Watch Now

Meet Danica Lynne Casta, engineering graduate turned full-time baker with six-digit income

by Bernie V. Franco
Oct 12, 2022
danica lynne casta engineering baker
Si Danica Lynne Casta ay pandemic graduate (right photo). Nagtapos siya ng BS in Construction Engineering and Management sa Mapua University noong October 2020. Pero tinahak niya ay pagbi-bake (left photo) bagamat wala siyang formal training. Six digits ang kita niya ngayon kada buwan.
PHOTO/S: Danica Lynne Casta

Si Danica Lynne Casta, 24, ay isang engineering graduate.

Pero sa kasalukuyan ay isa siyang full-time baker na kumikita ng six digits kada buwan.

Kuwento ni Nica sa Philippine Entertainment Portal noong October 7, 2022, wala siyang formal training sa baking, pero interes niya ang pagluluto kaya madali siyang natuto.

Aniya, “Wala po talaga akong [baking] seminars na in-attendan. As in self-taught… sa YouTube lang ako. Sa TikTok yung mga hacks, nakaka-help po talaga iyon."

Sa kasagsagan ng pandemya, nagtapos ng BS in Construction Engineering and Management mula sa Mapua University si Nica noong October 2020.

Dahil hindi satisfied sa mga nahahanap na trabaho, ginugol ng dalaga ang atensiyon sa pagbi-bake.

“Lockdown noon nagbi-bake na ako paisa-isa lang. ‘Tapos pangit yung mga cake na gawa ko kasi first time ko.”

Minsan, naisipan niyang gawan ng cake ang kanyang pamangkin at ipinost ito sa Facebook.

Nakatanggap siya ng mga iilang orders. Ito ang naging simula ng negosyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isinabay niya ang pagbi-bake at pagtatrabaho bilang online administrator ng isang food business.

“Ako ang nagsasagot ng inquiries doon. Hawak ko ay tatlong pages."

Naging daan ito para kay Nica na maisipang i-promote ang kanyang sinimulang cake business online.

“So nag-post ako ng mga cakes ko, parang preorder. So yun, may natatanggap ako na order, isa dalawa... 'tapos doon na nag-start.”

Kapag tapos na ang duty niya bilang admin, saka siya gumagawa ng iilang orders.

“Kasi kasya sa ref ko noon, limang [cake] lang.”

butterfly cake

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinong mag-aakala na dahil sa pagiging bored ni Danica Lynne Casta, matututo siyang mag-bake at ngayon ay full-time baker na siya.

Tinawag niyang Amberlyns Cake ang kanyang business na pinagsamang pangalan ng pamangkin na si Amber at nanay ni Nica na si Lyn.

“Lagi silang magkasamang mag-lola,” pagbabahagi ni Nica.

Sinubukan ding maghanap ng trabaho ni Nica na related sa course niya.

“Sobrang liit lang ng sahod,” aniya.

Ang salary offer daw ay PHP12,300.

Dugtong ng dalaga, “International company pa siya, so hindi ko natagalan.”

Read also:

BORED KAYA NAISIPANG MAG-BAKE

Wala raw sa hinagap ni Nica na papasukin niya ang pagbi-bake.

“Wala talaga sa mind ko na magbi-bake ako, kasi mahilig lang akong magluto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then nung nag-lockdown, doon ko naisip na ang boring. Wala po kasi talagang magagawa whole day.

Ipinagbi-bake niya ang kanyang pamangking baby sa tuwing monthsary nito, at gumanda nang gumanda ang itsura ng kanyang cake.

Natatawa pa niyang sabi, “Pero yung unang cake ko talaga, pangit talaga siya. Hindi po siya pambenta.”

Paano niya natutunan ang kanyang baking skills?

Ani Nica, “Self-taught talaga po. Nanood lang ako sa Youtube kung paano.

“And then nag-experiement ako kung ano yung masarap na bread para doon sa cake.”

Ang ipinambili niya ng oven ay ang sahod niya mula sa pagiging admin.

dimsum cake danica lynne casta

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang selling point ng Amberlyns Cake ay "same day rush cakes" na kayang tapusin sa loob ng ilang oras.

Minsan, gumawa siya ng cake para sa kanyang ama dahil Father's Day. Ipinost niya ito sa Facebook.

