"Hidilyn Champ-orado" inihanda ng PAL chef para kay Hidilyn Diaz

by KC Cordero
Jul 29, 2021
Hinainan si Hidilyn Diaz ng mga paborito niyang pagkain, bukod pa ang special dish na "Hidilyn Champ-orado" (photo for illustration purpose only) na inihanda ng PAL chef para sa kanya.

Isang pagkaing Pinoy ang ikinabit sa pangalan ni 2020 Tokyo Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.

Nang pabalik na si Hidilyn sa Pilipinas noong July 28, 2021 lulan ng PR427 ng Philippine Airlines, sinabi ni Cielo Villaluna, spokesperson ng PAL, na naghanda ang chef ng “special dish” para sa kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng gold medal sa Olympics.

Sabi ni Villaluna sa panayam ng Teleradyo, “We have made a special dish for Hidilyn. Our chef prepared Hidilyn Champ-orado. Ang cute, ‘no?”

May mga larawan ng mga pagkaing inihain para kay Hidilyn sa Facebook page ng PAL.

Continue reading below ↓

Hindi nakita ang Hidilyn Champ-orado dahil, ayon kay Villaluna, “Ibinigay ito ng aming flight personnel kay Hidilyn.

“It’s in a white container, a white box, and it has two Champ-orado orders, food items inside, plus, of course, other souvenir items from PAL.”

Ang champorado o tsampurado ay isa sa mga paboritong almusal o meryenda ng mga Pinoy.

Ang main ingredients nito ay kaning malagkit, tablea, gatas o kaya ay gata ng niyog, at asukal.

Isini-serve ito nang hot or cold, at kung minsan ay nilalagyan pa ng dried fish flakes o ipina-partner sa tuyo.

Bukod sa Hidilyn Champ-orado, hinainan rin si Hidilyn ng beef teriyaki, sweetened chicken and special fish, chocolate tiramisu, and ice cream.

Ayon pa kay Villaluna, napakaespesyal ng naging biyahe ni Hidilyn.

“There was certain portion of the flight where there was champagne toasting. It was a very special journey.”

Continue reading below ↓

Si Hidilyn ang kauna-unahang Forever Flyer ng PAL matapos siyang pagkalooban ng airline ng 80,000 free miles per year for life.

Base sa redemption chart ng Mabuhay Miles ng flag carrrier ng PIlipinas, ang 80,000 ay katumbas ng:

  • Isang round-trip economy class mula Manila papuntang London o Los Angeles o San Francisco o Vancouver sa Canada.
  • Isang round-trip flight, economy class mula Manila papunta sa hometown niya sa Zambonga.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hinainan si Hidilyn Diaz ng mga paborito niyang pagkain, bukod pa ang special dish na "Hidilyn Champ-orado" (photo for illustration purpose only) na inihanda ng PAL chef para sa kanya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results