Tinapa business ng mga asawa ng mangingisda sa Mindoro, success!

by Chan-Chan Torres
Jun 17, 2022
tinapang bangus
Noong una ay kumikita lamang ng PHP50 kada araw ang grupo ng mga nanay mula sa Mindoro na gumagawa ng tinapang bangus. Pero ngayon ay kumikita na sila ng PHP200 kada araw o PHP6,000 kada buwan.
PHOTO/S: Efsie Bandelow via GMA Public Affairs

Maraming bakas ng trahedya at hindi magandang pangyayari ang ipinapaalala ng pandemya.

Noong kasagsagan nito, kaliwa’t kanan ang mga nawalan ng trabaho.

Pero para sa ilang nanay ng Calapan, Oriental Mindoro, hindi ito dahilan para sumuko. Sabi nga, sisilip din ang liwanag pagkatapos ng dilim.

Ganito ang kuwento ni Efsie Bandelow, isa sa siyam na nanay na bumuo ng Ilaw ng Agresibong Mangingisda.

Grupo ito ng mga nanay na ang mga mister ay mga mangingisda, at nagsusuportahan sila para may konting pagkukunan ng pang-araw-araw na gastusin.

Ani Efsie sa May 24, 2022 episode ng Pera Paraan ng GMA News and Public Affairs, "Kami po ay nag-isip kung paano kikita sa isang maliit na negosyo. Kung paano kami magkaroon ng pagkain sa lamesa.”

Naisip nilang gamitin ang smoker na ipinagkaloob sa kanila ng Bureau of Fisheries sa paggawa ng tinapang bangus.

Ang ginagawa nilang tinapang bangus ay ang mga hindi nabebentang bangus ng kani-kanilang mga asawa.

Continue reading below ↓

Kung nung simula ay kumikita lamang ng PHP50 kada araw ang bawat miyembro, ngayon ay kumikita na ang bawat isa ng PHP200 kada araw o PHP6,000 kada buwan.

tinapa

Ang mga miyembro ng Ilaw ng Agresibong Mangingisda, mga ilaw ng tahanan na ginagawang tinapa ang mga bangus.

Continue reading below ↓

Ang puhunan naman nila sa bawat piraso ng tinapa ay PHP150 at maibebenta ang finished product ng PHP250 hanggang PHP300 kada isa.

Malayo na ang nararating ng kanilang itinayong negosyo, considering na ang puhunan lamang nila noong umpisa ay PHP3,000.

Dagdag pa ni Efsie, welcome sa kanilang grupo ang ibang kababaihan na nangagailangan ng trabaho.

Hindi biro ang maghanap ng trabaho ngayon kaya malaking bagay ang grupo nina Efsie sa mga kababaihan ng Calapan.

Oportunidad na maituturing ang tinapa business, madali kasing pag-aralan, hindi kailangan ng malaking kapital, at masarap pa!

HOW TO MAKE TINAPANG BANGUS

Ito raw ang paraan ng paggawa ng tinapang bangus:

Step 1. Ihanda ang mga ingredients: asin, tubig, dahon ng calamansi, star anise, at ang bidang bangus.

Ito ay para sa saturated brine solution, kung saan ibababad ang bangus. Para naman sa pampalasa ng tinapa, maghanda ng chili flakes at garlic oil.

Step 2. Linising mabuti ang bangus. Sa paggawa ng brine, ihalo lamang ang asin, dahon ng calamansi at star anise sa tubig. Ibabad na ang bangus sa brine solution ng kalahating oras.

Continue reading below ↓

Step 3. Tanggalan ng tinik ang bangus (debone). Pagkatanggal ng lahat ng tinik, ibabad saglit sa mainit na tubig ang bangus bago ito patuyuin sa init ng araw.

Pag tuyo na ang isda, puwede nang lagyan ng konting seasoning bago ipasok sa smoker ng dalawang oras.

Mukhang masarap talaga itong tinapa ng mga taga-Calapan. Siguradong mas angat ang lasa nito dahil sa seasoning plus garlic oil at chili flakes. Nakakagutom!

Read Also:

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Read More Stories About
tinapa business, Non Celebrity
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong una ay kumikita lamang ng PHP50 kada araw ang grupo ng mga nanay mula sa Mindoro na gumagawa ng tinapang bangus. Pero ngayon ay kumikita na sila ng PHP200 kada araw o PHP6,000 kada buwan.
PHOTO/S: Efsie Bandelow via GMA Public Affairs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results