Dahil sa kanyang mas matayog na pangarap, nagdesisyon ang isang Information Technology (I.T.) engineer na mag-resign para magtinda ng siomai.
Ngayon, nakakabenta na siya ng minimum na PHP5,000 kada araw.
Ito ang kuwento ni Ron Jan Rubia, na nag-trending sa TikTok nang i-post ang kuwento niya.
Bilang isang I.T. engineer sa Ortigas, maayos naman ang kita ni Ron na nagtatrabaho from 9:00 a.m. to 6:00 p.m.
Pero bakit nagdesisyon siyang mag-resign?
“Gusto ko kasi yung talagang hawak ko yung oras ko para the more na mas masarap mag-harvest sa sarili mong oras,” aniya sa interview ni Chinkee Tan.
“Imagine, di ba, eight hours kang nagtatrabaho.
“At least ikaw, hawak mo yung oras mo. Mas malaki yung mapapasok [na kita].”
Read: Call-center agent's food kiosk now has 60 resto branches, 40 more coming up
WHY CHOOSE A SIOMAI BUSINESS
Maraming business ideas na ibinigay si Ron sa kanyang kasintahan.
Pero kalaunan ay naisip nilang food business ang pasukin.
“Kaming mag-partner, what if food industry. Siomai cart… mag-start tayo sa small. Sabi niya, ‘Go!’”
Noong nag-aaral ay dati ring naging angkas driver si Ron para suportahan ang pagkokolehiyo.
Bilang rider, suki siya noon ng mga food cart.
Kuwento ni Ron, “Lahat naman tayo kumakain. Naranasan ko po ring maging rider once.
“[Pag] nakakakita talaga ako ng ganyang food cart, humihinto po talaga ako para kumain.
“Yung isip po talaga naming mga rider, kung alin po yung mura, yun po ang kakainan namin.
“E, why not ako naman yung puntahan ng mga rider?”
FROM I.T. ENGINEER TO SIOMAI VENDOR
Gamit ang PHP20,000 na puhunan, bumili ng second-hand food cart si Ron pati na rin ang mga kailangang gamit para sa siomai cart.
“Sabi ko [sa partner ko], ‘Ako, mag-manage...Sige, sa akin muna lahat. Support lang yung kailangan ko.’”
Pumupuwesto si Ron sa tabi ng puno sa Mulawin Bend sa Pasig City.
Tinawag niyang Siomai Boulevard ang kanyang siomai business.
“First week of March, lahat iyon ginugol ko oras ko para mabuo agad yung cart.
“Nag-start first week of March… April, doon na nag-boom.”
Unang araw niya ay nakabenta siya ng higit PHP1,000, pero makalipas ang tatlong buwan, nakakabenta na siya ng PHP5,000 minimum kada araw.
Sinabi rin ni Ron na marami sa kanyang mga customer, binabanggit ang ginawa niyang TikTok video tungkol sa kanyang buhay bilang siomai vendor.
Ani Ron, “Naggawa kami ng video kasi na-inspire talaga ako sa mga influencers sa TikTok na gumagawa ng mga ganoong idea.
“Kaya di ko rin in-expect na magti-trending tayo. Bale fifty percent na kumakain diyan sa Siomai Boulevard, ‘Sir, nakita kita sa TikTok.’ Malaki pong impact.”
Nag-upgrade na rin sa e-bike ang cart ni Ron.
Nagkakahalaga ng PHP25 ang order ng isang siomai, PHP40 kapag may kasamang Java Rice at PHP50 kapag sinamahan pa ng drink.
Read: Josh Mojica, millionaire at 18; kangkong chips business, may factory na!
Naniniwala si Ron na kung gusto niyang maabot ang mga pangarap, negosyo ang susi rito, kaya nagdesisyon siyang iwan ang corporate world.
“Hindi ito yung sagot sa mga pangarap ko kasi kung punung-puno ka ng mga pangarap sa buhay,” kuwento niya sa pagiging empleyado.
“Yung ganoong kita na gigising ka ng umaga tapos papasok ka ng 8:00 a.m.-6:00 p.m., parang hindi sapat yung kinita mo para maabot mo yung mga pangarap mo.
“Mag-harvest ka sa sarili mong oras para mas lumaki yung kita mo.”