Miss Universe Thailand Anna Sueangam-iam national costume inspired by Songkran festival

by Jojo Gabinete
Jan 6, 2023
miss universe thailand 2022
Miss Universe Thailand 2022 Anna Sueangam-iam's national costume was "inspired by the Songkran Lady of 2023 named Kimita Devi, who is one of the 7 goddess daughters of King Kabilaprom and a symbol of Songkran festival."
PHOTO/S: @missuniverse.in.th on Instagram

Tulad ng mga Pilipino, matindi ang obsesyon ng mga Thai people sa beauty pageants kaya sinusubaybayan nila ang mga nagaganap at mangyayari sa Miss Universe 2022.

Si Anna Sueangam-iam ang kinatawan ng Thailand sa prestigious international beauty pageant na idaraos sa January 14, 2023 sa New Orleans, Louisiana.

Maagang inilabas ng kampo ni Anna ngayong Biyernes, January 6, ang national costume na gagamitin niya sa 71st Miss Universe — ang glittering dress na umaagos na tubig ang inspirasyon at tinawag na "Songkran Devi."

Songkran ang New Year holiday ng mga Thai, at si Kimita Devi ang itinuturing na mythical Songkran goddess sa araw ng Biyernes.

Sa Pilipinas, ang Pista ni St. John The Baptist na ipinagdiriwang tuwing June 24 ang katumbas ng Songkran dahil binabasa rin nila ng tubig ang mga tao.

Mga burda, beads, crystal, sequins, at mga bubog ng bote ang mga disenyo ng national costume ni Anna na sumasalamin sa kaligayahan, pagmamahal, pagpapakumbaba at kagandahan ng kultura ng Thai na ipinasa sa bawat henerasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bahagi ng national costume ni Anne ang pagbibitbit nito ng silver bowl na ginagamit sa taunang water festival bilang simbolo sa buhay, kultura, tradisyon, at lokal na karunungan ng Thai.

CATRIONA GRAY COPYCAT?

Isa si Anna sa mga kontrobersiyal na kandidata sa 71st edition ng Miss Universe.

"Catriona Gray copycat" ang bansag kay Anna dahil sa mga akusasyong ginagaya niya ang hitsura at kilos ng Pilipina na kinoronahan bilang Miss Universe 2018 sa Bangkok, Thailand.

Makulay ang buhay ni Anna dahil garbage collectors ang kanyang mga magulang pero hindi niya ikinahihiya ang mga kahirapang pinagdaanan nila.

Hindi rin itinanggi ni Anna ang pagbabago ng kanyang anyo dahil sa tulong ng plastic surgery.

Kumalat ang then-and-now photos ni Anna matapos niyang manalong Miss Universe Thailand noong July 30, 2022.

miss thailand 2022 transformation

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang mga tauhan ng beauty clinic na Natchaya Clinic ang kusang naglabas sa kanilang official Facebook page ng before and after photos ni Anna dahil isang karangalang pasyente nila ang 24-year-old beauty queen kaya mahihirapan itong itanggi ang katotohanan.

Read: Before and after photos ni Miss Universe Thailand 2022 Anna Sueangam-iam, nakamamangha

Ang partisipasyon ni Anna sa 71st Miss Universe ang isa sa mga tinututukang mabuti ng beauty pageant fans dahil sa mga haka-hakang malaki ang tsansa niyang manalo o magkaroon ng puwesto.

Ito ay dahil ang kanyang kababayan at tukayo, ang billionaire transgender woman na si Anne Jakrajutatip, ang bagong may-ari ng Miss Universe Organization.

Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Thailand 2022 Anna Sueangam-iam's national costume was "inspired by the Songkran Lady of 2023 named Kimita Devi, who is one of the 7 goddess daughters of King Kabilaprom and a symbol of Songkran festival."
PHOTO/S: @missuniverse.in.th on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results