Hit ngayon ang negosyong isawan ng Pilipinong si Robin John Calalo sa Woodside, Queens, sa New York City sa Amerika.
Si Robin John ay kilala ring Boy Isaw ng New York.
Sinimulan niya ang kanyang street-food business sa puhunang $50 o PHP2,500.
Ngayon, kumikita na si Robin John ng PHP200,000 kada linggo.
Ibig sabihin nito, kumikita siya ng PHP800,000 kada buwan.
Taong 2019 nang simulan ni Robin John ang kanyang business.
Nag-crave lang daw siya ng street food, kaya naisipan niyang mamalengke.
Kuwento ni Robin John sa panayam ng GMA News, “So, nag-decide akong mamalengke. May dala akong $50.
“So, nag-try akong magluto. Dinamihan ko na tapos binenta ko.”
Ang unang customers daw niya ay mga kaibigan at kamag-anak.
At iyon na raw ang simula ng kanyang negosyo.
Craving satisfied na, nagkanegosyo pa.
BOY ISAW AND HIS BUSINESS
Ang mga produkto ni Robin John ay mga kilalang Pinoy street food, gaya ng adidas o paa ng manok, betamax o dugo ng baboy, isaw, at hotdog.
Pero hindi lamang daw hit sa mga Pinoy sa Amerika ang kanyang produkto, pati rin sa ibang lahi.
Base naman sa kanyang Instagram account na @boy_isaw, itinatayo ni Robin John ang kanyang puwesto kapag naiimbitahan sa mga food fair.
Dahil mas maluwag na ang quarantine kahit may pandemya, tuloy ang negosyo para kay Robin John.
Bukod pa rito, nag-o-online selling din siya ng ready-to-grill street food products on stick sa kanyang customers.
Sa ganitong paraan, mae-experience ng kanyang mga kliyente ang grilling in the comfort of their own homes.
Panay rin ang post ni Robin John ng mga suki niyang tinatangkilik ang kanyang mga produkto.
Base rin sa mga repost niya ay super satisfied ang kanyang mga customers.
Lumalabas na ang produkto niya ay nagkakalaga ng $3.50 (o PHP175) kada stick ng adidas, betamax, isaw, hotdog, manok, tenga ng baboy, at iba pa.
Ang rice naman ay $2 (o PHP100) at may promo siyang $14 (PHP700) kada tatlong stick at may libreng drink.
Base sa isa pa niyang Instagram account, si Robin John ay isa ring fitness instructor sa U.S.
Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.