Watch Now

Lakat sneakers na gawa sa pinya at cotton fabric, maporma at eco-friendly!

by Mavell Macaranas-Dojillo
Oct 25, 2022
lakat sneakers
Mag-asawang Pilipino, nagtayo ng kumpanyang lumilikha ng mga sapatos na gawa sa sustainable materials, tulad ng pineapple at cotton fabric. Nakakagawa rin sila ng ibang produkto tulad ng shawl, patadyong, bag, at lounge shoes.
PHOTO/S: Facebook (Lakat)

Nakakabahala ngayon ang epekto ng climate change sa kapaligiran, lalo na sa mga mas tumitinding dry spells at bagyo.

Kaya kanya-kanyang isip ng paraan ang “environmental warriors” around the globe ng mga sustainable options tulad ng mga bagay na gawa sa renewable resources.

Nakatutulong ito upang kahit paano ay maibsan ang impact ng climate change.

Sa Pilipinas, isang kumpanya—Creative Definitions—lumilikha ng sneakers at iba pang fabrics, at isinusulong ang sustainable fashion market.

Ang mga produkto nito ay hinabi mula sa 100 percent sustainable materials, na pinaghalong pineapple at cotton fiber.

At mula rito ay nabuo ang sustainable sneakers brand na ang tawag ay Lakat.

Ilan sa celebrities na nakitang suot sila ay sina model/lifestyle blogger Patty Laurel, TV personality Lexi Schulze at asawa nitong si Javi Berenguer Testa, restaurateur Elbert Cuenca, fashion icon JC Buendia, at model/actress Tweetie de Leon Gonzales.

tweetie de leon sneakers

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tweetie de Leon wearing a pair of Lakat sneakers

Sa wikang Hiligaynon, ang Lakat ay nangangahulugang “lumakad.”

Tinatayang PHP4,000 ang bawat pares ng sapatos, ayon sa website nito.

Read also:

SUSTAINABLE AT TRENDY

Ang Lakat sneakers ay gawa sa water repellant pineapple and cotton fiber blends.

Ang fabric ay handwoven ng mga weavers ng Kabankalan City sa Negros Occidental habang ang outsoles ay gawa sa rubber na locally farmed sa Mindanao.

Trendy at slick din ang bawat pares ng sapatos na available sa iba’t ibang kulay, perfect for everyday and even casual wear.

Higit sa lahat, patok ang kanilang minimalistic designs na dagdag appeal dahil madaling i-partner sa kahit na anong outfit.

Eco-friendly pa!

May iba pang produkto—gaya ng shawl, patadyong, bag, at lounge shoes—ang kumpanya.

Nagbebenta rin sila ng mga fabric at mga gamit sa bahay tulad ng placemat, table runner, table napkin, apron, cushion cover, blanket, hand towel, at bath towel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

lakat fashion

THE HUSBAND-AND-WIFE TANDEM BEHIND LAKAT

Ang Lakat ay proyekto ng mag-asawang sina Mike at Banj Claparols.

Bilang founders ng Creative Definitions, gusto nilang gawing isa ang Pilipinas sa top producers ng sustainable products sa buong mundo, at patuloy na masuportahan ang weaving communities ng Negros.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Taong 2008 pa nang itayo ang Creative Definitions, ngunit nito lamang 2016 ito napabilang sa HABI: Philippine Textile Council, na isinusulong ang textile industry ng bansa.

Dito na nagsimula ang love affair nina Mike at Banj sa world-class Negrense products.

Tumuklas din ang mag-asawa ng bagong technology at production techniques upang magamit ang abaca at pinya, pati na rin ang bamboo at banana, sa kanilang handwoven fabrics.

Ayon sa website ng Creative Definitions, ang pangunahing mission ng kumpanya ay, “providing world-class Negrense products in the local market, continuously striving to innovate and open more opportunities for its producers.”

Ang layon na long-term sustainability ay para rin sa mga partners na patuloy na nagbibigay-kabuhayan sa maraming Pilipino.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mag-asawang Pilipino, nagtayo ng kumpanyang lumilikha ng mga sapatos na gawa sa sustainable materials, tulad ng pineapple at cotton fabric. Nakakagawa rin sila ng ibang produkto tulad ng shawl, patadyong, bag, at lounge shoes.
PHOTO/S: Facebook (Lakat)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results