Mangkok ng lugaw sa Valenzuela, patok sa halagang 2 pesos

by Mavell Macaranas-Dojillo
Aug 3, 2022
lugaw
Noong 1974, ang mangkok ng lugaw ni Mang Romy Velasco ay nagsimula sa 25 sentimos at umabot ito ng PHP2 noong 2002. Nanatili ito sa dalawang piso matapos ang dalawang dekada.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)

Saan aabot ang dalawang piso mo?

Sa Marulas, Valenzuela, sa Romy’s Lugawan na pagmamay-ari ni Mang Romy Velasco, isang mangkok na lugaw ang katapat ng dalawang piso.

Kahanga-hangang napanatili ng 77 anyos na negosyante ang mababang presyo ng kanyang lugaw kahit sa panahon ng kabi-kabilang taas-presyo ng mga basic commodities.

Hindi nakapagtatakang patok na patok ito sa mga parokyano.

Katunayan, nag-viral ang kanyang kuwento kailan lamang at naitampok sa mga TV programs tulad ng Kaagapay ng Bayan (KBYN) ni Noli de Castro at Good News ni Vicky Morales.

Read: Josh Mojica, 17, kumikita ng PHP150K kada buwan dahil sa kangkong chips

Inayawan noong bata, tagumpay ang hatid sa pagtanda

Nakamamanghang malaman na ang susi sa tagumpay na negosyo ni Mang Romy ay isang bagay na parati niyang inaayawan noong siya ay bata pa lamang.

Ani Mang Romy sa Good News, “Noong kami ay bata, sampu kam, e. Yun lang ang kaya ng bulsa ng magulang ko, maglugaw, para kumasya sa amin.

Continue reading below ↓

“Ako, hindi ako kumakain ng lugaw. Pag lugaw ang lulutuin namin umiiyak na ako.”

Lingid sa kanyang kaalaman, ang lugaw ang makapagbabago ng kanyang kapalaran.

Nagsimula sa pagnenegosyo ng bigas si Mang Romy, pero kinailangan niyang maghanap ng ibang venture dahil sa isang matinding pagsubok.

May nagmungkahi sa kanya na magtinda na lamang ng lugaw.

At taong 1974, nagdesisyon siyang magbukas ng isang lugawan.

Pagkalipas ng 48 years, patuloy pa rin itong dinarayo ng mga suki at mga bagong parokyano.

Sa tulong ng pagtitinda ng lugaw, naitaguyod ni Mang Romy ang kanyang pamilya at napagtapos ang kanyang dalawang anak.

Ang kanyang panganay ay kasalukuyang naninirahan sa Amerika at nagtatrabaho bilang nurse, habang ang kanyang bunso ay nakatapos ng tatlong kurso.

old picture

Continue reading below ↓

Noong kabataan ni Romy Velasco kasama ang kanyang anak at misis.

Sa loob ng halos limang dedaka, PHP1.75 lamang ang itinaas ng kanyang isang mangkok na lugaw.

Nagsimula siya sa 25 sentimos noong 1974, naging 50 sentimos noong 1980, piso noong 1992, at PHP2 mula noong 2002.

At after 20 years, nanatili ito sa dalawang piso.

Hindi tubong lugaw pero panalo

Binabalik-balikan ang lugaw ni Mang Romy hindi lamang dahil sa presyo nitong dalawang piso, kundi dahil din sa lasa nito.

At kaligayahan na ni Mang Romy ang makitang nasasarapan ang kanyang mga customer.

Aniya “Kung nasisiyahan sila, nasisiyahan din ako.”

Hindi man tubong-lugaw ang negosyong napasukan ni Mang Romy, masaya siyang naibabahagi ang masarap at abot-kayang pantawid gutom para sa lahat, lalo na sa mga mahihirap.

Sabi pa niya, “Hindi lahat ng tao ay makakayang bumayad ng mahal. Ang unang nasa isip ko, syempre, yung kapakanan ng tao.

“Ang katwiran ko, basta kumita ako ng may pambili ng pagkain, nakakaraos ako sa maghapon, ganun lang.”

Continue reading below ↓

lugaw

Noli de Castro binisita si Mang Romy Velasco.

Ang tanong ng marami, mapapanatili ba ang presyong dalawang piso sa gitna ng kinakaharap na mataas na inflation ng ating bansa?

Oo. Sapagka’t walang balak si Mang Romy na galawin ang presyo ng kanyang lugaw.

Hangga’t kumikita siya kahit maliit, patuloy siyang magse-serve ng mainit na pantawid ng kumakalam na sikmura sa halagang dalawang piso lamang!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong 1974, ang mangkok ng lugaw ni Mang Romy Velasco ay nagsimula sa 25 sentimos at umabot ito ng PHP2 noong 2002. Nanatili ito sa dalawang piso matapos ang dalawang dekada.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results