To profess her self-love, nagdesisyon si Dorothy “Dottie” Fideli, 77, ng Ohio, USA, na pakasalan ang kanyang true love: ang kanyang sarili.
Ito ay matapos niyang mag-shift ng focus—from dedicating her life to her children as a single mom to living for herself and her happiness.
Pinakasalan ni Dottie ang sarili sa isang seremonya na ginanap sa kanyang kasalukuyang tirahan—sa O’Bannon Terrace Retirement Home sa Goshen, Ohio—nitong Mayo 13, 2023.
Bagamat ilang buwan na ang nakalilipas, patuloy pa rin itong pinag-uusapan at ilang beses ding nag-viral sa social media.
Sa interview ng local Cincinnati news agency na WLWT, inamin ni Dottie na matagal na niyang pangarap magkaroon ng isang memorable ceremony.
Kuwento niya, “It’s emotional for me, because this is something I've always wanted.
“I wanted to get married and have a happy life, but things didn't work out that way.
"And now I have a second chance in doing something that'll make me happy.”
Minsan siyang ikinasal sa pamamagitan ng isang courthouse ceremony noong 1965, pero nauwi ito sa divorce noong 1974.
Simula noon, hindi nawala sa isip ni Dottie ang magkaroon ng happy-ever-after.
Gusto rin niyang ikasal suot ang putting wedding gown, dahil, ayon sa isa pang panayam niya sa Today.com, “I wore a black dress, so I was doomed before I got started.”
Kaya’t sa sarili niyang wedding, nagsuot siya ng white bridal gown complete with veil and a bouquet.
Ang kanyang anak na si Donna ang naging katuwang sa pag-aayos ng lahat—mula sa pagbili ng damit ng ina, paghahanda ng pagkain, at paggayak sa retirement home.
Wala namang pagsidlan ng kasiyahan ang matanda, “I told my daughter, I said, ‘This is the best thing that I’ve ever had, outside of having you kids.’”
Si Rob Geiger, ang manager ng retirement home na siya rin nagsilbing wedding officiant, ay masaya para sa matanda.
Aniya, “Knowing Dottie and seeing her vivaciousness, her shenanigans—there's also the other side of Dottie where she's very loving, very caring, and she's always thinking about someone else.
“The biggest thing for Dottie was saying, ‘I'm not going to let other people rule my life,’” dagdag ni Robert.
Malaki ang naitulong ng ganitong klase ng mindset kay Dottie.
Sabi niya, “I’m at the point in my life where it’s about me now. My kids are all good, and my grandkids, one of them’s going to have a baby, and I have a set of triplets that’s all graduated from college.
"So, it’s my turn to do what I want to do.”
Read: 93-year-old man finally a groom; marrying his TOTGA after 64 years
MORE AND MORE WOMEN ARE MARRYING THEMSELVES
Nakuha ni Dottie ang ideya ng pagpapakasal sa sarili sa isang talk show.
Ayon sa self.com, tumaas ang bilang ng mga babaeng nagpapakasal sa kanilang sarili nitong nakaraang dekada.
Noong 2006, pinakasalan ni Alexander Gill at ng anim pa niyang kaibigan ang kani-kanilang mga sarili in a ceremony that was initially planned to be just a bridal gown photo shoot.
Maging sa ibang panig ng mundo ay naging popular na rin ang ideya.
Katunayan, base sa isang article ng vogue.com, may mga available nang self-wedding kits sa market.
Pero may mga skeptics na nagsasabing weird at “narcissistic” ang konsepto ng ikinakasal sa sarili.
Ang paniniwala naman ni Erika Anderson—na nagpakasal sa sarili noong 2016 at age 36—personal na desisyon lamang ito at walang ibang kulay.
Pahayag niya sa vogue.com, “I think women marrying themselves might seem incredibly threatening because it looks like we’re saying men are irrelevant.
“But we’re actually just saying that we matter.”
Read: Most Beautiful Transgender of Thailand talks about "normal life" as wife to wealthy businessman
DOTTIE LEARNED TO READ AT AGE 75
Tinupad din ni Dottie ang isa pang nasa bucket list niya: ang matutog magbasa sa edad na 75.
Sa mga nakakakilala kay Dottie, siya ang tipong mahilig magbiro at magpasaya, ngunit lingid sa kaalaman ng marami, dumaan siya sa matinding depresyon—ayon sa anak niyang si Donna Pennington.
Kuwento ni Donna sa USA Today, “There are so many funny stories, because she’s all about living in the moment—not worrying about what people think about her. Deep down, she did, though.”
Ang tinutukoy nito ay ang pagiging insecure ni Dottie dahil hindi ito marunong magbasa.
Maaga siyang nabatak sa mabibigat na trabaho, growing up in a poor neighborhood in downtown Cincinnati na binansagang “The Bottoms.”
Imbes mag-concentrate sa pag-aaral, nag-drop out si Dottie sa 8th grade para mag-aral sumayaw at kumanta.
Pangarap niya noon na marating ang Hollywood, pero hindi ito natupad, at sa halip ay nag-asawa siya at nagkaroon ng tatlong anak.
Nang mauwi sa divorce ang kanyang nine-year marriage, nagtatag si Dottie ng isang housekeeping business para maitaguyod ang kanyang pamilya.
Dito na umikot ang kanyang mundo.
Kaya’t nang magkaroon ng pagkakataong pagtuunan ang sarili, nagpursige siyang matutong magbasa.
Hindi man ito naging madali sa umpisa, pero walang mahirap sa taong desidido at may pangarap.
“No one else can do this but me. I have to see that I can be just like everybody else – pick up a book and read it, pay a bill, go to the grocery store. I can do this.”