Gelli de Belen, Ariel Rivera, and sons' biko selling like hotcakes in Canada

by Arniel C. Serato
Jul 12, 2022
Ariel Rivera, Gelli de Belen, sons biko business, patok sa Canada
Gelli de Belen and husband Ariel Rivera enjoy cooking their special biko, available only in places near their home in Ontario, Canada.
PHOTO/S: Courtesy: @lolobensbiko on Instagram

In-demand sa Canada ang biko business nina Gelli de Belen at Ariel Rivera, kasama ang dalawa nilang anak na sina Julio at Joaquin.

Mga kilala man silang artista sa Pilipinas, kapag binibisita ng dalawa sa Canada ang mga anak na nag-aaral ay ang pagluluto ng biko ang isa sa pinagkakaabalahan nila.

Family effort ito dahil maging ang dalawang binata ay ka-join sa paghahanda at pagluluto ng kilalang sticky rice cake o kakanin ng mga Pinoy.

Tinawag nila itong Lolo Ben’s Biko mula sa recipe ng ama ni Ariel na si Ben Rivera.

Ipinamana raw ang recipe na ito sa panganay na si Julio, na sinimulan ang pagluluto nitong pagpasok ng 2022.

Kalaunan, nakumbinse na rin si Joaquin, at ito na rin ang pinagkakaabalahan nina Gelli at Ariel kapag binibisita nila ang mga anak sa Mississauga, Ontario City, Canada.

Nitong nakaraang linggo lamang, ang mag-asawa mismo ang personal na nagluto ng biko.

Continue reading below ↓

Sabi ni Gelli sa Instagram, “I am back guys!!! Taking orders for Saturday and Sunday, July 2 & 3!!!! GTA only. PM @lolobensbiko for orders
@lolobensbiko #biko #bikolatik #bikowithlangka

Ang GTA ay Greater Toronto Area, na ibig sabihin ay mga kalapit-lugar ang puwedeng um-order dahil for pick-up lamang ang kanilang ipinagmamalaking biko.

Sa isa pa niyang post, ipinakita ni Gelli ang maraming biko na kanilang naluto.

Noong nakaraang linggo din, nag-upload si Ariel ng video kung saan siya pa mismo ang naghahalo ng biko.

Sabi niya sa caption, “Helping make @lolobensbiko Ready to take orders for this weekend of July 2 and 3. Please DM @lolobensbiko

"Only for GTA (Greater Toronto Area)... sorry po pero hindi po puwede order sa Pinas. Wala pa pong passport mga biko namin.”

Mabibili ang kanilang biko sa halagang $18 dollars o PHP900 (original flavor) at $20 o PHP1,100 naman kung may langka.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gelli de Belen and husband Ariel Rivera enjoy cooking their special biko, available only in places near their home in Ontario, Canada.
PHOTO/S: Courtesy: @lolobensbiko on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results