Filipino-owned restaurants in U.S. get prestigious Michelin stars

by J. Navarro
Jun 29, 2022
michelin
(Left photo) Filipino-American Tim Flores and Korean wife Genie Kwon manage Kasama Restaurant in Chicago. Ang resto nila ang kauna-unahang Filipino restaurant na nakakuha ng Michelin Star, ang much-coveted award for culinary excellence. (Right photo) Ang logo ng Michelin Guide na nagsisilbing badge ng food establishments na nabigyan ng Michelin star.
PHOTO/S: michelin.com / Facebook (Michelin Guide)

Humahakot ngayon ng prestihiyosong pagkilala ang husay at panlasa ng mga Pinoy chefs sa Amerika.

Sunud-sunod ang mga Filipino-owned restaurants doon na ginagawaran ng most-coveted Michelin star—ang badge of honor na ipinagkakaloob sa piling-piling establishments na kumpirmadong may pinakamataas na antas ng culinary excellence.

Abril ngayong taon nang makatanggap ng Michelin star ang Kasama, isang multi-awarded Filipino restaurant sa Chicago. Ito ang kauna-unahang Filipino restaurant na binigyan ng Michelin star.

Ngayong Hunyo, dalawang Filipino-owned restaurants sa Orlando, Florida ang napabilang sa latest Michelin Guide list ng mga ginawaran nito ng Michelin star: ang Soseki Modern Omakase sa Winter Park at ang Kadence sa Audubon Park.

Sa isa hanggang tatlong stars na rating system ng Michelin, nakakuha ang Kasama, Soseki Modern Omakase, at Kadence ng one Michelin star.

KASAMA BY CHEF TIM FLORES

Isinilang at lumaki sa Chicago, Illinois si Tim Flores, chef-owner ng Kasama, gayundin ang asawa niyang Korean na si Genie Kwon.

Continue reading below ↓

Sa kabila nito, pinili ni Chef Tim na ibida ang mga kultura at putaheng Pinoy sa restaurant na binuksan nilang mag-asawa sa kasagsagan ng pandemya noong July 2020.

“We named the restaurant Kasama because, apart from myself and my wife Genie combining forces into running this restaurant, we also combined the concepts we wanted to do,” ani ni Chef Tim sa panayam ng Michelin Guide, Abril ngayong taon.

tim flores and genie kwon

Continue reading below ↓

Fil-Am Chef Tim Flores and wife Genie Kwon

“We wanted to do Filipino food, and she wanted to do French pastries. And so Kasama, meaning 'together' in Tagalog, made sense for us.”

Inspirasyon daw ni Chef Tim ang mga Filipino food na paboritong lutuin ng kanyang ina. Tubong Imus, Cavite ang ina ni Chef Tim, habang Kapampangan naman ang kanyang ama.

“My mother is an amazing cook. She's always been the person at family parties where everybody looked forward to her food.

“They always praise her cooking, especially her pancit, arroz caldo, and mami soup,” kuwento ng Fil-Am chef sa Michelin Guide.

Naisip daw niyang ipakilala sa mga taga-Chicago ang pagkaing kinalakihan at kabisado niyang lutuin.

Dagdag-kuwento ni Chef Tim: “I took the techniques I learned and used them to elevate Filipino cuisine—the cuisine I knew best, and the food I grew up eating.

“This propelled me and motivated me to cook Filipino food and make it more accessible.

Continue reading below ↓

“So many people I know grew up next to somebody who was Filipino, went to school with somebody who was Filipino, and we always shared the food together.

“And this is an example of how people always relate to Filipino culture through the food.

“Because of this, our goal became to popularise Filipino food, show people what Filipino food is, and give people the chance to try it,” aniya.

"THE RISE OF FILIPINO FOOD IS REALLY BEGINNING"

Nanguna ang Kasama sa Best New Restaurant lists ng New York Times, Eater, Esquire, Chicago Tribune, at Chicago Magazine.

Dinadayo sila dahil sa mushroom adobo, pancit, bistek, at kare-kare sa menu nito.

Patok din ang modernong halo-halo, banana cue, at ube basque cake ni Chef Genie.

