Watch Now

Fishball-sauce business nagsimula sa PHP5K; five digits/month na ang kita, for export pa

by Mavell Macaranas-Dojillo
Dec 17, 2022
Manong's Fishball sauce
Noong Mayo 2020, nakakuha ng PHP5,000 ayuda si Ritchie Rodriguez, at ginamit niya itong puhunan sa fishball-sauce business. Ngayong, ine-export na ang kanyang produkto sa iba't ibang bansa.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Saan nakarating ang ayudang natanggap mo mula sa pamahalaan noong May 2020, kasagsagan ng pandemya?

Ang pamilya ni Ritchie Rodriguez ay ginamit itong puhunan sa negosyong fishball sauce.

At mula sa PHP5K na puhunan, lumago ito at in-export na ngayon sa Japan, Australia, Austria, at USA.

Sa kuwento ni Manong Ritchie sa Pera Paraan, ito ang naisipan niyang business dahil mahilig ang kanyang pamilya sa fishball na isinasawsaw sa manamis-namis na sauce.

Ani Manong Ritchie, “Gustung-gusto namin kumain ng fishball, pero wala nang lumalabas kasi bawal magtinda. So sabi namin, subukan natin na ialok yung fishball sauce.”

Mula sa isang simpleng Enhanced Community Quarantine (ECQ) business, nag-boom nang husto ang Manong’s Fishball Sauce dahil sa lasa at kalidad nito.

Sa ngayon, mayroon na silang resellers sa iba’t ibang panig ng bansa at mundo at kumikita ng five-digits na kita kada buwan.

Ito na ang pangunahing ikinabubuhay nila, at nakakuha pa ng health insurance para sa buong pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Manong's Fishball sauce

Manong Ritchie Rodriguez cooking his famous fishball sauce.

TEAM EFFORT NG RODRIGUEZ FAMILY

Gamit ang pinakasimpleng sangkap tulad ng toyo, suka, asukal, cornstarch, at tubig, lumago ang kanilang kumikitang kabuhayan.

Full-force effort ang buong pamilya, at kanya-kanya sila ng role sa pagpapatakbo ng negosyo, lalo na nang ito ay nagsisimula pa lamang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang padre de pamilyang si Manong Ritchie ang taga-add sa Facebook, tagakuha ng order, nagbabalot, at nag-eempake.

Ang kanyang maybahay na si Cielo ang nag-design ng labels.

Ang pangalawang anak na si Miel naman ang taga-dikit ng labels sa mga bote. Siya din ang nag-aasikaso ng poster designs na ipinopost sa facebook.

Ang panganay na anak ni Manong Ritchie na si Miggy ang kanyang katuwang sa pagpapalawak ng kanilang negosyo.

Kalaunan, naisipan nilang i-expand ang kanilang business.

Nagtayo si Miggy ng Manong’s Tusok Tusok kiosks na puwedeng i-renta sa mga parties.

Meron na rin sila sa mga malls upang maging mas accessible ang paboritong street food ng lahat—ang fishball, kasama ang kanilang special sauce recipe.

Manong's Fishball sauce Kiosk

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Linggu-linggo rin silang pumupuwesto sa Legazpi Sunday Market sa Makati, at available na sila sa mga online shopping apps tulad ng Shopee at Lazada.

NEGOSYONG TUSOK TUSOK CHRISTMAS PACKAGE

Dahil panahon ngayon ng gift-giving, mabenta ang Manong’s Christmas Gift Package na nagkakahalaga lamang ng PHP700.

Kasama rito ang 1 litro ng Manong’s Fishball Sauce, 1kg ng fish balls, 500g ng kikiam, 500g ng squid balls, 500g ng chicken balls, cocktail sticks, cocktail plates, at isang native bag na lalagyan, complete with a Christmas patch and an old-fashioned Christmas card.

Puwedeng-puwede itong panregalo para sa mga mahihilig magtusok-tusok.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong Mayo 2020, nakakuha ng PHP5,000 ayuda si Ritchie Rodriguez, at ginamit niya itong puhunan sa fishball-sauce business. Ngayong, ine-export na ang kanyang produkto sa iba't ibang bansa.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results