Musta na si Mang Tootz, ang hari ng turon na abot sa 10K pieces ang benta noon?

by KC Cordero
Oct 25, 2021
Sumikat si Mang Tootz dahil sa kanyang Banana Rhuma turon, na noong wala pang pandemya ay dinudumog ng mga estudyant at empleyado sa Makati ang dalawa niyang food stalls sa University of Sto. Tomas.

Dating chef sa Saudi Arabia si Edwin Francisco Vergara, na mas kilala sbilang Mang Tootz.

Sa mga estudyante ng University of Sto. Tomas at mga empleyado sa business district ng Makati City ay popular siya suki niya ang mga ito sa kanyang napakasarap na turon na tinawag niyang “Banana Rhuma."

Siya ang may-ari ng Mang Tootz Food House.

Mang Tootz as former chef

Continue reading below ↓

May puwesto siya sa P. Noval Street sa Maynila at sa Valero Street sa Makati City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mang Tootz noong October 25, 2021 sa pamamagitan ng telepono.

Kuwento ng 64-year-old businessman, “Thirty years na ako sa food business. Year 1991 ay huminto na ako sa pag-a-abroad. Nagtayo ako ng karinderya.

“Una akong nagkaroon ng puwesto dito lang sa likod ng food house namin ngayon.

“After three years, lumipat na kami sa P. Noval malapit sa gate ng UST.”

Nagluluto sila ng iba’t ibang putahe gaya ng ibang kainan na ang market ay mga estudyante. Noon naisip ni Mang Tootz na gumawa ng turon para naman sa meryenda.

“Tinesting ko lang para dagdag sa mga tinda ko. Biglang naging mabenta.”

Naging bukambibig ang kanyang napakasarap na Banana Rhuma kahit hindi pa noon uso ang social media.

“By word of mouth,” aniya. “Noon pa man, madalas na rin akong mai-feature sa mga TV shows dahil diyan sa Banana Rhuma.”

Continue reading below ↓

FROM 50 PIECES TO 10,000 PIECES KADA ARAW

Pagbabahagi pa ni Mang Tootz, bago nagkapandemya ay nakapagluluto sila ng 10,000 piraso ng Banana Rhuma kada araw.

“Malakas talaga noon kasi may pasok ang mga estudyante.

“Limang piso lang kada piraso.

Noong umpisa, 50 pieces lang ang niluluto ko. Naging 100. Tumaas na nang tumaas.”

Wala naman aniyang secret ingredients sa kanyang masarap na turon.

“Nasa tamang timpla talaga. Tamang luto. At saka pag naiikuwento ng mga suki sa kakilala, lalong dumarami ang bumibili.”

Banana Rhuma turon

Continue reading below ↓

SIKRETO NIYA SA BUSINESS

Dahil nagiging guest si Mang Tootz sa mga programa sa radyo at telebisyon, marami ang nai-inspire na humingi sa kanya ng payo kung paano mag-i-start ng turon business.

Kuwento niya, “Maraming tumatawag sa akin sa telepono. Ine-entertain ko sila.

“Hindi ako maramot magturo. Kahit yung mga ingredients na ginagamit ko, sinasabi ko sa kanila.”

Pero may isang natatanging sikreto aniya ang pagnenegosyo lalo na kung pagkain.

“Marami ang gumagaya pero hindi nagsa-succeed. Bakit? Akala kasi nila, basta pareho kayo ng tinda, pareho ng ingredients at timpla ay mabebenta na.

“Ang paghahanda ng pagkain, ang pagluluto, iyan ay nasa puso.”

Banggit pa niya, ang nakikita lang kasi ng iba pag nasa TV siya ay ang sitwasyon na popular na ang kanyang produkto.

“Hindi nila nakita yung paano ka muna nagtiyaga. Anu-ano ba ang iyong naging downfall.

“It takes time para magkaroon ka ng maraming customer."

APEKTADO NG PANDEMYA ANG BUSINESS

Pero dahil sa pandemya ay naapektuhan ang bentani Mang Tootz.

Continue reading below ↓

Malungkot niyang sambit, “Nasa seventy percent ang ibinagsak, mula sa dating niluluto na 10,000 piraso ngayon ay 2,000 na lang.

“Wala kasing pasok ang mga estudyante. Ang mga suki naman namin sa Makati, karamihan ay work from home.

“Yung puwesto namin sa Makati, open mula Monday to Friday pero hanggang 2:30 p.m. lang. Monday to Saturday naman ang nasa P. Noval.”

Tuloy pa rin naman sila sa pagtitinda ng ibang putahe. “Pero for delivery lang kasi nga, bawal magbukas ang mga kainan.”

I

Mang Tootz preparing turon

Continue reading below ↓

NAMI-MISS ANG MGA CUSTOMER

Kahit may mga umo-order pa rin kay Mang Tootz, nami-miss niya ang pisikal na pakikisalamuha sa kanyang mga customer.

“Dahil dito sa pandemic, hindi ko na sila nakikita kasi karamihan ay take-out na.”

Parang kapamilya raw ang turing niya sa mga ito, “Minsan may nagte-text. Nangungumusta. Kaya pag nagpupunta sila rito, tuwang-tuwa ako.”

Umaasa siyang sana ay matapos na ang pandemya.

“Pag natapos ito, babalik uli ang lahat. Pupunta uli rito ang mga customer, at narito lang naman ako para sa kanila. Sa inyong lahat...”

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sumikat si Mang Tootz dahil sa kanyang Banana Rhuma turon, na noong wala pang pandemya ay dinudumog ng mga estudyant at empleyado sa Makati ang dalawa niyang food stalls sa University of Sto. Tomas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results