Para kay Chef Tim, ang natanggap na Michelin star ng Kasama ang patunay na unti-unti nang nakikilala sa mundo ang pagkain at kulturang Pilipino.

“I believe that now, the rise of Filipino food is really beginning. You're seeing a lot of chefs across the United States and all over the world just doing modern takes on some Filipino dish. I believe it's an outcome of the generation,” buong pagmamalaking kuwento ni Chef Tim.

Continue reading below ↓

“I want to see more Filipino food; I really do want to see more of it. I want to see more people doing what we are trying to do at Kasama. And hopefully, what we do leaves an impression.

“I want to push along with the other Filipino chefs around the country and in the world, as much as I want to push forward with Filipino cuisine,” sabi pa ni Chef Tim.

pansit

Continue reading below ↓

Pancit, a popular Filipino merienda, is also being served in Kasama Restaurant.

SOSEKI MODERN OMAKASE BY CHEF MICHAEL COLLANTES

March 2021 at may pandemic pa rin nang buksan ni Chef Michael Collantes, 38, ang kanyang Japanese restaurant na Soseki Modern Omakase sa Winter Park sa Orlando, Florida.

Tumanggap ng Michelin star ang ten-seater, five-nights-a-week fine dining restaurant ni Chef Michael dahil mayroon itong “ideal illustration of a contemporary meal expressed by way of an omakase,” ayon sa Michelin Guide.

Dahil ang inihahain ay nakadepende sa produksiyon ng mga lokal na mangingisda, magsasaka, at cheese at ceramic artisans sa Florida, ang multi-course at “globally-inspired” menu ng resto ni Chef Michael ay nag-iiba kada buwan.

Si Chef Michael ay anak ng mag-asawang immigrants mula sa Bulacan at Maynila. Kaya naman may pagkakataong nahahaluan ng panlasang Pinoy ang kanilang Japanese menu—gaya ng minsang maghain siya ng sinigang-inspired dashi broth at ng lechon kawali.

Continue reading below ↓

michelin mascot

Chef Michael Collantes, owner of Soseki Modern Omakase sa Orlando, Florida na ginawaran ng one Michelin star.

May pagkakataon ding gumagamit ang restaurant ng malunggay at calamansi sa culinary theme nito, ayon sa US-born chef sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News nitong June 19, 2022.

Continue reading below ↓

“A few little things here and there could let people know about our culture and the locally available ingredients,” ani Chef Michael.

THAT MICHELIN STAR DREAM

Sa parehong interview, inamin ni Chef Michael na para sa isang tulad niyang 20 taon na sa culinary industry, dream come true ang makatanggap siya ng Michelin star.

“I think if I earned it in my younger years, I’d be intense and very stern. But as you get older, [the years of experience] definitely humbles you,” sabi ni Chef Michael sa ABS-CBN News.

“Soseki is a very special place,” patuloy niya. “We plan to continue to build it and give our guests a great experience. Right now, we’re taking it slow and just enjoying the moment.”

sashimi

Continue reading below ↓

Soseki Modern Omakase serves Japanese food like sashimi

Sa nakalipas na dalawang dekada, nag-train si Chef Michael sa restaurants ng mga kilalang Michelin-starred chefs na sina Joël Robuchon, Wolfgang Puck, Eric Ripert, Masa Takayama, at Jennifer Carroll.

Bukod sa Soseki Modern Omakase, kay Chef Michael din ang Fil-Am themed restaurants na Taglish at Kamayan Supper Club sa Orlando, Florida.

KADENCE BY CHEFS MARK & JENNIFER BERDIN

Sa Orlando rin matatagpuan ang Kadence, isa pang sushi restaurant na pag-aari ng mag-asawang Mark Berdin at Jennifer Banagale-Berdin.

Komento ng Michelin inspectors sa Kadence: “The omakase opens with hot dishes and cool sashimi. This is food that's free-spirited, yet manages to honor the classic methods.”

Ayon sa report ng Forbes.com nitong June 16, 2022, parehong matagal na panahong nag-train sa mga Michelin-starred restaurants sa New York at London ang mag-asawa.

Tubong Bohol si Chef Mark habang Manilenya naman si Chef Jennifer.

