Josh Mojica, millionaire at 18; kangkong chips business, may factory na!

In a span of one year, mayroon na siyang 100 employees.
by Bernie V. Franco
Mar 8, 2023
josh mojica and julius babao
Noong January 2022, naitampok ang teenager na si Josh Mojica (foreground left) na kumikita ng PHP150,000 kada buwan sa paggawa ng kangkong chips. Ngayon, si Josh ay 18 anyos at certified milyonaryo.
PHOTO/S: YouTube (Julius Babao UNPLUGGED)

Noong January 3, 2022, nasulat sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kuwento ng 17 anyos na si Josh Mojica na nag-venture sa paggawa ng kangkong chips.

Read: Josh Mojica, 17, kumikita ng PHP150K kada buwan dahil sa kangkong chips

Kada buwan noon, kumikita si Josh, taga-Cavite, ng PHP150,000 kahit na anim na buwan pa lang niya nasisimulan ang kanyang negosyo.

Nagsimula siya noong June 2021 sa mano-manong pagluluto ng kangkong chips at inilalako sa kanyang mga kakilala.

Katuwang niya ang mga kaklase sa paggawa at pag-pack ng kangkong chips, na recipe ng kanyang tiya.

Nagkaroon ng orders mula sa ibang rehiyon sa bansa at maging sa labas ng bansa, tulad ng Canada at U.S.

Isang taon ang makalipas mula nang maitampok si Josh, na ngayon ay 18 anyos, isa na siyang certified millionaire.

Nakapagpatayo na siya ng kangkong chips factory, may isandaang empleyado, nakabili na ng van, at kakapatayo ng mas malaking two-storey factory na kanilang lilipatan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

UPDATE ON JOSH

Nagbigay ng update si Josh sa Julius Babao UNPLUGGED vlog noong December 5, 2022.

Ipinakita niya ang factory at ang step-by-step process ng paggawa ng kangkong chips—mula sa paglilinis ng dahon, breading, frying, draining hanggang sa pagpa-pack ng mga ito.

May pitong flavors ang kanyang produkto: sour cream, honey butter, chocolate, barbecue, cheese, classic, at spicy.

Kuwento ni Josh, noong nakaraang taon niya naranasang kumita ng PHP1 milyon.

Pero hindi siya nagpakakampante.

Sabi niya, “Sobrang grateful po ako, pero parang may pressure po talaga. Grabe yung pressure.

“Hindi po ako agad parang, ‘Milyonaryo na ako, okay na ako diyan!’ Parang, ‘Okay, dito tayo ngayon. Anong sunod na gagawin natin?’”

Hindi pa raw iyon ang oras “para mag-relax ka o maging kampante ka.”

Pagdating ng January 2022, nagkaroon na siya ng factory, bumili ng van para sa delivery, at nag-hire muna ng 50 katao na di nagtagal ay umabot na ng 100.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

factory

Ang kanyang mga tauhan ay mula sa kanyang komunidad sa Cavite, na kinabibilangan ng isang person with disability na ipinagmamalaki ni Josh na masipag sa trabaho.

Sabi ng isa niyang tauhan, kabilang sa mga trabahador ang mga “dating tambay” sa lugar.

Ani Josh ukol sa kanyang mga manggagawa, “Kailangan [isipin] ano na ba sila sa negosyong ito? Ano na ba yung mga natutulungan ko? Ano na ba yung resellers ko? Ano na ba nagagawa ng negosyo sa kanila? Paano ba nakakatulong ang negosyo sa kanila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi lang daw basta ang sariling pag-asenso ni Josh ang kanyang iniisip.

factory

BUSINESS WITH A PURPOSE

Nang itampok si Josh ng media outlets noong nakaraang taon, nagkaroon daw siya ng lakas ng loob na simulan ang negosyo nang pumanaw ang lolong nagpalaki sa kanya.

Ang pangaral ng lolo sa kanya: ang buhay ay mahirap kaya dapat matayog ang pangarap.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang naging pamantayan sa buhay ni Josh.

Sabi ni Josh, “Intentional lahat ng gagawin ko, may purpose para sa kinabukasan ko.”

Kung ang mga kaedad niya ay busy sa paglalaro, pag-e-enjoy sa buhay bilang teens, kumakayod na si Josh.

Katuwiran niya, “Pag mas maaga kong ginawa, mas maaga akong puwedeng mag-retire.

“Kung ngayon po, imbes na bumarkada ako, ngayong 20s, 30s, bubuhos ko po lahat sa craft ko sa work ko, para sa 35 ko, puwede na [magretiro].

“Ngayon bata pa po ako, e, marami pa po akong energy. So hindi ko po siya sasayangin sa hindi makabuluhang bagay.”

Dugtong niya, hindi na niya magagawa ang maraming bagay kung magsisimula siya kapag mas tumanda pa.

Diretsong tanong ni Julius Babao si Josh kung magkano na ang kanyang kinikita.

“Siguro po around seven digits na po,” sabi ng binata na hindi na nagdetalye.

Pero napansin din ni Julius ang suot na Rolex watch ng binata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa wristadvisor.com ang pinakamurang Rolex watch ay Oyster Perpetual Reference 126000 na may halagang $5,800 o PHP324,800.

kang kong chips factory

Sinabi ni Josh na ang pinagtutuunan niya ng pansin ay ang marketing ng kanyang negosyo.

“Hanggang kaya na niyang tumayo nang mag-isa, hanggang sa magkaroon na ng sistema na papasok na yung cash flow kahit wala ako palagi,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong 2022 ay tumigil ng pag-aaral si Josh para matutukan ang business.

Pero balak niyang kumuha ng culinary para paghusayin ang sarili sa napiling business venture.

THE MEANING OF SUCCESS FOR JOSH

Kung ang iba ay bumibili ng properties, iba ang pananaw ni Josh sa success.

Paliwanag niya, “Actually, hindi po siya yung bumili siya ng mamahaling kotse, hindi siya yung maipagpatayo ng bahay ang magulang mo.

“Para sa akin, yung success is a sensation. It’s a feeling na magawa mo yung lahat kung kelan mo gusto, mabili yung mga bagay kung kelan mo gusto.

“It’s the feeling, yung freedom…”

“Ginawa ko, nagpataas ako ng skill para ma-convert ko siya sa cash.

“Kailangan maging deserving muna ako, kailangan kapag nakuha ko na yung hinahangad kong break, nakagat ko na.

“Hindi mo alam ang bagay na magpapayaman sa yo kaya you have to build yourself up until maging deserving ka for it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iangat mo lang yung experience mo, yung skill mo. Gawin mo ang lahat ng bagay na magaling, kahit ordinaryong bagay gawin mo with excellence kasi it will reflect.

“Balang araw, lahat iyan, aanihin mo din.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Noong January 2022, naitampok ang teenager na si Josh Mojica (foreground left) na kumikita ng PHP150,000 kada buwan sa paggawa ng kangkong chips. Ngayon, si Josh ay 18 anyos at certified milyonaryo.
PHOTO/S: YouTube (Julius Babao UNPLUGGED)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results