Meet JB Pagkatipunan, basketball player na naka-score ng 82 points sa isang liga

"Best Player of the Game"
by KC Cordero
Sep 5, 2023
Photos of JB Pagkatipiunan
Limang players sila sa team nang maglaro, pero kay JB Pagkatipunan laging ipinapasa ng teammates ang bola. Bakit? During the game kasi, kitang-kita na buwenas sa pagso-shoot si JB.

Ginulat ni JB Pagkatipunan ang mga nanonood sa naging laro niya sa Villarica Open League, isang liga ng basketball sa Villarica Subdivision, Cainta, Rizal.

Ang kanyang score: 82 points!

Player si JB ng Arrovena Trucking, na kalaban ang Jaguars noong August 27, 2023.

Sampung teams ang kasali sa liga.

Read: Kamangha-mangha: Artworks ng young artist sa mga puno, poste, road signs

The teams

Read: Metalhead yarn? Aso, nakalusot sa security; nanood ng Metallica concert

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa naibuslong 82 points, nakapagtala rin siya ng seven rebounds, five assists, and one steal.

Si JB rin ang tinanghal na "Player of the Game."

Ayon sa post ng liga sa official Facebook account nito noong August 28, nalampasan ni JB maging ang 81-point record ng pumanaw na National Basketball Association Player na si Kobe Bryant.

Naitala ni Kobe ang 81 points laban sa Toronto Raptors noong 2006.

Gayunpaman, hindi puwedeng paghambingin ang scoring records nina JB at Kobe dahil iba naman ang level ng laro sa NBA.

Read: Walang dyowa? Subukan ang “masterdating”

Sa PBA, hawak ni Allan Caidic ang individual single-game record na 79. Nagawa niya ito noong November 21, 1991, nung miyembro pa siya ng Presto Tivoli kalaban ang Ginebra San Miguel.

Hawak naman ng import na si Tony Harris ang record na 105 points. Naitala ito ni Harris noong October 10, 1992 nang miyembro siya ng Swift at naglaro versus Ginebra San Miguel din.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero pambihira pa rin ang nagawa ni JB kahit pa sabihing sa commercial league siya naglalaro.

Read: Car with 998-kg bull passenger pulled over by police; bull is a ‘local celeb’ in Nebraska City

JB Pagkatipunan holding a ball

Read: VIRAL: Delivery rider na nakatanggap ng “Kuya, buntis po ako” message sa customer

Kung matindi man ang ipinakitang laro ni JB, hindi nakapagtataka dahil batak siya sa basketball.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa kanyang ama na si Mang Divino nang makausap ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) last September 3, naging player si JB ng Centro Escolar University.

"Ka-team niya dun sa CEU sina Rodel 'Samboy' De Leon at Alvin Abundo."

Si De Leon ay na-draft sa Philippine Basketball Association noong 2015, at kasalukuyang naglalaro para sa TNT Tropang Giga.

Si Abundo naman ay na-draft ng Blackwater, pero kasalukuyan siyang naglalaro sa Quezon Huskers ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Read: Taal Lake Sea Snake 5x more venomous than cobra

Back to JP, nakakalungkot na hindi siya naging professional basketball player.

Ani Mang Divino, "Nasa Cafe France ng PBA D League na si JB noon nang ma-injured. Nagkaroon siya ng ACL [anterior cruciate ligament] injury.

"Sabi ko sa kanya, mag-aral na lang muna nang husto para maka-graduate siya.

"Ayun nakatapos. Ngayon sa mga ligang labas na lang siya naglalaro."

Read: Pretty-in-pink house, hindi inakala ng owner na magiging tambayan ng mga influencers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The ACL tear

Read: Usa pumasok sa candy store, tumikim ng buttered popcorn

Ang ACL injury ay punit o sprain sa anterior ligament, isa sa mga strong bands of tissue na tumutulong para magkonekta ang thigh bone (femur) sa shinbone (tibia).

May mga nakaka-recover mula sa ACL, at nakaka-function pa rin nang normal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero may mga cases kung saan hindi na magiging stable ang tuhod, at parang bibigay kapag may physical activity.

Ang punit sa ACL ay puwede ring maging sanhi ng mas malalang pinsala sa tuhod.

Bukod dito, nawawala sa kondisyon ang katawan kapag natitigil sa paglalaro.

Sa kaso ni JB, mukhang maganda ang naging therapy sa kanyang tuhod.

Read: VIRAL: Guro na pinasampal sa mga estudyante ang Muslim classmate

JB Pagkatipiunan in action

Read: Ready-made tiny house: how much, what factors to consider, what you need to know

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagbabahagi pa ni Mang Divino tungkol sa superb performance ni JB, "Lima lang silang magkaka-team na dumating para maglaro noong schedule ng game nila.

"Nang maramdaman ng teammates niya na suwerte siya sa laro, sa kanya na laging ipinapasa ang bola."

Sa kasalukuyan ay employed si JB sa local government unit ng Cainta.

Read: Teacher nag-resign sa pagtuturo para maging sirena

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Limang players sila sa team nang maglaro, pero kay JB Pagkatipunan laging ipinapasa ng teammates ang bola. Bakit? During the game kasi, kitang-kita na buwenas sa pagso-shoot si JB.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results