Van Gabriel Pineda, after malugi sa tapsi business, nag-Top 8 sa board exam.

by KC Cordero
Mar 11, 2023
Photo of Van Gabriel Pineda anfd the list of Top 10
Maapos malugi sa negosyo niyang tapsihan, nagdesisyon si Van Gabriel Pineda na mag-take ng board exam dahil sa pamimilit ng ina.

“Gusto ko lang i-share ang journey ng board exam ko,” panimula ni Van Gabriel Pineda sa kanyang Facebook post noong February 5, 2023.

Nagtapos siya ng Bachelor of Science in Radiologic Technology sa University of Perpetual Help System-Biñan Campus sa Laguna.

Kuwento niya, “I graduated last 2020. Nagka-pandemic, walang board exam, walang trabaho, nagka-baby pa.

“Nung buntis pa lang ang partner ko, nag-try akong maging rider sa isang company.

“Medyo maliit ang suweldo kaya nag-freelance na lang.”

Photo of Van Gabriel Pineda as a rider

Naging pasabuy rider si Van. Sinubukan din niyang mag-online seller ng coffee, nachos, at pasta.

“Medyo maraming umoorder kaya nakaipon.”

Ang ginawa niya ay nagtayo ng coffee shop sa kanilang bahay, ang BLK24 Cafe.

Sa kabutihang palad, “Medyo sumikat kaya nakaipon ulit.”

READ ALSO: Shanna Mae Goyena, Top 2 sa Architecture Licensure Exam; excited "makatulong" sa mga magulang

NALUGI ANG SECOND BUSINESS

Dahil sa magandang takbo ng kanyang coffee shop, pumasok ulit si Van sa panibagong business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

This time, isang tapsihan naman sa may highway malapit sa kanilang bahay.

“Yung mga time na yun, tinanong ako ni Mama, ‘Paano na ang pinag-aralan mo?’”

Ang sagot niya noon sa kanyang ina, “Sabi ko, ‘Hindi na ako magte-take, ‘Ma. Okey naman dito [sa pagnenegosyo].'”

Ani Van, nagtampo ang kanyang ina “kasi sayang naman daw ang ipinang-tuition niya.”

Hanggang sa dumating ang hindi inaasahan ni Van, “After three months, nalugi!”

Lonely photo of Van Gabriel Pineda

Hindi niya kinaya ang upa sa tapsihan kaya napilitan siyang magsara.

Bukod sa nawalang income, naapektuhan ang kanyang mental health.

Aniya, “Nawalan din ako ng confidence na mag-start ulit ng business.

“Dumating sa point na hindi ako makatulog sa gabi. Umaga na ako nakakatulog dahil iniisip ko ang future ng anak ko, ng family namin.

“Sobrang hirap!”

READ ALSO: Gwyneth Grace Porras, BTS fan, Top 7: “My best moment is yet to come.”

NAPILIT NG INA NA KUMUHA NG BOARD EXAM

Ang tanging ginagawa lang ni Van noon ay mag-alaga ng anak, at maghatid-sundo sa kanyang partner sa trabaho nito sa City Hall.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pagtatapat niya, “I felt useless. Wala akong ma-i-provide sa family ko.”

Hanggang makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ina, na tinanong kung ano ang balak ni Van.

Sermon pa umano nito sa kanya, “’Sabi ko sa iyo gamitin mo yung pinag-aralan mo.’

“Pero ako, matigas kasi ang ulo ko.

“Sabi ko, ayoko nang maging radtech kasi feeling ko di ko kaya ang board exam.”

READ ALSO: Yalany Soliva, duda sa sarili, Top 4 sa nursing board exam

Kaya ang sinabi niya sa ina, “’Ma, pautangin mo ako, may sisimulan akong business.”

Sagot umano nito, “’Ayoko, mag-board exam ka muna.’”

Dahil sa sinabi ng ina, napahinuhod siya nito na kumuha ng board exam.

“Naisip ko na, sige, try lang. Para di na magtampo si Mama.

“Gagawin ko na lang lahat nang makakaya ko para di masayang ang pera.”

“MY MOM KNOWS BEST!”

Malaking sakripisyo ang ginawa ni Van para mapaghandaan ang December 2022 Radiologic Technologist Licensure Examination.

Aniya, “Five months, sira ang body clock, malayo sa pamilya, mahirap.

“Pero sa awa ng Diyos, pinalad makapasa, Top 8 pa!

“Simula nang lumabas ang resulta, wala akong ibang nasabi sa Mama ko kundi pasasalamat!

“My Mom knows best! Sobrang galing ng Mama ko.”

Naisip din ni Van, “Sobrang galing din ni Lord.

“Dahil siguro kaya nagsara ang isang business ko, kasi may gusto siyang ma-achieve ako na iba.”

Tarpaulin congratulating Van Gabriel Pineda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para umano siyang lumulutang sa saya, “Napaniwala ako ng tadhana. Kasi malamang kung hindi yun nagsara, baka di na ako nag-board exam.”

Inialay niya ang tagumpay sa ina, “Para sa iyo po ang lahat ng ito!”

Nagpasalamat din siya sa kanyang partner.

“Kung wala kayo ni Cali, baka kulang ang inspirasyon ko para gawin lahat nang makakaya ko.

“Salamat sa suporta, salamat sa pagmamahal. Salamat sa mga motivation na sinasabi mo sa akin kapag nada-down ako.

“Lalo na yung, ‘Kapag nag-topnotcher ka, hihimatayin talaga ako.’”

Biro pa ni Van sa partner, “Na-motivate talaga ako kasi gusto kong makita kung paano ka mahimatay. Ha-ha! I love you!”

READ ALSO: Consuelo Caldosa, hindi akalaing Top 9 sa nursing board exam: “Blessing na po ang makapasa...”

Binanggit din niya ang mga kaibigan at kamag-anak na naniwala sa kakayahan niya.

Wala ring hanggan ang kanyang pasasalamat kay Lord.

“Kundi po dahil sa Iyo, wala po ako rito sa kinalalagyan ko. Utang ko po sa Inyo ang lahat ng ito Lord.”

May payo naman si Van sa mga gaya niyang nakaranas mabigo.

“Even if you failed once, twice, or as many as you try, you are not and will never be a failure as long as you keep on trying.

“Tatlo lang ang natutunan ko sa journey kong ito na gusto kong i-share sa mga magbo-board exam at mga nangangarap sa buhay—believe in God, believe in your progress, and believe in yourself.

“Kailangan mo lang maniwala.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maapos malugi sa negosyo niyang tapsihan, nagdesisyon si Van Gabriel Pineda na mag-take ng board exam dahil sa pamimilit ng ina.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results