Watch Now

Siomai and java rice cart sa Valenzuela City, pinipilahan

by KC Cordero
Dec 21, 2022
Split image of siomai and java rice combo, and the long line
Para sa mga suki ng siomai and java rice ni Mang Bogart, sulit na sulit ang maghintay kahit dalawang oras dahil napakasarap ng kanyang tindang combo meal. "Sauce pa lang, ulam na!"

Patok sa mahihilig sa siomai at java rice ang cart ni Rosauro Santos na matatagpuan sa Brgy. Gen. T. De Leon, Valenzuela City.

Malapit ito sa Gen. T. de Leon National High School at Pandayan Book Shop.

Alas sais pa lang ng umaga ay pinipilahan na ito.

Ang may-ari ng cart ay mas kilala sa tawag na Bogart o Kuya Bogart sa kanyang mga kaibigan at kakilala.

Bogart Santos cooking

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mismong si Valenzuela City Representative Rex Gatchalian ang nag-promote ng siomai at java rice ni Bogart.

Nag-post siya tungkol dito sa Facebook noong November 13, 2022.

Ayon sa mambabatas, must try ang famous food combo ni Bogart na 25 years na niyang itinitinda.

Dating kusinero raw si Bogart, pero nang matutong gumawa ng siomai ay nag-resign sa trabaho at sinimulan ang maliit na negosyo.

The long line

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ani Bogart sa panayam ng GMA TV last November 5, “Noong una ay puro siomai lang. Sabi ng mga kaklase ko, nabibitin sila. Kailangan daw ng kanin.”

Kaya nagluto rin siya ng java rice.

May special na timpla si Bogart sa kanyang java rice na ginagamitan niya ng margarine, chorizo, atsuete, at keso na inihahalo niya sa kanin at niluluto na parang sinangag.

Photo of siomai and java rice

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang resulta ay ang kanyang napakasarap na signature java rice, na tamang-tamang ka-partner ng siomai.

Naging mabenta ang siomai at java rice combo, at hanggang ngayon ay pinipilahan ito ng mga parokyano.

Pagtitiyak niya, “Kasi yung java rice natin ay iba ang lasa.

“Yung iba kasi magkulay dilaw lang yung java rice nila, okey na yun. Swak na.

“Sa amin, hindi. Hangga’t maaari, kung kailangang dagdagan pa ng ingredients, dinadagdagan ko pa.”

Siya rin ang gumagawa ng panimpla sa siomai na chilli oil at toyomansi.

Suki niya ang mga gusto ng full meal sa murang halaga.

Thirty five pesos ang isang cup ng java rice na may kasamang tatlong pirasong siomai.

Forty-five pesos naman sa one and a half cups of java rice plus four pieces of siomai.

Best of all, sauce pa lang daw, ulam na.

Photo of Bogart Santos

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado naman si Bogart na sa ngayon ay mayroon na siyang supplier ng siomai.

Pumanaw kasi sa sakit na cancer ang kanyang misis, kaya wala na siyang makatuwang sa paggawa.

Ang pagkakasakit ng kanyang misis ang isa sa pinakamalaking pagsubok na kanyang pinagdaanan.

“E, yung gamutan, napakagrabeng gastusan yun, e.”

Napilitan din umano siyang mangutang noong mga panahong iyon.

Napakalaki naman ng kanyang pasasalamat sa kanyang negosyo.

“Blessing talaga sa akin iyan. Araw-araw, ito ang nag-aabot sa akin ng pera.

“Napakasuwerte ko sa cart na ito na hindi ako pinagdamutan ng kita.”

Malaking tulong din sa mga katabing tindahan ni Bogart ang kanyang negosyo dahil sa mga ito bumibili ng bottled water at softdrinks ang kanyang mga suki.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Para sa mga suki ng siomai and java rice ni Mang Bogart, sulit na sulit ang maghintay kahit dalawang oras dahil napakasarap ng kanyang tindang combo meal. "Sauce pa lang, ulam na!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results