Mga orihinal at limited edition items ang napapasa-kamay ng isang babaeng suki ng mga bargain at antique shops.
Kabilang sa mga nabili niyang items ay isang branded na luggage na posibleng umabot sa isang milyong piso ang value nito, pero nabili lamang niya sa murang halaga.
Ito ang reputasyon ng writer at thrifter—taong namimili ng mga second-hand items—na si Virginia Chamlee, 38, taga-Florida, U.S.A.
Pitong taon na ang nakalilipas, habang nagmamaneho pauwi ay namataan ni Virginia ang isang antique shop.
Wala siyang natipuhan sa loob ng tindahan, pero sinabi sa kanya ng shop owner na may iba pang gamit sa looban ng shop.
Doon nakita ni Virginia ang malaking maleta—isang Goyard trunk.
Ang Goyard ay isang French brand na nagbebenta ng mga leather trunk and goods na limited edition mula pa noong 1792.
Nung una, inisip ni Virginia na baka fake ang item na nakita niya.
Pero sa ganda raw ng pagkakagawa, kahit imitation ito ay bibilhin pa rin niya.
"I gasped audibly," sabi ni Virginia sa ulat ng Business Insider.
"My grandmother was with me and she was like, 'Be quiet, why are you screaming?'
“I thought it must not be real; it was too good of a find.
“But I figured I would just buy it anyway because if it was fake, it was a really good fake."
Binili ni Virginia ang maleta sa halagang $90 o PHP5,000.
Sumangguni siya sa luggage expert na tumitingin sa Louis Vuitton at Goyard pieces. Pinadala niya ang larawan ng nabiling maleta.
At hindi nagkamali si Virginia sa kanyang hinala.
Kinumpirma ng luggage expert na authentic ang Goyard trunk at ang halaga ay “tens of thousands of dollars.”
Kuwento raw ng antique shop owner kay Virginia, inihatid ang maleta sa shop ng isang babae, na nakita ito sa attic ng kanyang ina.
Feeling lucky naman si Virginia na siya ang nakabili.
"It has drawers inside and there are little compartments for jewelry. It's actually useful in addition to being beautiful."
Read: Painting, binili ng PHP200 sa second-hand shop, original pala na abot PHP14M ang presyo
LUGGAGE'S VALUE IS WORTH MORE THAN PHP1 MILLION
Dahil hilig nga ni Virginia ang designer pieces ay agad niyang nalalaman kung may halaga ang kanyang mga nabibiling items.
Nag-aalok nga raw ang mga napagtatanungan niyang experts na bilhin sa kanya ang maleta kapag pinapa-appraise niya ito.
Sabi ni Virginia ukol sa halaga ng Goyard trunk: "My hunch is that someone would pay at least $20,000 for it.”
Read: Gintong inodoro worth PHP340M ninakaw noong 2019, nawawala pa rin; mga nagnakaw, kakasuhan na
Sa kabila nito, hindi ibinenta ni Virginia ang Goyard trunk pitong taon mula nang nabili niya ito: "I don't ever intend to sell it. I joke that I'll be the old woman who lived in her trunk."
Ipinuwesto ni Virginia ang maleta sa sulok ng kanyang kuwarto at pinatungan ng ilang displays, tulad ng larawan ng kanyang lola.
“She's the one who got me into thrifting, and she raised me from the time I was two months old as a single mom," ani Virginia.
"It's almost like a little shrine to her. She was with me when I found it, and it has an M on it — I refer to her as Meemaw."
Para kay Virginia, “niche” niya paghahanap at pagbili ng mga designer items, na kanya raw nahasa sa maraming taong pagkahilig niya sa thrifting.