Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Heart Evangelista inirampa sa Paris Haute Couture 2020-2021 ang headband galing Quiapo

by NMI Multimedia Text: Rommel R. Llanes
Feb 25, 2020
PHOTO/S: Screenshot, 24 Oras, GMA-7

Suot ang mga mamahaling designer outfits, inirampa ni Heart Evangelista sa Paris, France, ang mga headband na nabili niya sa Quiapo, Maynila, sa halagang apat na piraso kada PhP 70.

Video: GMA News.

Nasa Paris si Heart sa imbitasyon ng ilang brands na nag-participate sa Paris Haute Couture 2020-2021 Fashion Week.

Ayon kay Heart, inimbitahan siya para i-cover ang nasabing event para sa kanyang YouTube channel.

Aniya pa, bagama't nag-e-enjoy siya sa freebies na pinapadala sa kanya ng mga kilalang brands sa fashion week sa Paris, trabaho raw talaga ang pinunta niya roon.

Nag-e-expect daw kasi ang mga fashion brands na nag-imbita sa kanya na maging bahagi sila ng YouTube content ni Heart.

Nilagyan naman ng tinaguriang "Kapuso Queen of Creative Collaboration" ng twist ang pagsusuot ng designer outfits na ibinigay sa kanya.

Kabilang sa kanyang mga suot na mamahaling accessories at damit ang mga nabili niyang headband sa Quiapo sa napakamurang halaga na PhP 70.

Continue reading below ↓

HEART

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
PHOTO/S: Screenshot, 24 Oras, GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results