Nutribun returns in enhanced version

May 14, 2021
Presenting version 2.0 of the much-loved Nutribun in the 70s and 80s.
PHOTO/S: Facebook (Maria Lorenza Ballon)

Para sa mga batang ‘70s at ‘80s, nostalgic ang Nutribun.

Ito ay ang masustansiyang tinapay na ipinamimigay sa estudyante sa daycare centers, at ito rin ang bida sa kampanya ng gobyerno para labanan ang child malnutrition.

Ngayon, ibinabalik ang nutritious bread na ito para matikman ng bagong henerasyon ng kabataan.

Presenting “Enhanced Nutribuns”.

Kamakailan, sinimulan na ng Department of Science ang Technology (DOST) na ipamahagi ang Nutribuns nito sa daycare centers sa Bulacan, ayon sa post sa RMN Central Luzon Facebook page noong May 8, 2021.

Ang bawat batang naka-enroll sa daycare centers ay makakatanggap ng tig-12 piraso ng Nutribun sa susunod na isa at kalahating buwan.

Nakapagpadala na ang DOST ng higit sa 490,000 piraso ng Nutribun sa Bulacan.

ENHANCED NUTRIBUNS

Pero tila version 2.0 ang bagong Nutribun ngayon.

Enhanced Nutribun ang tawag dito, ayon kay DOST Provincial Director Angelita Parungao ng Bulacan.

Ang bagong Nutribun ay ginawa ng Food and Nutrition Research Institute o FNRI ng DOST.

Continue reading below ↓

Bawat tinapay ay tumitimbang ng 80 grams at masustansiya. Tinatawag itong Enhanced Nutribun.

Ayon sa ulat, ang tinapay ay mayaman sa “squash query soaked in wheat flour with skimmed milk.”

May beta carotene rin ito na nagiging vitamin A.

Enhanced Nutribun

Dahil sa pandemya, ihahatid sa mga bahay ng mga estudyante ang tinapay. Kasama ring idi-deliver ang module ng mga estudyante.

Continue reading below ↓

Sinabi rin ni Parungao na magkakaroon ng second delivery ng Nutribun mula sa DOST sa May 24.

Apat na bakery sa Bulacan ang binigyan ng permiso ng DOST para maging “technology adaptors” at gumawa ng Nutribun.

Bukod dito, may plano rin ang DOST na lumikha ng Nutribun na gawa sa kamote.

Samantala, sa Facebook page ng RMNI ay sunud-sunod ang post ng mga netizens para ipaalam na natanggap na ng kanilang mga anak ang Enhanced Nutribun.

Nagkaroon ng virtual soft launching ang DOST-FNRI ng Enhanced Nutribun noong July 29, 2020.

Sa press release ng DOST, nabanggit ng kagawaran kung bakit nagdesisyon itong gumawa ng Enhanced Nutribun.

Nakasaad dito, “The Enhanced Nutribun is one of the DOST-FNRI’s answers to the call of the Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Memorandum Circular No. 12 Series of 2020, or the Guidelines in the Implementation of the Supplementary Feeding Program During Community Quarantine or Other Similar Emergencies.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Presenting version 2.0 of the much-loved Nutribun in the 70s and 80s.
PHOTO/S: Facebook (Maria Lorenza Ballon)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results