Sinulit ng isang civil engineering graduate ang ipinagkaloob sa kanyang scholarship noon ng Eat Bulaga!.
Ang noontime show ay nagbibigay ng scholarship sa mga deserving students sa pamamagitan ng EB Excellent Student Awardee o EBEST.
Read also: Eat Bulaga! scholar, the only female in 21-member vessel crew
Si Jaydee N. Lucero na nagtapos sa University of the Philippines – Diliman (UP Diliman) ang isa sa mga na scholars.
Nagtapos siya bilang magna cum laude noong 2018 at Top 1 sa Civil Engineer board exam sa parehong taon.
Bilang magna cum laude, nakakuha siya ng 1.31 weighted average, habang 97.20 percent naman bilang Top 1 sa licensure exam.
Nagbahagi ng kanyang success story si Jaydee sa "Bawal Judgmental" sa Eat Bulaga! nitong Sabado, March 11, 2023.
Muling ipinakita ang VTR nang gawaran ng EBEST scholarship si Jaydee noon.
Nag-graduate bilang salutatorian si Jaydee sa Camarin D. Elementary School sa Caloocan City.
Bukod dito, naging overall champion din siya sa 2013 Battle of the Brains competition sa buong Caloocan City.
Nagsilbi rin siyang editor-in-chief ng official publication ng Camarin High School.
Consistent honor student siya sa high school.
eat bulaga! SCHOLAR
Lahad ni Jaydee sa "Bawal Judgmental," kung hindi siya napiling scholar ng Eat Bulaga!, may posibilidad na hindi siya nakapag-aral.
“Talagang malaking-malaking pasasalamat ko sa Eat Bulaga! kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi talaga. Malaki ang chance na hindi ako nakapagkolehiyo, much more high school...
“Malaki ang naitulong talaga nila at dahil doon ginawa ko yung best ko nung high school saka sa college para maipakita sa kanila na talagang sulit yung binibigay nila, yung Eat Bulaga!.”
Wala raw sinayang na pagkakataon si Jaydee, “Lahat siniseryoso ko. Ang lahat ng mga requirements sa schools, pati mismo sa pag-take ng board exam, sineryoso ko para pagdating ko sa work, yung opportunity ko."
BOARD TOpnOtchEr
Hindi naman inasahan ni Jaydee na magiging topnotcher siya.
“Actually po, nung umpisa, medyo hindi naman po ako kinakabahan, pero nung malapit na pong i-release yung results parang bigla akong kinabahan malala.
“Nung lumabas na po yung results, sobrang saya ko po noon kasi hindi ko po talaga in-expect, as in, na magta-top po talaga ako sa board exam.”
Sa ngayon, nagtatrabaho si Jaydee bilang senior structural engineer 1 sa isang structural design firm na may hawak sa isa sa pinakasikat na structural engineers sa Pilipinas.
“Nagdidisenyo po kami ng building, ng malalaking bahay,” sundot ni Jaydee.
May mahalagang payo si Jaydee sa mga estudyante:
“Ang lagi ko pong sinasabi sa ibang tao, magtiwala kayo. Nandiyan na yung skills ninyo, nandiyan na yung knowledge ninyo.
“Praktisin niyo pa, magtiwala kayo sa sarili niyong kakayahan, and, most importantly. magtiwala din kayo sa mga sumusuporta sa inyo sa journey ninyo, mga friends, mga magulang…”