Watch Now

“No Meat Friday,” kaya mo?

by KC Cordero
Nov 7, 2022
Photo of bulalo
Kahit suportado ng Simbahang Katolika ang “No Meat Friday” campaign, nilinaw nito na hindi ito compulsory lalo na sa mga nakatatanda at mga maysakit. “So, for those who want and who can do it, please support the good intentions of the campaign."

Suportado ng Catholic Bishops' Conference of the Philippines ang panawagan ng Cambridge University na muling ikampanya ni Pope Francis ang “No Meat Friday” bilang isa sa mga solusyon para mabawasan ang sobrang global carbon emissions.

Sa panayam kay CBCP-Episcopal Commission on Indigenous Peoples chairperson Bishop Valentin Dimoc ng Radio Veritas noong November 4, 2022, sinabi niyang ang "No Meat Friday" ay makabubuti hindi lang sa kapaligiran kundi maging sa kalusugan ng mga tao.

Photo of crispy pata

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, maraming tao ang nagkakaroon ng chronic diseases sa ngayon dahil sa sobrang pagkain ng karne.

"We are consuming too much meat. Look at what is happening now to people regarding lifestyle illnesses. We are destroying our organs: heart, liver, and kidneys due to too much meat consumption and wrong nutrition."

Bagamat nakakatulong ang animal agriculture para matugunan ang pangangailangan sa pagkain, nakasisira rin ito sa kalikasan dahil sa mga maling pamamaraan.

Paliwanag ng arsobispo, "It leads farmers to use their productive agricultural lands to produce food for animals like corn instead of food for humans. Time to bring morality into our dietary practices."

Malaking hamon ayon naman kay Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio ang pagpapalaganap ng Simbahang Katolika ng "No Meat Friday" campaign.

Photo of barbecue

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw niya na ang paglahok sa kampanya ay hindi compulsory, lalo na sa mga nakatatanda at mga maysakit.

"With the No Meat Friday campaign, it's okay but we just have it on an optional basis because our circumstances are different, especially those with illnesses.

“So for those who want and who can do it, please support the good intentions of the campaign."

Batay sa ulat ng Statista Research Department noong October 13, 2022, mahilig sa karne ang mga Pinoy lalo na ang pork.

Photo of braised beef

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa loob ng isang taon, ang isang average Filipino ay nakaka-consume ng halos 25 kilong karne.

Ang 15 kilos rito ay pork, 11.6 kilos ang chicken, at 3 kilos ang beef.

Batay naman sa datos ng Our World in Data, ika-105 ang Pilipinas sa 173 countries na mahilig sa karne.

Sa kasalukuyan ay may mga Pilipino pa rin, lalo na ang mga Katoliko, na isinasagawa ang “Friday mongo" o pagkain ng munggo sa halip na karne tuwing Biyernes.

Nagsimula ito noong panahon ng pananakop ng mga Kastila, at itinuro ng mga prayle na bawal kumain ng karne pag Biyernes, at ang munggo ang naging paboritong pampalit dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit suportado ng Simbahang Katolika ang “No Meat Friday” campaign, nilinaw nito na hindi ito compulsory lalo na sa mga nakatatanda at mga maysakit. “So, for those who want and who can do it, please support the good intentions of the campaign."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results