"Sana hindi niyo na lang ako ipinanganak.” .
Ito ang titulo ng mahabang graduation post ni Jaynard Ronquillo sa Facebook noong August 15, 2023.
Ito rin ang naging linya niya sa mga magulang, hindi lang isa kundi dalawang beses.
Inilahad ni Jaynard, part ng graduating class ng Bachelor of Science in Chemical Engineering sa University of the Philippines-Los Baños, ang pinanggalingan ng masakit at mabigat niyang hugot.
Read: VIRAL: UP summa cum laude delivers reality check, not inspirational speech, in valedictory address
JAYNARD’S LIFE STORY
Simula ni Jaynard, marahil marami ang nagtataka kung bakit ang kanyang graduation post, imbes na masaya, ay parang puno ng drama.
Pero ito raw ang kanyang reality at “other side of the story.”
Bago ang lahat, nagbigay muna siya ng background tungkol sa sarili.
"Panganay na lumaki sa hirap at sa angkang walang college graduate.
“Isang consistent honor student simula elementary na suki ng mga contests gaya ng essay writing, quiz bees, journalism, MTAP at iba pa.”
Isang driver ang kanyang ama, at suma-sideline sa pag-aayos ng mga sirang electric fan.
Ang kanyang ina naman ay kasambahay, mananahi, barangay health worker, at dishwasher sa catering service.
Ang pangarap daw ni Jaynard nung bata ay maiahon sa kahirapan ang kanyang pamilya. Akala raw niya, madali lang ito.
Habang lumalaki, saka siya nagsimulang magtanong tungkol sa estado nila sa buhay. Saka rin siya namulat sa katotohanang salat sila sa maraming bagay: Pagkain, pang-tuition, at mga pangangailangan sa araw-araw.
Tanong pa ni Jaynard, “Bakit sila mayaman tapos tayo ay mahirap? Bakit ganito ang buhay?”
Maaga raw niyang napagtanto na hindi patas ang buhay.
“May mga batang tulad ko na subsob sa pag-aaral at tila ba ‘di alintana ang kumakalam na sikmura dahil wala namang choice."
Hindi rin daw siya sang-ayon sa mga katagang, “Huwag ikumpara ang buhay sa ibang tao,” at “Pasalamat ka na lang may nakakain ka, yung iba nga diyan wala.”
Tinawag niyang “toxic positivity” ang ganitong pangangatuwiran, at, para sa kanya, “coping mechanism” ng mga Pilipino sa sitwasyon nila sa buhay.
Hindi raw masama na ikumpara ang buhay para matukoy ang iyong mga pangangailangan sa buhay.
Read: How Pinoy student impressed Harvard University; gets full scholarship from 5 U.S. universities
THE FIRST TIME
Si Jaynard ang unang college graduate sa kanilang pamilya.
“I didn’t grow up having role models, mentors, tutors, or someone in our family who is successful that I can look up to.”
At kasama rin sa kanyang paglaki ang ilang mapapait na alaala.
“I was in elementary and ako yung laging inuutusan ng nanay ko para pumunta sa tindahan."
Lagi raw siyang napapagalitan ng ina dahil matagal bago siya makabalik matapos utusang mangutang sa tindahan.
Yun pala, nahihiya si Jaynard na ang bitbit ay mahabang listahan ng kanilang utang sa tindahan.
“Ang ginagawa ko noon ay tatambay muna ako sa tindahan, papaunahin yung iba at kapag wala ng tao ay saka ko kakausapin ang tindera gamit ang paulit-ulit na linyang, 'Pautang muna raw sabi po ni mama.' That was my daily struggle back then.”
Eleven years old siya noong unang beses niyang sinabihan ang ina nang hindi malilimutang linya.
Pumunta siya noon sa isang peryahan sa kalapit-barangay na nagdidriwang ng piyesta.
Lahat daw ng kaibigang kasama niya ay nag-usap-usap na sasakay sa octopus ride, pero hindi nakasagot si Jaynard dahil wala siyang pera.
Sinubukan niyang humingi ng pera sa ina kahit alam na niya ang sagot.
Noong panahong iyon, kasambahay ang trabaho ng kanyang ina, at katatapos lang maglaba.
Nasermunan daw siya, at nasabihang ang karampot na pera nila ay pambili ng pagkain.
“Immature and frustrated, I threw a tantrum,” ani Jaynard.
“She disciplined me with a stick, which brought out my main character side, and I blurted out those hurtful words for the first time, 'Sana hindi niyo na lang ako ipinanganak.'
“I saw the shock on my mom's face as she hit me with the stick once more, expressing her concerns about the financial burden of raising me.
“Looking back, I deeply regret my anger and selfishness during that moment.”
Alam daw ni Jaynard na mali ang kanyang ginawa.
“Regrettably, these words can feel like a thousand sharp knives piercing our parents' hearts, a painful reminder of our unappreciative attitude.”
Pero naulit daw ang pagkakataong iyon makalipas ang ilang taon.
Read: Magkapatid mula sa Tuguegarao, wagi sa international math and science Olympics
THE SECOND TIME
Sabi ni Jaynard, suwerte siya na nakakuha ng multiple scholarships para sa kanyang college education.
