Bakit ang mahal? Brahma chicken PHP6,000 to PHP15,000 ang presyo

by Bernie V. Franco
Dec 2, 2021
Brahma chicken
Local breeders are starting to raise Brahma chickens, a type of chicken that is a lot bigger and heavier than the ordinary chicken as shown in photo.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Bibili ka ba ng manok para alagaan (puwede ring lutuin) kung libu-libo ang halaga nito?

Ito kasi ang halaga ng manok na kung tawagin ay Brahma chicken, isang uri ng manok na mas doble—o higit pa—ang laki at timbang sa karaniwang manok.

Tinatayang PHP8,000 hanggang PHP15,000 ang halaga ng bawat manok.

Sa kasalukuyan, iilan pa lamang lamang ang breeders ng Brahma chickens sa bansa at sinimulan lamang ang breeding noong 2019.

Katulad na lamang ni Israel Frago, ang breeder ng higanteng Brahma chicken sa San Pablo, Laguna.

Ibini-breed ang mga manok na ito sa Forest Wood Garden sa San Pablo.

Naitampok ang breeder sa episode ng PinaSarap ng GMA News and Public Affairs, November 27, 2021.

Bukod sa mas malaki, mas lean din ang karne ng manok na ito. Ibig sabihin, mas kaunti ang taba.

Kaya naman itinuturing itong prime chicken meat.

Umaabot sa five kilos ang bigat ng isang Brahma chicken na tinagurian ding “king of chickens.”

Continue reading below ↓

Pagdating naman sa behavior ng Brahma, mas “friendly” raw ito dahil hindi ito mailap.

Brahma chicken

Sinasabing nagsimula ang Brahma Chicken sa Shanghai, China, kaya ang unang tawag dito ay Shanghai birds.

Pagdating ng 1840s, na-import ito sa Amerika at sinimulang i-breed doon. Nagsimula itong tawaging Brahma sa Boston noong 1850s.

Continue reading below ↓

Samantala, sa Forest Wood Garden ay iniluluto bilang curry, iniihawm at ginagawang longganisa ang Brahma chicken.

Pinakamainam raw itong lutuin pagsapit ng fourth month hanggang eighth month, dahil kapag tumagal pa ay mas tumitigas ang karne nito.

Ang isa pang distinct quality ng Brahma chicken ay nag-iiwan ito ng aftertaste, kaya sa pagluluto dinadamihan ang paggamit ng mga sangkap, gaya ng herbs and spices.

Brahma chicken

Continue reading below ↓

Samantala, isang YouTuber, si DoringTV, ang nag-inquire sa breeders ng Brahma chicken sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa kanyang video last year.

Nakapagtanong ito ng apat na breeders sa ibat-ibang lugar, gaya ng Negros Oriental, Negros Occidental, sa Cebu, at Metro Manila.

Nang tumawag ito sa Negros ay nabigo itong makapag-reserve dahil nagkakaubusan ng orders sa breeder.

Sisiw pa lang ang Brahma chicken ng breeder ay may mga umoorder na.

Sinubukan rin ng DoringTV mag-research sa Cebu, at nakahanap siya roon ng seller na nagbebenta ng PHP10,000 a pair ng Brahma chicken.

Ang isang sisiw ng Cebu-based breeder ay nagkakahalaga ng PHP1,000 hanggang PHP1,500. Pagsapit naman ng two months, umabot na sa PHP2,500 ang halaga nito.

Nakabili naman ang YouTuber mula sa isang breeder sa Makati City ng tatlong Brahma chicken sa halagang PHP18,000 o PHP6,000 kada isang Brahma chicken na six months old.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Local breeders are starting to raise Brahma chickens, a type of chicken that is a lot bigger and heavier than the ordinary chicken as shown in photo.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results