Inilunsad sa Brazil ng isang fast-food company noong July 12, 2023, ang burger na may dressing na bright-pink sauce.
Bahagi ang pink burger ng themed meal bilang hudyat ng pagpapalabas ng bagong Barbie movie.
May toppings ito na piraso ng bacon, at may kasama ring pink vanilla-flavored milkshake, doughnut na may naka-sprinkle na pink frostings, at isang order ng Ken's fries.
Read: Name this rare white lion born in Malabon Zoo
Read: “Ibong Adarna” namataan sa Mount Apo
Ang meal ay tumanggap ng iba’t ibang reactions sa social media.
May nagkumpara sa pink sauce ng cheeseburger sa "chewed bubblegum."
Samantala, ang production ng pelikulang Barbie ay nangailangan ng napakaraming bright-pink paint.
Napaulat na isang supplier ng paint ang naubusan ng pink color dahil ginamit sa production. Kaya posibleng kapusin ng kulay ang global supply ng mga kumpanya.
Read: Babaeng may 800 tattoos, hindi matanggap sa trabaho
Ginampanan ni Margot Robbie ang role ni Barbie.
Sinabi naman ni Ryan Gosling na hinikayat siya ng kanyang mga anak para tanggapin ang role bilang si Ken.
Ipalalabas ang naturang pelikula sa July 21.
Ang burger combo ay limitado lang sa Brazil at hindi magiging regular na bahagi ng menu ng fast-food company.
Read: “Bagong Pilipinas” campaign, inilunsad; gobyerno walang ginastos sa logo
Ang Barbie-themed burger ay kasunod namang inilunsad ng isa pang produkto ng fast-food company—ang Real Cheeseburger.
Ang Real Cheeseburger ay walang karne at punung-puno ng 20 piraso ng American cheese. Available naman ito sa Thailand.
Read: Conjoined twins Joy and Joyce Magsino graduate from elementary with honors