Pinay architect Mitchelle Ignacio, isa sa designers ng ‘second tallest’ skyscraper in the world

"Last woman standing!"
by Mavell Macaranas-Dojillo
Aug 25, 2023
mitchelle gorospe ignacio
"Still no substitute for the Philippines," says Architect Mitchelle Ignacio about her home country. She plans to retire in the Philippines despite doing well abroad.
PHOTO/S: Facebook (Mitchelle Gorospe Ignacio)

Proud moment para sa ating mga Pinoy na malamang isang Pinay ang isa sa mga nagdisenyo ng Merdeka 118, ang tallest skyscraper ng Malaysia.

Itinuturing na second tallest in the world ang 118-storey building, kasunod ng Burj Khalifa ng Dubai, United Arab Emirates.

Si Architect Mitchelle Gorospe Ignacio, tubong Tuguegarao City, ay naimbitahan sa Filipino community gathering sa Kuala Lumpur, Malaysia, noong July 25, 2023.

Ang event ay pinangasiwaan ng Department of Foreign Affairs at dinaluhan maging ni Pangulong Bongbong Marcos.

Simula noon ay kabi-kabilang interviews ng news agencies at itinampok si Mitchelle.

Highlight ang anggulo na mapabilang siya sa hanay ng mga arkitektong bumuo ng Merdeka 118, na nakatakdang buksan sa publiko sa Disyembre.

Sampung taon nang OFW si Mitchelle at naka-base sa Malaysia. Itinuturing niya ang sarili bilang Last Filipina Standing sa world-class na proyekto, kung saan na-involve ang tatlo pang Filipino architects.

Read: VIRAL: UP graduate's “Sana hindi niyo na lang ako ipinanganak” post on Facebook

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

A WOMAN DETERMINED TO RISE

Nito lamang August 16, 2023, nag-post si Mitchelle ng isang larawan sa kanyang Facebook kung saan makikita siyang nasa isang mataas na bahagi ng ginagawang proyekto.

Caption niya sa larawang ito, published as is: “There is no force equal to a woman determined to rise.”

Ang pag-akyat sa Tier 4.5 ng Merdeka tower sa gitna ng malakas na ulan umano ang “toughest climb of my life so far.”

Pero kung tutuusin, marami nang matatayog na hamon ang na-conquer ng 40-year-old na si Mitchelle.

Base sa ulat ng Inquirer, nagtapos siya ng kursong architecture sa University of Saint Louis sa Tuguegarao, at nagtrabaho bilang city government employee for four years bago subukan ang kapalaran abroad.

Unang napadpad si Mitchelle sa Qatar at nakapagtrabaho ng tatlong taon, bago umuwi ng Pilipinas noong 2013 upang manganak sa kanyang unica hija na si Thania Nichoelle.

Isang taon pa lamang ang bata nang tumulak si Mitchelle pa-Malaysia at dito nga ay naging bahagi siya ng mga world-renowned projects.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kabilang dito ang Gemas-Johor Bahru Electrified Double Track project at ang Sentral MRT Linkway.

Upang makabawi sa anak at asawang si Romson, halos apat na beses kada taon bumibisita ang mga ito sa kanya.

Sa kabila ng pagiging high-rank architect, wala sa hinagap ni Mitchelle ang maging residente sa Malaysia.

Sambit niya, ““There’s still no substitute for being in the Philippines.”

Sa kanyang Facebook post tungkol sa state visit ni President Marcos, nagbigay ng mas malalim pahayag si Mitchelle sa kanyang hinahangad.

Aniya, “PANGARAP po naming mga OFW na balang araw, kami ay makauwi sa aming lupang sinilangan nang may maayos na trabaho at magkaroon ng sapat na kakayanan na mabigyan ang aming pamilya ng disenteng pamumuhay.

“Kami po ay umaasa na darating ang panahon, wala nang OFW ang magpapaalipin sa ibang bansa bunsod ng kahirapan.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Still no substitute for the Philippines," says Architect Mitchelle Ignacio about her home country. She plans to retire in the Philippines despite doing well abroad.
PHOTO/S: Facebook (Mitchelle Gorospe Ignacio)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results