Tulad ni Chef Michael, hindi rin naiiwasang mahaluan ng panlasang Pinoy ang mga menu sa sushi restaurant ng Kadence.

Continue reading below ↓

May pagkakataon daw, ayon kay Chef Jennifer, na “a little Jollibee statue show[ing] up on the window sill, a Filipino seaweed into a soup, moringa (malunggay) into an ice cream.”

chefs

Ang Mark Berdin at Jennifer Banagale-Berdin na ownder ng Kadence Restaurant sa Florida

Kuwento niya sa Forbes.com, natural na para sa kanilang mag-asawa ang haluan ng panlasang Pinoy ang kanilang menu.

Continue reading below ↓

“We never intentionally try to infuse Filipino food into our service, however, sometimes it just naturally happens,” ani Chef Jennifer.

donburi

Mga bowl ng donburi na isini-serve sa Kadence resto.

THE MICHELIN GUIDE AND ITS STARS

Taong 1900 nang ang konsepto ng Michelin Guide ay nabuo ng magkapatid na French industrialists na sina Andre at Edouard Michelin, na ang layunin ay lumakas ang demand sa sasakyan para makabenta sila ng maraming Michelin Tires.

Continue reading below ↓

Nasa 35,000 kopya ang unang imprenta, mababasa sa libreng Michelin Guide ang ilang mapa, instructions sa pagkukumpuni at pagpapalit ng gulong, maging listahan ng mga talyer, hotels, gasolinahan, at restaurants sa mga kilalang ruta sa France.

Lumakas ang demand sa sa Michelin Guide partikular dahil sa patok na listahan ng mga restaurants na nadadaanan ng mga biyahero.

Nang naging popular ito sa buong Europe at maging sa Northern Africa, nagpasya ang magkapatid na Michelin na presyuhan na ang kada kopya nito.

Taong 1926 nang unang nagbigay ito ng Michelin star ratings sa ilang fine dining restaurants sa France, at kalaunan ay nagkaloob na rin ang Michelin Guide ng three-star rating.

Narito ang Michelin Guide star rating descriptions, base sa website ng Michelin Guide:

1 Star: A very good restaurant in its category.

2 Stars: Excellent cooking, worth a detour.

3 Stars: Exceptional cuisine, worth a special journey.

GETTING THAT PRESTIGIOUS MICHELIN STAR

Mula sa 23 bansa, pumipili ang Michelin Guide team ng ilang restaurants para mabisita at masuri ng isang anonymous reviewer.

Continue reading below ↓

Narito ang limang restaurant rating criteria ng Michelin Guide inspectors:

  1. Quality of products
  2. Mastery of flavor and cooking techniques
  3. The personality of the chef represented in the dining experience
  4. Value for money
  5. Consistency between inspectors’ visits

Pagkatapos ng pagbisita sa restaurant, sumusulat ang inspector ng komprehensibong report tungkol sa pangkalahatang culinary experience niya sa lugar, kabilang ang kalidad at presentasyon ng pagkain.

Maghaharap-harap naman ang grupo ng mga Michelin inspectors upang pag-aralan ang mga report at masusing talakayin at desisyunan kung alin-alin sa mga nasuring restaurants ang bibigyan ng isa hanggang tatlong Michelin stars.

Ibang klase ang pagmamalaking hatid sa mga restaurant ng pagtanggap nila ng Michelin star dahil nangangahulugan ito ng dagdag na exposure, dagdag na customers, at dagdag na kita sa kanilang mga restaurants.

Sa datos ng Michelin Guide noong 2020, France ang may pinakamaraming Michelin-starred restaurants sa bilang na 628, kasunod ang Japan, 577; Italy, 374; Germany, 307; at United States of America, 169.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Left photo) Filipino-American Tim Flores and Korean wife Genie Kwon manage Kasama Restaurant in Chicago. Ang resto nila ang kauna-unahang Filipino restaurant na nakakuha ng Michelin Star, ang much-coveted award for culinary excellence. (Right photo) Ang logo ng Michelin Guide na nagsisilbing badge ng food establishments na nabigyan ng Michelin star.
PHOTO/S: michelin.com / Facebook (Michelin Guide)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results