Lugawan nag-trending dahil sa kubyertos na ginamit ni Joshua Garcia

by KC Cordero
Feb 23, 2022
Joshua Garcia and the now trending kubyertos.
Nag-trending ang isang karinderya sa Bulacan matapos i-post ang mga photos ni Joshua Garcia habang kumakain. Biro ng may-ari ng karinderya, ibinibenta ang mga kubyertos na ginamit niya.

Trending ngayon ang Antonio Junior Lugaw-Pares Eatery, isang karinderya sa San Jose Del Monte, Bulacan, matapos kumain rito ang aktor na si Joshua Garcia noong February 17, 2022.

Joshua Garcia while eating.

Joshua Garcia leaving the karinderya.
Mismong ang Facebook Page ng karinderya ang nag-post ng mga larawan ng aktor na nakasuot ng uniporme ng pulis.

Continue reading below ↓

Kasama niyang kumain ang kapwa-aktor na si Jeffrey Santos.

Nagsimulang mag-react ang netizens dahil sa caption sa FB Page ng karinderya na: “At ang kutsara na ginamit ni Josh naitabi pa po namin.
“Ibinibenta po namin ang pinagkainan niya, hahaha!”

Dahil dito ay kanya-kanya nang comment ang netizens.

Screenshots of netizens' replies to karinderya post.

Screenshots of netizens' replies to karinderya post.

Continue reading below ↓

Nasa nasabing area sina Joshua para sa location taping ng ilang eksena ng Mars Ravelo’s Darna: The TV Series, na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

Ayon pa sa may-ari ng karinderya, bagnet plain rice ang kinain ng aktor, at tila'y nasarapan ito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nag-trending ang isang karinderya sa Bulacan matapos i-post ang mga photos ni Joshua Garcia habang kumakain. Biro ng may-ari ng karinderya, ibinibenta ang mga kubyertos na ginamit niya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results