Pinoy brands Luneta ice cream at Guapito beer namamayagpag sa Netherlands

by Bernie V. Franco
Sep 28, 2021
A Pinoy couple in the Netherlands developed the first Filipino ice cream and beer in the said country as their way to promote Filipino flavors out of the Philippines. The ice cream is called Luneta, while the beer is called Guapito.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Sinubok man ng matinding hamon, nagbubunga na ngayon ang pagtitiyaga ng mag-asawang Pilipino na nakipagsapalaran sa the Netherlands.

Meet Rhea Topacio at Dennis Rogacion, ang mag-asawang lumikha ng tatak Pinoy ice cream, flavorings, at beer ay ibinebenta ngayon sa Europa.

Si Rhea ay tubong Las Piñas, habang si Dennis ay taga-Pasig.

Matapos ang first year high school, si Dennis ay pinetisyon ng kanyang amang nasa the Netherlands noong 1993.

Ipinagpatuloy roon ni Dennis ang pag-aaral hanggang sa makatapos ng kolehiyo.

Si Rhea naman ay nasa marketing industry at kalaunan ay pumunta sa the Netherlands.

Taong 2010 nang ikasal sina Dennis at Rhea sa pamamagitan ng civil wedding.

Habang may trabaho si Dennis, hindi naman pinalad si Rhea. Kaya after two years matapos ikasal at wala pang work, nag-focus si Rhea sa pagbi-bake na nauwi sa isang income-generating project.

Masayang pagbabahagi ni Rhea, kasama si Dennis, sa episode ng Stories of Hope ng GMA Public Affairs noong September 19, 2021, “Pumatok siya. Mostly ang kliyente namin mga Dutch.”

Continue reading below ↓

Pero pagkatapos ng limang taon, itinigil din ito ni Rhea dahil pinasok ng mag-asawa ang paggawa ng Filipino ice cream noong 2015.

Saad ni Dennis, “Naisip namin na wala pang [Pinoy] ice cream dito ever magmula nung napunta ako dito nung ‘93. Never nagkaroon ng ice cream dito na Pinoy."

Ipinaliwanag ni Rhea kung bakit walang mahahanap na Filipino ice-cream brands doon kahit sa mga Filipino stores.

Sabi niya, “Bawal mag-angkat ng dairy, kasi nasa law iyon. Pinoprotektahan nila yung dairies na dito galing sa the Netherlands.

“So, yung mga Filipino stores, hindi sila puwedeng magkaroon ng dairies, or iyan, mga milk na galing talaga ng Pilipinas.”

Sa pagpasok nila ng ice cream business, “sangkatutak” daw na research ang ginawa nina Rhea at Dennis na kumuha pa ng short courses para sa certification.

Sa loob daw ng isang taon, sa bahay lang nila ginagawa ang kanilang ice cream.

May mga balakid, pero naisulong naman ng mag-asawa ang kanilang business hanggang sa kinailangan na nilang makipag-partner sa isang ice-cream factory nuong 2017.

Continue reading below ↓

Kuwento ni Rhea, “Una naming balakid, siyempre, hindi naman kami mayaman. So, wala kaming pondo.

“Minsan kulang kami sa oras, kasi may full-time job yung asawa ko. May anak pa kaming maliit.

“’Tapos nung medyo lumaki na, kinailangan na talaga naming ilagay sa factory.

“Ginagawa namin yung recipes, ‘tapos babantayan ni Dennis habang ginagawa yung ice cream.

“Mula doon dini-distribute na iyon sa mga tindahan.”

Ang pangalan ng kanilang brand—Luneta Ice Cream.

Ayon kay Rhea, “Kasi gusto namin yung pangalan, narinig mo pa lang…"

Dugtong ni Dennis, “Naiisip mo yung Sunday afternoon sa park noong maliliit tayo."

Ang best-sellers nila ay ube, pandan, at mango flavors.

Nangunguna raw ang ube dahil nami-miss ito ng mga Pinoy roon.

Kinagat ng mga Dutch ang ube dahil interesado raw sila sa kulay purple na ice cream.

Ani Rhea, “So, gusto nilang malaman bakit ito purple, anong lasa nito. Pag tinikman nila, natutuwa sila,”

Continue reading below ↓

Inaangkat naman nila sa Pilipinas ang ube at manga na ginagamit bilang sangkap, habang ang ibang flavors ay available na sa the Netherlands.

