Kilalanin si Pinay nurse PJae, hindi umuurong sa duty kahit may pandemya, giyera

Nadestino sa Marawi City, Lanao Del Sur hanggang sa Syria at South Sudan.
by Mavell Macaranas-Dojillo
6 days ago
Nurse holding baby
Princess Joy Maulana o Nurse PJae talks about her true calling, which is helping those who are in need, even if it means going to dangerous places.
PHOTO/S: P. Maulana /ICRC

Hindi matatawaran ang dedikasyon ng Pinay nurse na si Princess Joy Maulana o Nurse PJae.

Ang 40 anyos na registered nurse mula Cotabato City ay nadedestino sa iba’t ibang conflict-laden communities—magmula sa Marawi City, Lanao Del Sur hanggang sa Syria at South Sudan.

Kasalukuyan siyang naka-base sa Davao City, ngunit sa mga susunod na buwan ay tutulak naman siya papuntang Myanmar para doon naman magsilbi bilang healthcare worker.

Napabilang si Nurse PJae sa International Committee of the Red Cross (ICRC) bilang health field officer noong 2016.

Taong 2017, sumiklab ang gulo sa Marawi, at nasabak agad siya sa mga pagsubok.

Kuwento niya, kahabag-habag ang mga eksenang nadatnan niya sa evacuation centers kung saan inilikas ang mga naipit sa gulo.

Hinding-hindi umano niya ito malilimutan dahil ang mga nasaksihang eksena ang nagpatibay sa kanyang loob at nagkumpirmang, finally, nasa tamang industriya na siya.

Read: Painting na nabili for PHP220; may nakaipit sa frame na historical document worth PHP134M

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOOKING FOR MEANING IN HER CAREER

Graduate ng kursong Nursing si PJae sa Dr. P. Ocampo Colleges, Inc., ang kauna-unahang medical school sa Cotabato City.

Matapos makapasa sa licensure exam, agad siyang nakapagtrabaho sa ospital abroad, at na-assign sa pediatric emergency room and neonatal intensive care unit.

Maganda ang sinusuweldo niya roon, subalit hindi matahimik ang kanyang loob.

Naiisip niya kasi ang mga bata sa Pilipinas na hindi nakakatanggap nang maayos na medical care bunsod ng kahirapan at kakulangan sa pera.

Nang makabalik ng bansa, namasukan siya sa isang government hospital.

Kasabay nito ay kumuha si PJae ng Master’s Degree on Global Public Health and Social Justice na hanggang sa ngayon ay tinatapos niya sa Brunel University London.

Sa kabila ng kanyang pagsisilbi bilang government worker, at pagpapalawak ng kaalaman, hindi pa rin siya kuntento sa itinatakbo ng kanyang career.

Nahanap niya ang sagot nang makita ang advertisement ng ICRC para sa communications’ position.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Agad siyang nag-apply ngunit dahil sa kanyang experience at pinag-aralan, tinanggap siya ng Red Cross bilang health field officer.

Read: VIRAL: OFW touring Turkiye nagpa-picture nang todo, di namalayang may tissue sa noo

Red Cross worker

PJae speaks to community members during a focus group discussion in South Sudan.

DIFFICULT BUT MEANINGFUL DAYS

Malaki ang pasasalamat ni Nurse PJae dahil nakabilang siya sa Red Cross, at namulat ang mga mata niya sa ravaging effects ng conflict at violence.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pahayag niya sa ICRC, “It’s quite humbling. You realize that no matter where you come from, no matter what culture you belong to, when you are affected by armed conflict, everyone is on the same page.”

Aminado si PJae na hindi madali ang kanyang trabaho.

Noong kasagsagan ng gulo sa Marawi, tuluy-tuloy ang kanilang trabaho para matulungan ang evacuees.

Panahon naman ng COVID-19 pandemic nang ma-assign si Pjae sa Syria.

Ilang salin ng eroplano ang kanyang ginawa upang marating ang destinasyon dahil sa strict travel restrictions na umiiral noong panahon na iyon.

Sa pagpunta niya sa South Sudan, naranasan ni Nurse PJae ang mamuhay ng walang basic facilities, tulad ng malinis na tubig, kuryente, at stable Internet connection.

Pero never siyang nagreklamo, kahit pa may banta sa kanyang seguridad.

Sa kabila ng mga hirap na pinagdaanan ay masaya ang puso niya dahil sa fulfillment na nakukuha mula sa pagtulong sa kapwa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pag-amin niya, “We are very hands-on and we go to areas that others cannot access.

“Some people may think these places are unsafe, but we prioritize such places to help the communities that have little or no access to health care.

“The job is physically demanding but it is very fulfilling too.”

Highlight ng kanyang career sa Red Cross ang pag-a-assist sa panganganak ng isang babae sa Adok, South Sudan, habang nagsasanay sila ng mga health workers doon.

Dahil sa kanyang experience bilang neonatal intensive care unit nurse, si PJae ang nag-alaga sa bagong silang na sanggol na babae at bilang pasasalamat, naisipan ng ina na ipangalan ang kanyang anak sa nurse.

“I told them PJae would be a weird name for the baby, but my real name is Princess. So, they named the little girl Princess,” kuwento ni PJae.

Read: Bata, nakakita ng rare 2.95-carat diamond habang namamasyal sa parke

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

painting Red Cross volunteer

Princess Joy “PJae” Maulana and her colleagues refurbish an ICRC-supported health-care centre in Unity State, South Sudan.

"WE NEED HUMANITARIANS."

Marami nang pinagdaanang pagsubok si PJae sa ngalan ng kanyang trabaho.

Pero wala siyang balak tumigil.

Bukod sa kakaibang saya na kanyang nararamdaman habang tinutulungan ang iba, na-realize niyang malaki ang pangangailangan para sa mga serbisyong tulad ng ibinibigay nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga niya, “The world needs more humanitarians, especially where government functions have almost collapsed because of conflict.

"We need humanitarians who are kind, compassionate and have a lot of empathy.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Princess Joy Maulana o Nurse PJae talks about her true calling, which is helping those who are in need, even if it means going to dangerous places.
PHOTO/S: P. Maulana /ICRC
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results