Giant Blue Marlin sa Palawan, nabingwit at nagkakahalaga ng PHP81,000

by Bernie V. Franco
Feb 27, 2023
giant blue Marlin
Ayon sa mangingisda na si Pao-Paw Ruta, sa kabuuan ay nakahuli sila ng pitong Blue Marlins na umaabot sa 600 kilos ang timbang.
PHOTO/S: Pao-Paw Ruta

Inabot ng dalawang oras ang ilang mangingisda bago nila naisampa sa bangka ang kanilang big catch.

Ang higanteng biyaya mula sa dagat—isang Blue Marlin—ay tumitimbang ng 270 kilos.

Nahuli ito sa karagatan ng Balabac, Palawan nitong February 22, 2023.

giant blue marlin

Aminado ang mangingisdang si Pao-Paw Ruta na nahirapan sila sa pamimingwit dahil kawil lamang ang gamit nila.

“Thank you Lord,” simpleng caption ni Pao-Paw sa larawang ibinahagi niya sa Facebook.

Makikitang mas malaki pa sa kanya ang kanilang huli.

Samantala, sinabi ni Pao-Paw sa ilang interviews na ang Blue Marlin ay nagkakahalaga ng PHP280-PHP300 kada kilo.

At ayon sa ilang regional reports na na-interview si Pao-Paw, ang ganitong higanteng isda ay nagkakahalaga ng PHP81,000.

Sa ulat naman ng 10.3.1 Brigada News–Palawan, sinabi ni Pao-Paw na nakahanap sila ng buyer ng isda.

giant blue marlin

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Itinuturing din ni Pao-Paw na pambirang pagkakataon ang nangyari dahil hindi basta-basta makakahuli ng ganoon kalaking isda.

Umabot naman sa pitong Blue Marlins ang nahuli ni Pao-Paw at ng mga kasamahan sa loob ng tatlong araw nila sa karagatan.

May kabuuang 600 kilos ang lahat ng kanilang huli at nakahanap naman sila ng buyer sa mga ito.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa mangingisda na si Pao-Paw Ruta, sa kabuuan ay nakahuli sila ng pitong Blue Marlins na umaabot sa 600 kilos ang timbang.
PHOTO/S: Pao-Paw Ruta
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results