Rahma Arabani: pasado sa board exam, panalo sa mga pagsubok na pinagdaanan

by KC Cordero
Mar 13, 2023
Screenshot of Rahma Arabani's Facebook post
Very inspiring ang naging journey ni Rahma Arabani, na hindi man siya naging topnotcher sa board exam, marami naman siyang life-changing experiences na nagsisilbing tagumpay niya sa buhay. “Indeed, with hardship, comes ease.”

Kadalasan, ang mga pumapasa sa licensure examination ay parang nasa langit ang pakiramdam, pero iba ang naging sitwasyon ni Rahma Arabani.

Sa Facebook post niya last February 8, 2023 na may opening line na, “Indeed, with hardship, comes ease,” ibinahagi ni Rahma na, “I wasn’t glad when I received the news about me passing the February 2023 Respiratory Therapist Licensure Examination.”

Aniya, ang unang pumasok sa kanyang isip ay, “What are people gonna think about me not making it on the top?”

Sari-saring emosyon ang kanyang naramdaman—disheartened at disappointed.

“Every negative adjective ever. I felt like a total failure.”

Screenshot of Rahma Arabani's post

Pero na-realize niya na pinahihirapan lang niya ang sarili dahil hindi niya naabot ang inaasahan ng mga tao sa kanya.

Salamat sa mga kamag-anak na nagsabing ang galing niya dahil pasado na siya—at first take—unti-unting nakaramdam siya ng positibong emosyon.

Nagbigay ng pahintulot si Rahma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na maibahagi ang kanyang journey nang maka-usap siya via Facebook Messenger last March 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read also: Shanna Mae Goyena, Top 2 sa Architecture Licensure Exam; excited "makatulong" sa mga magulang

NAGKASAKIT ANG INA NOONG INTERN SIYA

Mabigat ang mga pinagdaanan ni Rahma sa kanyang buhay kolehiyo sa Universidad de Zamboanga.

“Mid-Internship, around July 2022, I received the most dreadful message a child can ever get.

“My Mother was diagnosed with cancer—acute myeloid leukemia, to be specific.

“Right there and then, I begged our School Clinical Instructor to transfer me to Zamboanga and continue my Internship.”

Intern siya noon sa Chong Hua Hospital sa Fuente Osmena, Cebu City.

Photo of Rahma Arabani

Pero ang sabi nito sa kanya, “If I wanted to go back home, I should just stop.

“I cried and cried each day at the hospital, the dormitory—every place I’d go where I wasn’t occupied.”

Natapos niya ang internship hanggang September 2022. Nang makabalik siya sa Zamboanga City, agad siyang dinala ng kanyang kapatid na lalaki sa Jolo, Sulu kung saan nakatira noon ang kanyang ina.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“The first time I saw her, I felt heartbroken with how thin and weak she looked.”

Pinigilan ni Rahma ang mapaiyak, ngunit hindi siya nagtagumpay lalo pa at ang unang sinabi sa kanya ng ina ay, “Love you.”

Hindi nakadalo ang kanyang ina sa kanyang graduation noong November 12, 2022 dahil sobrang nanghihina ito.

“And only two days after that, we had to admit her to the hospital. That’s when I basically hit rock-bottom.”

Isang linggo lang naka-attend ng review si Rahma para sa board exam.

Labas-masok na kasi ang kanyang ina mula November 2022-January 2023.

At kahit nailalabas ito sa ospital, kailangan niya ng special care kaya dapat nakatutok sa kanya si Rahma.

Read also: Gwyneth Grace Porras, BTS fan, Top 7: “My best moment is yet to come.”

HINDI NA SANA KUKUHA NG BOARD EXAM

Noong araw na nag-file si Rahma ng application para sa board exam, na-admit na naman sa ospital ang kanyang ina.

“I was crying, saying, ‘dih naa ako mag-take board exam.’”

Maging ang mga kapatid niya ay kinukumbinsi si Rahma na huwag na nga munang ituloy ang pagkuha ng board exam para maka-focus siya sa pag-aalaga sa ina.

Aminado rin siyang hindi talaga siya handa sa exam.

Hindi siya nakaka-attend ng in-house review.

“I wasn’t studying at all. It was like going to a bloody battle unarmed.”

Read also: Meet Francis Gubangco: Lumaki sa slum area, nagtiis sa PHP17 na baon, engineer na ngayon

Pero ani Rahma ay kahilingan ng kanyang ina na kumuha siya ng board exam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“One time my brother sent me a video of her praying.

“And when asked what she was praying for, she said it was for me to pass the board exam, and she even sneakingly gave me the money I needed for the application.”

Hindi rin sinabi ng kanyang ina sa kanyang kapatid na lalaki na binigyan siya nito ng pera.

“Because he was very strict with money at that time, as he wanted to save all the money we had for mom’s chemotherapy.”

PUMANAW ANG KANYANG INA

Ngunit wala umanong idea si Rahma na may mas masaklap pang mangyayari.

“Two weeks before the day of the exam, I had to witness my mother’s last breath. We lost her to cancer.

“I was lost. My life no longer had direction.”

Aniya, lahat ng plano niya para sa kinabukasan ay laging kasama ang kanyang ina.

“We did everything together, slept in the same bed, shared the same interests, she basically was my other half then.”

Kahit aniya may mga hindi sila napagkakasunduan noon, “She’d always forgive me.”

At nang mawala ito, “I felt empty. I still feel the same until now, honestly.”

Read also: Board passer, inspirasyon si Sarah Geronimo para makatapos ng college, makapasa sa board exam

“I FINALLY WON ONE”

Akala ni Rahma ay tapos na roon ang mga pagsubok sa kanyang buhay.

Ngunit isa pang nakakatakot na pangyayari ang kanyang naranasan.

“We were on a speedboat going to Jolo, and, for some reason, the water pump stopped working, and water started filling the boat.”

Napadpad sila sa isang hindi kilalang isla.

Nagtulungan ang mga rescuers mula Jolo, Basilan, Maluso, Zamboanga City, at maging Zambales at Palawan, pero hindi sila makita.

Sa kabutihang palad, makalipas ang dalawang araw ay nahanap rin sila ng mga rescuers.

Ani Rahma, sabi ng kanyang isang tiyahin na kasama niyang na-rescue, “‘We were given a second life.’”

Photo of Rahma Arabani

Pagkatapos ng matitinding laban niya sa buhay, na-realize niyang hindi man siya naging topnotcher, marami pa siyang mapagtatagumpayan dahil sa ibinigay sa kanya na pangalawang buhay.

“I finally won one. I am now a registered respiratory therapist in the Philippines.”

At ang mensahe niya sa namayapang ina, “We made it, Inah. Your prayer has been answered.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Very inspiring ang naging journey ni Rahma Arabani, na hindi man siya naging topnotcher sa board exam, marami naman siyang life-changing experiences na nagsisilbing tagumpay niya sa buhay. “Indeed, with hardship, comes ease.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results