Sa hinaba-haba—at tinagal-tagal—man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.
Ganito mailalarawan ang love story nina Joe Potenzano, 93, at Mary Elkind, 83.
Naghintay ang dalawa ng higit anim na dekada bago maikasal.
Si Mary ang TOTGA (The One That Got Away) ni Joe.
Una silang nagkakilala noong 1959. Kasal noon ng sister ni Joe, at siya ang nagsilbing best man.
Si Mary naman ang siyang maid of honor.
Si Joe ang gumawa ng first move kay Mary.
“He called me a few weeks after the wedding,” kuwento ni Mary sa Fox5.
“He called and asked me to go out.”
Read: Most Beautiful Transgender of Thailand talks about "normal life" as wife to wealthy businessman
Si Mary Elkind (encircled) ang maid of honor habang si Joe Potenzano (far right, enricled) ang best man sa isang kasal noong 1959.
Nakapag-date nang ilang beses ang dalawa. Pero may ibang plano pa sa kanila ang tadhana.
Pumasok sa Army si Joe, samantalang si Mary ay itinuon ang oras sa pagiging professional ballerina.
Kalaunan ay nakapag-asawa si Mary at nagkaroon ng tatlong anak. Hindi naman nakapag-asawa si Joe.
Sa madaling salita, naunsiyami ang namumuong pagtitinginan noon nina Joe at Mary.
Pero “to be continued” pala ito makalipas ang higit anim na dekada.
Read: Tagapagmana mas pinili ang pag-ibig kaysa milyones
Pumasok sa Army si Joe (left) at naging professional dancer si Mary.
LOVE IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND
Si Joe ay nakatira sa New Jersey, habang si Mary ay sa New York.
Pero may contact ang dalawa sa pamamagitan ng kanilang mga pamilya.
“All of our family functions, Joe was always there. I always liked Joe. I always thought he was a nice guy,” pagbabalik-tanaw ni Mary sa interview ng ABC7 New York.
Nabalo si Mary siyam na taon na ang nakalilipas.
Noong 2022, nagkita muli sina Joe at Mary sa isang family event. Inanyayahan ni Joe si Mary na mag-date.
Matapos ang kanilang coffee date, akala raw ni Mary ay hindi na muling tatawag pa si Joe, pero tumawag uli ito.
Sabi ng ex-Army, “I was in my house one day sitting in my sofa chair, and I noticed there was nobody I could call.
“Everybody was gone and I began to feel that loneliness that only comes when you become 90 years old.”
Kuwento ni Joe, kahit noon pa man, hanggang gayon, ay maganda na si Mary.
“That’s why I asked her to go out,” sabi ni Joe.
Di nagtagal, niyaya ni Joe si Mary na magpakasal, pero may agam-agam si Mary.
Si Joe naman ay naging “persistent.”
Muli niyang inalok ng kasal si Mary, at pumayag na sa wakas ang huli.
Mag-i-exchange ng "I dos" ang dalawa sa isang Catholic wedding sa darating na October 15, 2023.
Ang plano ay maninirahan sila sa bahay ni Joe sa New Jersey.
Sa interview, nangingiting sambit ni Joe kay Mary: “I hope you’re not sorry.”
Natawa si Mary at sumagot: “No, no, I’m not sorry.”
Magkahawak-kamay din ang dalawa habang sinasabi nila ito sa isa’t isa.