“Cube cake siya, ‘tapos binoost ko siya. Masama pa ang loob ko noon kasi magbabayad ako ng ads.”

Hindi raw niya akaling magsusunod-sunod ang orders niya dahil doon.

“Ayun, sobrang dami kong orders.”

Gaya ng sipag niya sa pagbi-bake, naging masipag din si Nica sa pagpo-post ng kanyang cake products sa food groups.

“Hanggang sa hindi ko na namalayan ganoon na pala siya kalaki.”

Nag-resign siya sa kanyang online job at nag-full-time baker siya.

Sa ngayon, may average 1,000 cakes na ginagawa si Nica kada buwan at umaabot na sa six digits ang kita niya.

Ang presyo ng cakes ay mula PHP450 hanggang PHP2,800 depende sa laki.

Mayroon na rin siyang siyam na miyembro ng staff.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagdating sa pagiging creative sa designs, malaking tulong daw kay Nica na marunong siyang gumuhit.

Sabi niya, “Actually, marunong akong mag-drawing, pero hindi ko siya ginawang path ng buhay ko.

“Alam ko lang sa sarili ko na parang creative ako…”

BUSINESS DOING WELL

Pero kahit pa successful ang kanyang cake business, nakakatanggap daw siya ng puna dahil imbes na maging engineer ay naging baker siya.

“Natatawa lang ako kasi parang di naman nila alam kung ano ang pinanggagalingan ko," reaksiyon naman ng dalaga.

“Hindi ko naman sineryoso mga comments nila kasi, syempre, opinyon nila iyon.”

Kahit nga ang nanay niya ay duda noong sabihin ni Nica na gusto niyang ituluy-tuloy ang negosyo.

Pero hindi nagpatinag si Nica sa sinasabi ng iba.

“Naniniwala ako sa brand ko na kaya ko siyang ipa-boom," hayag niya.

“Parang pinilit ko sa sarili ko na, ‘Kaya ko iyan.’ So yun, nakaya naman.”

customized cakes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nagamit ni Danica Lynne Casta ang husay niya sa pagdu-draw sa pamamagitan ng paggawa ng customized cakes.

Aniya, steady pa rin ang cake orders niya, lalo pa’t simula na ng Ber months.

Ang kakaiba raw sa kanilang cake ay “same day rush cakes” ang mga ito.

Kung may oorder ng cake sa umaga, matatapos nila ito ng early afternoon.

“Kasi mahilig po ang Pinoy sa rush cakes, e, so parang doon ako naengganyo na, okay...

“Kasi ako rin mahilig akong magpa-rush. Gusto ko deliver agad.”

Sa ngayon, patuloy na pinapalaki ni Nica ang kanyang negosyo gamit ang kinikita.

Ang investment niya ngayon ay lupa na patuloy niyang binabayaran.

“May ipon na talaga ako,” sagot niya nang tanungin namin kung may savings siya.

WHAT’S NEXT FOR NICA

Kumukha rin si Nica ng kanyang Masters Degree sa Mapua.

Umaasa siyang magagamit niya ang pinag-aralan balang araw.

“Kasi sayang din naman ang pinag-aralan ko. Then Mapua pa, ang mahal-mahal ng tuition, kaya kailangan ko talaga siyang gamitin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa mga nagpaplanong magnegosyo, may payo siya: "Basta passion lang yung kailangan mo and gusto mo yung ginagawa mo, natututunan naman lahat.

Pangalawa, dapat maniwala sa sariling kakayahan.

“Ang dami diyan na hindi naniniwala sa sarili nila, ‘Parang kailangan ko pang mag-aral,’ ganito, ganyan…

“Pero kaya mo naman, e. Basta passion mo, matututunan mo.”

Base raw ito sa kanyang personal experience.

“Ako nag-come up lang ako sa idea na cake since mahilig ako mag-create ng something creative.

“Marunong akong magluto, gustung-gusto kong magluto.

“So passion talaga ang key.”

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Danica Lynne Casta ay pandemic graduate (right photo). Nagtapos siya ng BS in Construction Engineering and Management sa Mapua University noong October 2020. Pero tinahak niya ay pagbi-bake (left photo) bagamat wala siyang formal training. Six digits ang kita niya ngayon kada buwan.
PHOTO/S: Danica Lynne Casta
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results