UP magna cum laude Mikaela Bonador, kulang sa kumpiyansa pero Top 1 sa teacher's board exam

“I wasn't even sure if I should take the exam back in March."
by Bernie V. Franco
May 25, 2023
Mikaela Bonador
“Naniniwala po kasi ako sa power ng education, at saka sa importance po sa paniniwala sa mga bata, sa mga students…" says Mikaela Bonador, Top 1 sa licensure exam for teachers, who plans to teach kids from her hometown in Lubang City, Occidental Mindoro.
PHOTO/S: Facebook

Kahit na sa weekend lang siya nakakapag-review, nakuha pa rin ni Mikaela Andrea Tampilic Bonador na maging Top 1 sa board exam.

Isa si Mikaela sa anim na nag-Top 1 sa licensure examination for professional teachers (elementary).

Nakakuha siya ng 92.20 percent rating.

Lumabas ang results ng March 2023 board exam nitong Biyernes, May 19, 2023.

Overwhelmed si Mikaela dahil inakala niyang hindi siya makakapasa pero nag-Top 1 pa.

Ang naging malaking challenge para sa kanya ay ang paglalaan ng oras sa pagre-review.

May full-time job kasi siya.

“Priority ko po talaga nung time na iyon is work, kasi mas importante po na makapag-provide,” aniya sa ulat ng GMA News.

“So yung review, weekend lang po talaga ako nagre-review sa review center.”

board topnotchers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang Facebook post, nabanggit ni Mikaela na hindi na sana siya mag-e-exam noong Marso, marahil di siya kumpiyansa dahil pakiramdam niya, kulang ang araw na ginugol niya sa pagre-review.

“I wasn't even sure if I should take the exam back in March. But thanks to the people who kept motivating me, my confidence grew, and I decided to take a chance,” ani Mikaela.

Dahil sa pagiging Top 1, nabigyan si Mikaela ng PHP300,000 incentive ng kanyang review center na Carl E. Balita Review Center.

Si Mikaela ay nagtapos ng magna cum laude sa kursong Elementary Education Major in English mula sa University of the Philippines – Diliman.

Read:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MIKAELA’S FUTURE PLANS

Bilang bagong professional teacher, maganda ang adhikain ni Mikaela.

Gusto niyang makatulong sa kanilang lugar sa Lubang Island sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bata roon.

Sabi niya, “Naniniwala po kasi ako sa power ng education, at saka sa importance po sa paniniwala sa mga bata, sa mga students…

“In turn, tulung-tulong po na mas ma-improve nila yung society natin as whole.”

LUBANG PRIDE

Si Mikaela ay proud na taga-Lubang Island, Occidental Mindoro.

Sabi pa ni Mikaela sa Facebook post niya, flattered siya sa bansag sa kanya ng kanyang mga kababayan.

Aniya, “Gusto ko pong ipagmalaki na ako po ay taga-Lubang Island, Occidental Mindoro.

“I've been seeing posts calling me a 'Lubang Pride,' which means a lot to me.

“It's a place that's so dear to me because it shaped me into who I am now.”

Naging at home daw si Mikaela sa Lubang dahil sa kabutihan ng mga tao doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Because of the friendships and relationships I have built and all my experiences there, I felt free to discover and express my true, authentic self. It's a beautiful place with the kindest people.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Naniniwala po kasi ako sa power ng education, at saka sa importance po sa paniniwala sa mga bata, sa mga students…" says Mikaela Bonador, Top 1 sa licensure exam for teachers, who plans to teach kids from her hometown in Lubang City, Occidental Mindoro.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results