Heart Evangelista’s Chanel fries liven up Twitter

Oct 21, 2020
Heart Evangelista
Actress-fashion icon Heart Evangelista uses a logo cookie cutter to come up with Chanel-inspired French fries.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram

Muling nag-trend ang actress-fashion icon na si Heart Evangelista matapos umani ng reaksiyon mula sa netizens ang video post ng pagkain niya ng French fries.

Ang French fries kasi ni Heart, 35, ay inspired ng sikat na French fashion house na Coco Chanel.

Sa six-second video na ipinost ni Heart sa Twitter nitong Lunes, October 19, makikitang kumuha siya ng isang piraso ng fries at isinawsaw iyon sa ketchup.

Ang bawat isang fries ay may hugis ng interlocking Cs, na kilalang monogram ng Chanel.

Simpleng caption ni Heart: “Kain na po [face savoring delicious food emoji]”

Continue reading below ↓

NETIZENS’ HILARIOUS REACTIONS

Patok na patok sa Twitter users ang French fries video ni Heart.

At press time, ang Twitter post niyang ito ay mayroon ng 85,000 likes, halos 10,000 quote tweets, at mahigit 6,000 retweets.

Nakakaaliw din ang reaksiyon dito ng ilan sa 2.4 million Twitter followers ng aktres.

Ang isa sa kanila, nag-react gamit ang litrato ng patatas na ang balat ay naiimprentahan ng Louis Vuitton logo—ala-Heart Evangelista.

Ang Louis Vuitton o LV, tulad ng Chanel, ay isa ring high-end designer brand.

Continue reading below ↓

Ilan pang Twitter users ang exaggerated na nagsabing ramdam nila ang pagiging “hampaslupa” nang makita ang Chanel fries ni Heart.

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

May mga nagkomento rin ng pictures at memes ni Jennie, isang miyembro ng popular na Korean all-girl group na BLACKPINK.

Kilala kasi si Jennie sa pagkahilig sa mga damit, bags, sapatos, at accessories mula sa Chanel.

Continue reading below ↓

FROM CHANEL FRIES TO CHANEL PIZZA

Dahil kilala si Heart bilang isang fashion icon na tumatangkilik sa iba’t ibang high-end fashion brands, tila kapani-paniwalang may French fries ang Chanel, di ba?

Pero kalma lang, PEPsters, madali lang ma-achieve ang double-C-logo fries ni Heart using a cookie cutter na mabibili online.

Sa katunayan, ngayong Miyerkules, October 21, nag-post si Heart sa Instagram ng litrato ng ginawa niyang pizza—na Chanel-inspired din.

Tadtad ng monogram ng Chanel ang pizza na ginawa ni Heart.

Sa caption, tinag ni Heart ang official Instagram page ng Chanel.

Sabi ni Heart: “Fresh from the oven. [face savoring delicious food emoji] @chanelofficial”

Continue reading below ↓

HEART’S CREATIVE POSTS

Kilala si Heart sa pagiging creative—at minsan ay makuwela—sa kanyang social-media posts.

Noong December 2018, nag-viral ang Instagram Story ni Heart nang nagbiro siyang lalabas ng bahay para bumili ng corned beef.

Pero nakasuot siya noon ng formal dress na idinisenyo ni Martin Bautista.

Sinisipat ang sarili sa full-length mirror suot ang dress, sinabi ni Heart: “Here's my look for today. I am on my way to go to the grocery to buy corned beef.”

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress-fashion icon Heart Evangelista uses a logo cookie cutter to come up with Chanel-inspired French fries.
PHOTO/S: @iamhearte on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results