Watch Now

"Ukay queen" and photographer Shaira Luna weds in dress worth PHP100

by KC Cordero
Aug 14, 2022
Shaira Luna with groom Cocoy Aranas
Bumagay ang isinuot ni Shaira Luna na ukay wedding dress worth PHP100 sa “old-world feel” ng wedding venue sa Intramuros, Manila. Ikinasal na ang celebrity photographer sa kanyang partner na si Cocoy Aranas last August 12, 2022.

Ikinasal na ang celebrity photographer na si Shaira Luna sa kanyang partner na si Cocoy Aranas last August 12, 2022.

Shaira Luna with husband Cocoy Aranas

Unang pumasok sa consciousness ng mga Pinoy si Shaira noong 1995 bilang batang gifted na tampok sa isang commercial ng milk brand.

Sa mga sumusubaybay naman sa kanya sa social media, kilala si Shaira bilang isang “ukay-ukay” queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mahilig siyang magsuot ng mga damit na nabibili niya sa ukayan.

Kaya naman hindi nakapagtataka na sa ukayan din galing ang wedding dress na isinuot niya sa kanyang espesyal na okasyon.

Shaira Luna wedding dress

At ang presyo? PHP100 lang.

Pero gaya ng sinasabi ng mga fashionista, wala sa presyo iyan kundi sa nagdadala. Litaw na litaw ang kanyang glow bilang bride sa kanyang doll dress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ng kaibigan ni Shaira na si Dimples Romana sa Instagram stories nito ang ilang larawang kuha sa kanyang kasal.

Dimples Romana with the newly weds

Binanggit niya na ang may-ari ng The Jones Archive na si Jonard Palteng ang nakakita sa stylish white dress sa isang ukayan sa La Union.

Sa panayam naman kay Jonard ng Cosmo.ph na na-publish noong August 13, sinabi niyang "Knowing Shaira, she wouldn't want a traditional wedding dress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I saw the dress while thrift shopping in a market in La Union, and I immediately thought of her!"

Tinernuhan ito ni Shaira ng white gloves.

Ayon pa kay Jonard, "She wore it so beautifully!”

Bumagay din ang vintage white dress sa “old-world feel” ng wedding venue sa Intramuros, Manila.

Read also:

Photographer Shaira Luna Got Married In A Wedding Dress That Only Costs P100

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumagay ang isinuot ni Shaira Luna na ukay wedding dress worth PHP100 sa “old-world feel” ng wedding venue sa Intramuros, Manila. Ikinasal na ang celebrity photographer sa kanyang partner na si Cocoy Aranas last August 12, 2022.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results