Watch Now

VIRAL: Act of kindness sa isang service crew na nakatapon ng order

by KC Cordero
Dec 9, 2022
Service crew cleaning the mess
Ang naging gesture ni Mariz Agento sa service crew na nakatapon ng kanyang order ay umani ng iba-ibang komento mula sa netizens. Paano nga ba natin iha-handle ang ganitong sitwasyon kung sa atin nangyari?

Naibahagi ng netizen na si Mariz Agento noong December 7, 2022 sa kanyang Facebook account ang isang insidente habang nasa isang fast-food siya.

Ang kanyang post (published as is): "NATAPON NG CREW YUNG FOOD NAMIN SA JOLLIBEE KANINANG BREAKFAST."

Naglagay rin siya ng photo ng nakatalikod na service crew habang nililinis ang natapong order sa sahig.

Service crew cleaning the mess

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Mariz, "Napaisip agad ako na yung ipinasok niya for today is malamang iaabono niya lang since PHP500-plus yung bill namin.”

Ang naging desisyon niya, “So, di ako nagdalawang-isip to pay for it again. Kasi alam kong mahirap maging service crew sa fast-food.

“Kinausap ko yung nasa cashier, and made sure na hindi siya magbabayad sa natapon na food.”

Pagbabahagi pa ni Mariz, “Siguro pagod na si Kuya or may problemang bitbit.”

Payo niya sa service crew na nakatapon ng kanyang order, “Ingat na lang next time.

"SENDING VIRTUAL HUGS SA LAHAT NG SERVICE CREW. DESERVE NYO NG MAS MATAAS NA SAHOD.”

Ang kanyang post ay nakakuha ng 6.9K comments at nai-share ng 74K beses.

Umani ng positibong komento ang post ni Mariz.

Marami ang natuwa sa kanyang naging gesture.

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa panahon ngayon na masyadong harsh ang mundo ay kailangan ang mga taong tulad ni Mariz.

May nakapansin naman na batay sa uniform na suot ng service crew, trainee pa lang ito.

Iyon din ang obserbasyon ng ibang netizens na nagtrabaho rin sa nasabing fast-food.

Marahil daw ay kabado pa ang service crew kaya nakatapon ng order.

Marami sa kanila ang nakaranas din ng ganitong sitwasyon dahil nakaka-tense umano sa una ang paghahatid ng order sa customer kahit pa dumaan sa training at orientation.

Tiyak umano na maa-appreciate ng service crew ang ginawa ni Mariz, at mas pagbubutihin nito ang trabaho.

Netizens' comments

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking tulong daw ang kanyang nagawa dahil malamang na breadwinner na bumubuhay ng pamilya ang service crew, working student, at badly needed ang trabaho para masuportahan ang daily expenses.

Anang isang netizen, “Nakaka-relate kami kasi sometimes kaya pinasok namin yung ganyan trabaho is makakain man lang for free ng isang beses sa isang araw para ma-budget lahat.”

Gayunpaman, mayroon ding hindi kumbinsido sa nangyari.

May nagkomento na kung trainee pa lang, dapat mag-ingat sa pagkilos ang service crew at huwag agad gagayahin ang mga beterano na minsan ay tatlong daliri lang ang nakatukod sa tray.

May nagsabi ring gusto lang mag-viral ni Mariz at ginamit pa ang service crew at kinunan ng picture para sumikat.

Pero ani Mariz, “Hi, if you are looking at this post na ganyan po ang mindset mo, then diyan po tayo nagkakaiba.

“I posted this kasi gusto kong i-share ang nangyari sa akin today.”

Paliwanag pa niya, “Ang pagiging viral ay hindi control ng nag-post. If this affects you negatively, you can keep scrolling on your feed.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paalala pa niya, “We should always be careful with our words, because we never know pano siya makakaapekto sa isang tao. God bless you.”

Hiniling naman ng mga netizens kay Mariz na hayaan na lang ang iba sa kanilang pananaw tungkol sa kanyang post.

Isang kakilala naman niya ang nagkomento at nagpatotoo na mga estudyante pa lang sila ay sadyang mapagbigay na si Mariz.

Anito, “Hindi madamot lalo na sa mga answers.”

Susog naman ng isa pa, “Legit ito. Mabait talaga ito.”

Para naman sa writer na ito, iba-iba ang ating pagtingin sa nasabing sitwasyon.

Pero wala namang mawawala kung mas pipiliin nating magpakita ng maliit na act of kindness, at nang mararamdaman din natin ang hindi maipapaliwanag na saya sa ating puso.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang naging gesture ni Mariz Agento sa service crew na nakatapon ng kanyang order ay umani ng iba-ibang komento mula sa netizens. Paano nga ba natin iha-handle ang ganitong sitwasyon kung sa atin nangyari?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results