GMA Thanksgiving Gala 2022: Mark Bautista looks regal in Michael Cinco ensemble, but admits, "Mabigat siya..."

by Arniel C. Serato
Jul 30, 2022
Mark Bautista in Michael Cinco outfit at the GMA Thanksgiving Gala
Mark Bautista proudly wears his Michael Cinco outfit at the red carpet of GMA Thanksgiving Gala being held tonight, July 30, at Shangri-La The Fort, Manila: "This is Michael Cinco, kaya kailangan ko suotin lahat kasi from Dubai to here.”
PHOTO/S: Courtesy: YouTube

Bongga, sosyal, at engrande ang GMA Thanksgiving Gala na kasalukuyang ginaganap sa Shangri-La The Fort, Manila, BGC, Taguig City, ngayong Sabado ng gabi, July 30, 2022.

Pero ang nakaagaw sa atensiyon ng karamihan ay ang kasuotan ng singer-actor na si Mark Bautista.

Para siyang hari—na kulang na lang ay korona—sa kanyang Michael Cinco outfit.

Mark Bautista in Michael Cinco gown at the GMA Thanksgiving Gala

Continue reading below ↓

Sigaw pa nga ng host ng red-carpet event, “I feel like the king just entered!”

Natatawa namang pag-amin ni Mark, “Mabigat siya but happy ako.”

Pero kailangan daw talagang suotin niya ang magarbong kasuotan dahil ibiniyahe pa ito mula Dubai, United Arab Emirates para sa espesyal na okasyon ng Kapuso Network.

Saad ng All-Out Sundays mainstay, “This is Michael Cinco, kaya kailangan ko suotin lahat kasi from Dubai to here.”

Mark Bautista in Michael Cinco outfit at the GMA Thanksgiving Gala

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy niyang lahat ay ang tila kapa na nakapatong sa kanyang tuxedo.

Dagdag pa niya, “Pero mamaya, i-retain ko na yung sa ilalim na [damit], ‘pag party-party na, just for the red carpet and all.”

Sa nasabing gala ng GMA, hindi magpi-perform si Mark, kaya nais lamang daw niyang i-enjoy ang palabas.

Aniya, “Im just going to relax, no pressure, I’m just going to enjoy the entire show.”

Mark Bautista in Michael Cinco outfit at GMA Thanksgiving Gala

Continue reading below ↓

Ang GMA Thanksgiving Gala ay itinaon sa ika-72 taong anibersaryo ng Kapuso Network sa television industry.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Bautista proudly wears his Michael Cinco outfit at the red carpet of GMA Thanksgiving Gala being held tonight, July 30, at Shangri-La The Fort, Manila: "This is Michael Cinco, kaya kailangan ko suotin lahat kasi from Dubai to here.”
PHOTO/S: Courtesy: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results