Pinoy chef, ipinakilala ang leche flan, ensaladang talong, escabeche sa Italy

by Bernie V. Franco
May 5, 2022
Chef Morris Danzen
Pinoy chef Morris Danzen, champion ng isang Italian cooking show, ipinakikilala ang Pinoy food sa Sicily, Italy. (Right photo) Ang version ni Morris ng leche flan with ube sponge cake, at coconut milk ice cream.
PHOTO/S: Facebook (Chef Morris Danzen)

Ang Filipino chef na si Morris Danzen, tubong-Bulacan, ay nagpapalaganap ng pagkaing Pinoy sa Sicily, Italy.

Naisip niyang gawing fusion ng Pinoy at Italian flavors ang kanyang mga dishes para hindi lubusang manibago ang mga Italyano.

Ani Chef Morris sa isang artikulo sa Foodfindsasia.com nitong May 4, 2022, “I use Filipino ingredients, like kamote, soy sauce.

"I use Filipino techniques, and the flavor profiles are Filipino, which [diners] really appreciate.”

Si Chef Morris, 30, ay higit anim na taon nang nagtatrabaho bilang chef sa Italy.

Nakapag-asawa siya ng isang Italian at nagdesisyong manirahan sa hometown ng kanyang misis sa Sicily.

Siya rin ang grand champion sa Italian cooking show na Gino Cerca Chef, kung saan higit 2,000 contestants ang sumali.

Pero sa pagtira roon ni Morris, bitbit niya ang pagnanais na ipatikim sa ibang lahi ang sarap ng lutong Pinoy.

Nagsisilbi siyang chef sa trattoria ng family ng kanyang misis, ang La Bottega Fusion Cuisine.

Continue reading below ↓

Trattoria ang tawag sa Italian restaurant.

Sa katunayan, sinabi ni Morris na patok na patok ang mga Pinoy-inspired dishes sa mga Italians.

Sa pamamagitan ng direct messaging, tinanong ng PEP.ph si Chef Morris kung ano ang Pinoy flavors na patok na patok sa Italian customers niya.

Sagot niya, “Leche Flan with ube sponge cake, and coconut ice cream; scorpion fish escabeche; my version of Sinuglaw; my version of ensaladang talong.”

Ang sinuglaw ay specialty ni Chef Morris na pinagsamang sinugba at kinilaw gamit ang karne ng tuna.

sinuglaw

Continue reading below ↓

Dagdag niya, “I change my menu every season para the guests can enjoy our food and flavours mixed with Sicilian ingredients.”

Usisa namin, bakit ganoon na lamang ang pagnanais niyang ipakilala sa banyagang lugar ang pagkaing Pinoy?

Sagot niya, “The love for Filipino food and ingredients really inspired me to offer Filipino food.

“I believe that not only the Filipino food, but also our cooking techniques and flavours should be seen, and showcased to the whole world.”

Sabi ng chef, maipagmamalaki natin dahil kakaiba at masarap ang lutong Pinoy.

“I wanted to do something really good to contribute to our country using my culinary talent,” sabi niya pa.

leche flan

Continue reading below ↓

BRINGING FILIPINO FLAVOR TO SICILY

Matapos manirahan kasama ang asawa, pinakiusapan siya ng pamilya ng kanyang misis na tumulong kung paano maisasalba ang kanilang trattoria dahil nalulugi ito noon.

Nag-alinlangan daw si Chef Morris dahil, “I didn’t want to do traditional Sicilian food."

Napapayag ito sa isang kondisyon, “So, I suggested we make a fusion of Sicilian and Filipino cuisine, but only if they were willing to make the change.”

Ipinatikim ni Chef Morris ang mga inihanda niyang lutong Pinoy sa pamilya ng kanyang misis. Inaprubahan nila ito.

Kaya mula sa traditional na trattoria, ginawa niila itong isang restaurant na nagsi-serve ng “Filipino food with a twist, adjusting to the European palate,” ayon sa Foodfindsasia.com.

Ang baon ni Morris sa paggawa ng recipes ay ang pagmamahal niya sa pagluluto, magagandang alaala, at mga natutunan mula sa kanyang nanay.

Para sa ensaladang talong, “I use a white eggplant, grill it, and top it with anchovies, tomatoes, and tomato puree. I use rice paper on top to represent how we eat it with rice traditionally. It’s like an eggplant steak.”

Continue reading below ↓

ensaladang talong

Ang isa pa niyang dish na barbecued monkfish ay gumagamit ng marinade na timplang Pinoy barbecue.

Sabi pa ni Chef Morris, hindi siya nahirapan sa fusion ng Sicilian at Filipino dishes dahil malaki ang pagkakahalintulad nila.

Sabi niya, “With taste, Sicilians like agrodolce (sweet and sour), they like fried food, and punchy, fishy food.

Continue reading below ↓

"In techniques, the way of preparing fish is almost the same with escabeche and pesce in agrodolce. Theirs is simple, but the same as ours.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy chef Morris Danzen, champion ng isang Italian cooking show, ipinakikilala ang Pinoy food sa Sicily, Italy. (Right photo) Ang version ni Morris ng leche flan with ube sponge cake, at coconut milk ice cream.
PHOTO/S: Facebook (Chef Morris Danzen)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results