Isang kakaibang dish ang agaw-atensiyon sa social media recently dahil ang main ingredient nito ay bato.
Ang maliliit na bato ay igigisa sa mantika, chilli, garlic, rosemary, at iba pang mga pampalasa.
Ilalagay ito sa maliit na paper container.
Sisipsipin ang mga bato para makuha ang lasa at flavor nito. Kapag nasimsim na ang lasa ay puwede nang itapon.
O kaya ay puwede ring gawing souvenir.
Read: Extremely rare Melo pearl na abot PHP1.6M ang halaga, napulot sa uulaming kuhol
Ang tawag sa Chinese dish na ito ay “suodiu,” literal na ang ibig sabihin ay “suck and throw away.”
Ang bawat serving ay nagkakahalaga ng 16 yuan o $2.30 dollars o tinatayang PHP126.
Sa social media, mapapanood na sarap na sarap ang mga sumubok ng dish.
Ninanamnam nila ang flavor sa bawat bato bago ito iluwa.
Bibili ka ba?
Read: Rider in Davao City arrested for Superman stunts on the road
“WORLD’S HARDEST DISH”
Binabansagang “world’s hardest dish” ang pagkaing ito ngayon sa social media.
Kakaiba man, makulay at malalim ang pinag-ugatan ng dish na ito na nagmula sa Hubei province ng China.
Ilang daang taon na ang tanda ng nito.
Ang mga bangkero ang nakaisip dahil nagtatagal sila noon sa dagat para maghatid ng pagkain.
Dahil nauubusan sila ng baon habang naglalayag, naisip nilang lagyan ng mga pampalasa ang mga bato “to find happiness in the bitterness,” ayon sa report.
SOUVENIR AFTER 'EATING'
Samantala, sa kumalat na video, makikita kung paano ito iniluluto.
Kinunan ng video ng isang lalaki, na tinanong ang cook kung isasauli ba ang mga bato pagkatapos.
Sagot ng cook, “No need. You have them as souvenirs.”
Dagdag ng cook, ang mga bato ay puwedeng iwan sa mga susunod na henerasyon.
“You may be gone but the pebbles will still be there," aniya.
Read: Expectation vs reality? Netizens on photos of Ibong Adarna: “Hindi naman pala kagandahan”
Puwede ring lutuin ang dish sa bahay gamit ang mga bato.
Pero may ibang netizens na hindi pabor sa dish.
Inaalala nila kung hygienic ito, at may mga nangambang gait na ang mga batong iniluluto.
Delikado rin daw na baka malunok ang bato.
Paano nga naman kapag nalunok ito?