Pinagkalooban si Shanna Mae Bercia Goyena ng Certificate of Commendation ng Provincial Government of Albay last February 13, 2023, dahil sa karangalang hatid niya sa lalawigan.
Si Shanna ay tubong Daraga, Albay.
Produkto siya ng Bicol University Institute of Design and Architecture.
Top 2 siya sa January 2023 Architecture Licensure Examination, kung saan nakakuha siya ng rating na 88.3 percent.
READ ALSO: Lindy Zalan Aviles, Top 1 in board exam; believes in determination not superstition
Ayon sa ulat ng PIA Bicol last February 3, sinabi ni Shanna na sulit ang matagal niyang paghihintay.
Inabot kasi ng pitong taon bago siya nakakuha ng board exam.
Mahabang panahon ng pag-aaral at mahirap na review period ang mga pangunahing challenges na kanyang pinagdaanan.
''We have five years in college and two years of post-baccalaureate diversified training. Then another is the review period.
“Sobrang habang panahon bago kami payagang mag-take ng board exam."
READ ALSO: Casey Angelique Ty, Top 9: “Goodbye, baon... see you, suweldo.”
Naging inspirasyon niya sa pag-aaral ang makatulong sa kanyang pamilya.
Panganay siya sa dalawang magkapatid.
“Gusto ko na makatulong kina Mama at Papa. Kasi sa loob ng mahabang panahon na nag-aral ako, gusto ko naman na ibigay sa kanila kung ano ang ibinigay nila sa akin.
“Siguro kung may moment man na nahihirapan ako, nariyan yung family ko na ready to support sa kung ano ang gusto kong gawin.
“Kaya thankful ako sa kanila.”
Last February 21 ay may mahabang post si Shanna sa kanyang Facebook account.
Aniya, walang sapat na mga salita para mapasalamatan ang mga nakisaya sa kanyang achievement.
“Hindi ko akalain na ganitong support and matatanggap namin.
“Passing is the goal. Placing second in January ALE 2023 is a bonus from the Lord.”
Masaya umano niyang ibinabahagi sa lahat ang kanyang tagumpay.
“To my parents, Mama, Papa, Tito And Tita, sana makabawi po ako sa inyo sa lahat balang araw.”
READ ALSO: Jane Entuna, Top 8 sa 2 board exams; licensed agriculturist na, licensed teacher pa
Pinasalamatan din niya ang mga kaibigan, kaklase, ka-batch, at schoolmates; gayundin ang mga naging mentors, professors, at iba’t ibang organisasyon na tumulong sa kanya.
“Hindi ko man maisa-isa o ma-tag ang lahat, pero natatandaan ko po lahat kahit short instances na nakasalamuha ko kayo.
“At lagi na po yun ang dala-dala ko.
“To all of you po who congratulated us and to those people po na hindi namin kilala personally who said that I have inspired them, and their children in pursuing their dream to become an architect someday, thank you so much.
“You don't know po how much that means to me and to my parents.”
Pagtitiyak pa ni Shanna, kahit Top 2 siya sa board exam, “That doesn't mean that I know it all.
“In fact, I’m still a beginner. I will still learn new knowledge and acquire wisdom in the next years of my life.
“And in time, I hope I could give back to our society in the best way I can.
“And of course, I'm forever grateful to Him for His guidance and love; the Creator, the true architect, the great master builder, God.”
Ngayong isa na siyang architect, open siya sa anumang oportunidad na makapagtrabaho para makabawi sa ginastos sa pag-aaral.
Ang payo niya sa student architects, “Laban lang.
“Kung gusto nila ang architecture at nag-e-enjoy sila sa ginagawa nila kahit mahirap, makakaya nilang itawid ang pitong taon.”