nag antay pa po ako kung may babalik or maghahanap for about 20minutes.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Panawagan ni Ghie sa nakalaglag ng pera: “Mi, baka dumaan to sa newsfeed mo, message lang po kung ikaw ang may ari nito.

“Alam kong pinaghirapan mo to kahit maliit na halaga.”

Inilista na rin ni Ghie ang mga pangalan ng mga anak na nakasulat sa papel—sina Justine, Russie, Paolo, Ella, Kaylie, Marvin.

Paliwanag ng netizen: “Kasi baka walang FB si nanay. Baka sakaling dumaan to sa newsfeed ng mga anak niya.”

Ginamit ni Ghie ang mga hashtags na #motherslovemessage at #pantaypantaynapagmamahalngNanay.

Hindi lang sa kanyang FB page nag-post si Ghie. Ipinost niya rin ang tungkol sa napulot na pera at liham sa ilan pang FB community page, sa pag-asang matunton ang may-ari.

Agad namang pumayag si Ghie na i-repost namin ang kanyang panawagan.

Aniya: "You can repost po para makita po ang may ari."

Nagpaliwanag din si Ghie kung bakit sinisikap niyang mahanap ang may-ari.

"Yung feeling being nanay lang po ang ugat ng lahat. Naiisip ko po baka pambaon pa yun ng mga anak niya, aksidente pa pong nahulog.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Alam kong pinaghirapan niya po yun para sa anim niyang mga anak.

"Ramdam dun mismo sa mensaheng nakasulat."

NETIZENS TOUCHED BY THE MESSAGE

Gaya ni Ghie, maraming netizens ang napukaw ang damdamin sa liham at sa kanilang simpleng paraan, tumulong sila.

Nagkomento sila ng “Up” sa post ni Ghie para umakyat ang kanyang panawagan upang mas maraming netizens ang makakabasa.

Ang iba, humihingi ng update kay Ghie kung nahanap na ang may-ari. Masugid naman itong sinasagot ni Ghie.

Hanggang nitong Sabado, February 4, ay hindi pa rin nagpaparamdam ang may-ari.

Pero paniniyak ni Ghie sa isang komento: “Update ko na lang post ko kapag nakuha ka po ng may ari. Thank you po.”

Ang ibang netizens, nag-pledge na kapag nahanap na ang may-ari ay magbibigay sila ng tulong sa pamamagitan ng e-wallet.

Komento naman ng isa pang netizen, patunay raw itong marami pa rin ang may mabubuting kalooban.

netizens comment

netizens comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizen Ghie Tabinas-Consuela is determined to find the mom who lost PHP120 with a letter: "Yung feeling being nanay lang po ang ugat ng lahat. Naiisip ko po baka pambaon pa yun ng mga anak niya, aksidente pa pong nahulog."
PHOTO/S: Ghie Tabinas Consuel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results