Pero ang allowance na nakukuha niya ay ginagamit para sa ibang bagay tulad ng pambayad sa utang, pambayad sa kuryente at tubig, pampagawa kapag may sira sa bahay, pantulong sa kamag-anak, at iba pa.
Naranasan daw niyang mapuna dahil sa pagkakaroon ng maraming scholarships, “yet few understood how much we truly relied on them.”
Hindi raw kasi sapat ang kinikita ng kanyang mga magulang, at kahit may multiple scholarships siya ay hindi pa rin daw ito sapat dahil sa kanilang mga gastusin sa araw-araw.
May isang beses daw na na-delay ang kanyang scholarship allowance kaya walang-wala sila, at baon pa sa utang.
Kalagitnaan noon ng semester, at kailangan niya rin ng pera para sa mga bayarin.
“I reached out to my mother for financial assistance, as I needed the money for rent, internet, electricity, and water bills.”
Pero walang maibigay ang kanyang ina, at wala ring puwedeng mahiraman.
“Regrettably, driven by sheer frustration, I let those painful words escape my lips once again, 'Sana hindi niyo na lang ako ipinanganak.'"
Aminado si Jaynard na nang una niyang sambitin ang mga katagang iyon ay dahil sa “selfishness and ingratitude.”
Pero sa ikalawang pagkakataon, iba raw ang kanyang pinanggagalingan.
“I spoke these words from a selfless place. They emerged as a result of my contemplation, pondering over countless ‘what ifs.’”
Nasambit daw niya iyon hindi para parusahan ang kanyang mga magulang.
Malaki raw ang pasasalamat niya sa ina at sa ama dahil sa kanilang mga sakripisyo para sa kanilang magkakapatid.
“But I couldn't help but wonder about a different path – one where they had the chance to pursue their own passions and dreams without the burden of poverty.”
HIS MESSAGE: BE WHOLLY PREPARED BEFORE STARTING A FAMILY
Nalulungkot daw siya na hindi nabigyan ng oportunidad ang kanyang mga magulang na abutin ang kanilang mga pangarap.
Kung iba sana ang kanilang sitwasyon sa buhay, baka mas mataas pa ang kanilang narating.
“What if my father, with his exceptional mechanical skills, and my mother, who stood at the top of her class, had followed their passions?
“What if they decided not to have me and instead pursued their college dreams?”
Pero dahil sa kahirapan, napilitan ang kanyang mga magulang na kumayod.
“They had to prioritize putting food on the table and ensuring a roof over our heads, leaving little time or energy to chase after their own dreams.”
Sana raw ay iba ang naging sitwasyon ng kanyang mga magulang, at naabot nila ang mga pangarap sa buhay.
“Maybe in that world, I wouldn't even exist, but I found myself contemplating if that might have been better for everyone involved.”
Paglilinaw ni Jaynard, hindi niya sinisisi ang kanyang mga magulang.
Sabi niya, “It’s crucial to acknowledge that during their time, they were hindered in their pursuit of dreams by a system that unjustly favored a select few.
“So, while working hard on our own can totally improve our lives, we can’t ignore the need to fix the system too.
“That way, more Filipino people can get a fair shot at opportunities.
“Bilang isang Iskolar ng Bayan, sisiguraduhin kong magiging parte ako ng ganitong kilusan.
“As I navigate through life, I hope to honor the sacrifices my parents have made for me and make the most of the opportunities that come my way.
“I will strive harder to break the cycle of poverty and create a better future for my family.
“So, as I celebrate this milestone, I want to take a moment to inspire future parents who might come across this post.”
Sana raw ay magsilbing gabay para sa mga future parents ang kuwento ni Jaynard.
Panawagan niya, “Don't let your children be like me."
Pangit man daw pakinggan, “but that’s the reality.”
Pangit mang isipin pero kung ang pagdaraanan din lang ng bata ay ang buhay na pinagdaanan niya, sana raw ay hindi na lang siya ipanganak.
“Raising a child demands not only financial stability but also emotional and mental readiness.”
Nawa’y mas maging prepared ang future parents bago sila gumawa ng pamilya.
“Parenthood is a significant responsibility that shouldn't be taken lightly.
“Ensuring financial stability before having a child will provide them with the opportunities and resources they deserve.
“It will alleviate some of the struggles and allow you to focus on creating precious memories together."
Payo pa niya, “Pursue your passions and dreams before starting a family.”
Binigyang-diin din ni Jaynard na wala siyang sinisisi sa mga nangyari.
Aniya, “My story is a testament to the strength of the human spirit and the power of unconditional love.
“But it also underscores the importance of setting the stage for a child's life in the best possible way.”
Panawagan niya sa mga magulang, “Your child's future is shaped by the foundation you lay for them.
“I hope my journey can serve as a reminder to prioritize mental and financial preparedness before embarking on this beautiful yet challenging path of parenthood.”
Alam niyang mahirap pero patuloy raw siyang aasa.
“Hindi pa rin ako mawawalan ng pag-asa na sana balang araw, wala nang mga batang tulad ko na sa murang edad ay tila ba pasan ang buong mundo.
“Sana sa paglipas ng panahon, wala nang mga batang magsasabi sa kanilang mga magulang na sana hindi na lang sila ipinanganak.”