Sambit ni Rhea, “Humahabol ang macapuno at kapeng barako.”

Sa kabuuan, nagkaroon ang Luneta Ice Cream ng 13 flavors.

The couple Rhea Topacio and Dennis Rogacion now hold dual citizenship, as Filipino-Dutch.

Continue reading below ↓

PANDEMIC HAPPENED

Pero labis na naapektuhan ang kanilang ice-cream business nang mangyari ang pandemya.

Pagbabalik-tanaw ni Rhea, “Nung nagsimulang mag-lockdown, nganga! Kahit isang event, walang natuloy.

“So, yung food truck namin nandun lang, nagtatago sa silong. Pero tuloy pa rin yung bayad."

Nagsarado ang business establishments, at natigil ang produksiyon ng ice cream nina Rhea at Dennis.

Ayon pa rin kay Rhea, naisip nilang mag-asawa na gumawa ng flavorings, “July 2020, kasagsagan ng pandemya, may mga kaibigan na kami sa industriya na kinakausap namin kung puwede namin gawin yung ube flavor.”

Sinubukan raw nila ang flavorings sa paggawa ng pandesal at cakes. Hanggang sa makuha nila ang timpla noong October 2020.

Apat na flavorings ang nagawa nila: Ubeness, Langkaness, Buko Pandaness, at Mangoness. Pumatok ito sa mga taong pinasok ang baking.

PINOY BEER

Sa kalagitnaan din ng pandemya, nakalikha rin sila ng isa pang produkto, isang Philippine beer.

Ani Rhea, “Sinimulan naming pag-aralan iyang Guapito mga 2019, tinulungan kami nung kaibigan namin na Dutch na gumawa ng beer. So, nagustuhan namin.”

Continue reading below ↓

Noong April 2020 ay gusto na raw sana nilang i-relese sa market ang Guapito Beer para tumaon sana sa Philippine Independence sa June 12.

Dugtong ni Rhea, “Pero dahil nga sa pandemya, walang mga event. Sarado yung mga factory.”

Ayon naman kay Dennis, “Matagal na naming gustong magkaroon ng brand ng beer to promote the Philippine food nga.

“Ang available lang dito is all-imported beer. Nag-decide kami na subukan.”

Paglalarawan ni Rhea sa lasa ng beer: “Mapait siya na konting manamis-namis, pero puwede inumin ng babae.”

October 2020, ini-release na nila ang Guapito Beer.

Ani Rhea, “Maraming Pilipino yung natuwa, pati yung ibang lahi.

“Yung mga asawa ng mga Pinay masayang-masaya sila sa lasa ng beer kasi mae-enjoy mo siya.

“Ang Guapito Beer ang first Filipino brand na beer na dito ginawa sa the Netherlands.”

Continue reading below ↓

Ngayon, inaani na ng mag-asawa ang pagsusumikap nila.

Mabibili ang Guapito beer sa mga Filipino stores sa Amsterdam at Wateringen sa the Netherlands at iba pang bahagi ng Europa, sa Luxembourg at Belgium.

Mabibili naman ang Luneta Ice Cream sa buong Europa—Italy, Spain, hanggang the United Kingdom., Norway, Sweden, Denmark.

"Lahat ng 37 countries under the European Union," sambit ni Rhea.

Masaya raw silang mag-asawa kapag nakikita nila ang kanilang flavorings na ipino-post sa social media ng kanilang mga parokyano.

Sabi ni Rhea, “Kapag nakikita namin sa social media lalo pag galing sa Barcelona, sa Norway, o kaya sa Sweden. Nakikita mo yung bote ng Ubeness, kasama ng cake nila.”

Sa kabila ng mga hamong pinagdaanan nila bago umangat, hindi sila nawalan ng pag-asa at sa sarili nila ito nanggaling.

Ani pa niya, “Hindi naman kailangan nasa ibang bansa, kailangan nasa Pilipinas ka.

“Walang pinagkaiba yan lahat tayo naapektuhan ng pandemya. Kailangan mo rin tibayan ulit yung sarili mo.”

Continue reading below ↓

Payo naman ni Dennis, “Huwag susuko, pag-isipan pa kung ano yung iba mo pang magagawa. Laging may paraan.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Pinoy couple in the Netherlands developed the first Filipino ice cream and beer in the said country as their way to promote Filipino flavors out of the Philippines. The ice cream is called Luneta, while the beer is called Guapito.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results