Turon worth PHP750, sulit ba? Netizen sa likod ng post, nagsalita

by Bernie V. Franco
May 20, 2022
P750 turon
Turon for PHP750, anyone? Nag-viral ang post ng netizen na si Khalel Czarine Tanalgo dahil sa presyo ng turon na kanyang in-order.
PHOTO/S: Facebook (Khalel Czarine Tanalgo) / CTO

Tampulan ng biruan ngayon ng netizens ang viral post tungkol sa turon na nagkakahalaga ng PHP750.

Ipinost ni Khalel Czarine Tanalgo ang inorder niyang turon dessert nang magbakasyon siya sa Amanpulo, na kilalang high-end tourist destination sa Pamalican, Palawan.

Sa May 17, 2022 post ni Czarine, makikita siyang hawak ang menu, katabi ang order niyang Banana Turon.

Ganito ang description sa dessert sa menu: Crispy banana spril roll, ube ice cream.

Ang presyo ng turon ay tumataginting na PHP750.

Ang dessert ay may apat na pirasong turon, peanut powder, at isang scoop ng ube ice cream.

Kumalat sa social media ang post ni Czarine at halatang na-shock ang maraming netizens.

turon

Continue reading below ↓

turon “WITH TOUCHES OF DIAMONDS AND 18 KARAT”

Idinaan sa witty comments ng netizens ang pagkagulat nila sa mala-gintong presyo ng turon.

Joke ng isa (published as is): “Turon with collagen plus anti aging.. Also with beta carotene Zinc Iron Vitamins ABCDEFG”

turon

“Malamang with touches of diamonds yung staging tapos may 18 karat of gold yung wrapper,” biro naman ng isa pa.

Continue reading below ↓

“Baka may gold bar sa loob,” hirit ng isa pa.

turon

turon

Continue reading below ↓

Ang ibang seryoso, nagkomentong hindi praktikal ang presyo ng dessert at marami nang mabibiling pagkain sa PHP750.

turon

May lohikal na eksplanasyon naman ang ibang netizens.

Here's one: “Amanpulo is a[n] exclusive resort and a private island."

May nagkomento rin ng: “Actually it [is] because of the place."

Isa pang paliwanag tungkol sa sikat na summer destination: “Actually you're paying for the name of the place not the turon..same here in a 5 star hotel now ..1 mug of beer is 480 pesos..at store it's 50.”

Continue reading below ↓

amanpulo

Pero ano kaya ang pinagkaiba ng PHP750 na apat na pirasong turon na may ice cream?

Sulit naman ba ang ibabayad na PHP750 sa turon? Sinagot ito ni Czarina.

CZARINA SPEAKS UP about viral turon

Sa pamamagitan ng direct messaging, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Czarina tungkol sa lasa ng turon na in-order niya.

Continue reading below ↓

Sulit naman daw ang dessert.

“The Turon is worth paying for, of course. It was actually really delicious! It had sesame seeds, a bit of Langka, peanut powder, and ube ice cream—perfect for my liking,” mensahe ni Czarina nitong Huwebes, May 19, 2022.

“More than just the food, you're also paying for the unmatched place, ambiance, amenities, and experience.”

Aminado si Czarina na mahal ang bayad sa resort, pero sulit pa rin.

“Amanpulo is definitely worth the splurge if you have the budget,” paliwanag niya.

“It is reasonable to me that the resort is quite on the pricey side kasi naman it really shows!

Hindi raw maipagkakaila ang ganda ng lugar at ang serbisyo sa resort.

“If there's one thing that stood out, it's their top-tier customer service. “

Halata ring nagulat si Czarine sa mabilis na pag-viral ng kanyang post.

May mga napagtanto rin siya sa karanasang ito.

“Siguro it is that we, Filipinos, want to get our money's worth.

Continue reading below ↓

“I understood the fascination as to how and why, Turon, a very humble yet delicious and common Filipino delicacy is made expensive.”

Natakot din daw si Czarina kung paanong ang simpleng post sa social media ay napalaki.

Pag-amin niya, “I've seen a fair share of hate and love comments and it's a reminder to me to always be careful what we choose to share publicly and as well as to filter what we choose to affect us.”

HOW MUCH DOES IT COST TO STAY IN AMANPULO

Para makapunta sa isla ng Pamalican, Palawan, kung nasaan ang Amanpulo resort, kailangang sumakay ng chartered plane sa Ninoy Aquino International Airport.

Tinatayang mahigit isang oras ang biyahe papunta sa isla.

Ayon sa isang Preview article, ang presyo ay nakadepende kung magsi-stay sa casita o sa mas maluwag na villa sa Amanpulo.

Ang presyo sa casita ay tinatayang PHP60,3000 hanggang PHP95,000 kada gabi, samantalang sa villa nama'y tinatayang PHP160,800 hanggang PHP397,000 per night.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Turon for PHP750, anyone? Nag-viral ang post ng netizen na si Khalel Czarine Tanalgo dahil sa presyo ng turon na kanyang in-order.
PHOTO/S: Facebook (Khalel Czarine Tanalgo) / CTO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results