Content creator, multi-millionaire at 16; nakapagpundar ng properties, car, businesses

by Bernie V. Franco
Mar 2, 2023
alexis vines
Si Alexis Vines o Alexis Dupagan ay kilala dahil sa kanyang food-related vlogs na karamihan ay milyun-milyon ang views. Kasalukuyan siyang may 3.1 million subscribers sa Facebook.
PHOTO/S: YouTube (Julius Babao UNPLUGGED) / Facebook (Alexis Vines)

Sa edad na 16 anyos ay certified millionaire na si Alexis Dupagan, also known as Alexis Vines, isang video content creator mula sa San Miguel, Del Monte, Bulacan.

Nagsimulang mag-boom ang kanyang food-related content videos noong pandemic.

Ngayon ay may pag-aari na siyang sasakyan, land properties, condo unit, at businesses na milyun-milyon ang halaga.

Katuwang ang kanyang kapatid na isa ring content creator, nakabili na si Alexis ng 4,000-square-meter lot sa San Miguel na nagkakahalaga ng PHP4.5 million.

Binili nila ito in cash.

Balak nilang patayuan ito ng modern houses na may kasamang swimming pool.

Read also:

alexis vines land property

Nakabili na rin sila ng 2,000-square-meter land property sa Mindoro na sinisimulan nilang patayuan ng rest house.

Nakapagpagawa na si Alexis ng bahay para sa kanyang lola sa probinsiya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tinupad rin ng content creator ang dream ng kanyang nanay na magkaroon ng coffee-shop business. Itinayo ito gamit ang puhunang PHP500,000.

Pinagpaplanuhan ng magkapatid na magdagdag pa ng negosyo tulad ng restaurant.

alexis vines

Si Alexis ay mayroong 3.1 million followers sa Facebook na kanyang mino-monetize.

Ang kanyang TikTok videos ay may combined views na one billion.

Karamihan sa kanyang content ay food reviews, food hacks, at product reviews.

Sa interview ng Julius Babao UNPLUGGED vlog noong February 16, 2023, sinabi ni Alexis na ang kanyang content ay usually reviews ng mga napapanood na food hacks sa social media.

Ginagaya niya ang mga ito at ipinapakita sa viewers ang totoong nangyayari pag binili at sinubukan ang iba't ibang produkto.

Aniya, ito ay nagsisilbing paraan niya para maiwasan ang talamak na panloloko o pandaraya sa social media.

Malaking bagay raw ang kanyang pagiging energetic para ma-engganyo ang mga manonood na karamihan ay mga kabataan at mga nanay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marami sa kanyang mga Facebook content ay milyun-milyon ang views.

SOBRANG HIRAP NG BUHAY DATI ayon sa nanay

Animo ay 180-degree turn ang nangyari sa buhay ni Alexis.

“Sobrang hirap ng buhay talaga namin. Yung tipong nahihirapan kaming humanap ng pagkain. Yung paulit-ulit yung ulam namin, yun na po yung nangyayari,” kuwento niya sa interview ni Julius Babao.

Naranasan ni Alexis na maglinis ng bahay ng kapitbahay o magbantay ng tindahan ng iba para sa kaunting kita.

Kumakanta siya noon sa arcade at inaabutan siya ng pera ng mga natutuwa sa kanya.

Pero hindi niya ipinagpatuloy ang pagsali sa malalaking singing competitions.

Sabi niya, “Tingin ko po wala po ang suwerte ko doon sa kanta kasi nag-try din po akong mag-audition sa iba. Hindi po talaga ako napapansin.

“Pero yung talent ko po talaga, nakita po talaga sa pagva-vlog, yung talent ko po talaga sa pag-entertain ng mga tao. Magaling po ako doon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinimulan daw niya ang paghingi ng isandaang piso sa ina at pupunta sa mga karinderya sa kanilang lugar at magva-vlog.

Noong una ay umaabot na ito ng 100,000 views, hanggang dumami nang dumami ang kanyang subscribers.

alexis vines

Determinado si Alexis na pagbutihan ang content.

“Ganon po talaga ang tinatak ko sa isip ko—balang araw o sa susunod na taon, wala na tayo sa sitwasyon na ito. Basta pagtiyagaan at paghirapan…”

Hindi inasahan ni Alexis na magbabago ang kanilang buhay dahil sa vlogging.

“Hindi po, wala po talaga. Nag-enjoy lang po talaga ako. Number one ano po talaga sa pagva-vlogging is i-enjoy mo lang.”

PUMATOK ANG PAGIGING CONTENT CREATOR

Maging ang nanay niyang si Lea Dupagan ay hindi inakalang magbabago ang kanilang buhay.

Si Lea ay dating Overseas Filipino Worker, subalit hindi niya natagalan ang mapalayo sa pamilya kaya umuwi siya sa Pilipinas.

Aminado si Lea na “sobrang bilis” ng resulta ng pagiging content creator ni Alexis.

“Nung nag-monetize na siya hindi pa lang matured yung page, pero weeks pa lang na-reach na niya yung minimum na 10,000 yung minute views.

“Tapos nandun yung times na kinukuwenta na namin per cent [centavo], 'Eto, may 10 cents ka na sa isang video mo,’ and then pumalo na nang pumalo, hindi na kami makapagkuwenta,” ani Lea.

Proud si Lea sa pagsasabing dahil dumaan sa hirap ang mga anak ay natuto silang dumiskarte sa buhay.

Ito raw ang nangyari kay Alexis, na isang high-school student.

Si Lea ang nagma-manage sa finances ng anak dahil wala pa ito sa hustong gulang. Inaabutan na lamang ng allowance si Alexis.

Pero tinitiyak ni Lea na transparent siya sa savings ng anak, maging sa mga expenses.

Hangad ni Lea na magtayo pa ng mga negosyo at palaguin ang mga ito.

Masaya naman si Alexis na marunong humawak ng pera ang nanay at ang tanging “bisyo” nito ay ang pagtatayo ng mga negosyo.

TIPS FROM ALEXIS

Sa huli, nagbigay naman siya ng tips para sa mga gustong maging content creators.

“Maging confident sa ginagawa. Lagyan ng tiyaga,” sabi ni Alexis.

“Maging masaya para sa iba. Gumawa ng quality video o ginagawa mo o hobby mo sa buhay.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Alexis Vines o Alexis Dupagan ay kilala dahil sa kanyang food-related vlogs na karamihan ay milyun-milyon ang views. Kasalukuyan siyang may 3.1 million subscribers sa Facebook.
PHOTO/S: YouTube (Julius Babao UNPLUGGED) / Facebook (Alexis Vines)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results